Naranasan nyo na ba yung prenteng prente kayo sa pagkakahiga nyo at halos naghihilik pa kayo dahil sa walang pasok at pwede kang magising ng tanghali pero sa kasamaang palad eh bubulabugin ka ng...
"Taaaaarrrrnnn me luuuhuussssss, prom yor heyndssss, let me plaaaaa-a-a-aayyyy to distan leeeehennnnd..."
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak nung kapitbahay namin at alas-siete ng umaga nagbi-videoke na sila, mabuti sana kung parang ihehele ka sa lamig at ganda ng boses pero yung pagkanta na tipong galit sa lahat ng aspeto ng musika eh yun ang kamaktol-maktol. Videoke na nga, babasahin na lang yung letra sasablay pa, tapos sila yung tipong nakikipaghabulan sa tyempo, hindi naman sintunado pero wala sa tono, oo ganun talaga, hindi ako magaling kumanta para mangpuna ng ibang taong umeeffort kumanta pero kahit paano naman alam ko kung kelan ako wala sa tono at di tama ang pagkanta at alam ko rin kung nakakabulahaw ako sa mga tao sa paligid ko, pero me mga tao talaga na pag nakahawak na ng mikropono eh akala mo sila na lang ang taong nabubuhay sa mundo. Happiness has nothing to do with it.
Ok lang naman mag videoke, pero wag naman ganung kaaga at wag ganung ka sablay sa tono, wala na sa lugar wala pa sa ayos yung pagkanta, yung tipong pati sa panaginip mo sa gabi eh maririnig mo silang kumakanta na kahit yung mga batang walang muwang eh mawawalan na ng gana at interes sa musika dahil sa kagagawan nila. Iyon na ata ang isa sa pinaka disturbing na tunog na maririnig mo, sumusunod dun sa dj ng radyo na laging bukambibig eh "Meh ganun!" kada limang segundo o kaya kay Boy Abunda pag sumusigaw sya ng "now nah!", parang pare-pareho sila ng epekto sa makakadinig, at hindi ko ine-exaggerate yung sinasabi ko.
Kaya ako walang kaamor amor sa mga nag imbento ng magic sing saka yung mga dvds na may built in na videoke, masyado nilang ginawang accesible sa mga tao ang videoke, masyadong madali ngayon sa mga tao ang makapang istorbo ng kapwa dahil sa mga ganung gadget, isang magandang halimbawa na eh yung kapitbahay namin. Dapat siguro gawan ng batas yang pagbi-videoke, kung bibili ng videoke dapat ire-require muna na kumuha ng lisensya sa pagkanta. Kumbaga sa pagbili ng baril dapat dadaan din ang mga bibili ng videoke sa series of test para makakuha ng lisensya, gaya ng psychological test, intelligence test, at emotional quotient test, tapos yung proper training din sa pagkanta mula vocalization hanggang proper posture when singing. At kung hindi nila maipapasa lahat ng test eh hindi sila bibigyan ng lisensya para makabili o makaarkila ng videoke. Tapos dapat meron ding ahensya ng gobyerno na magpu-pulis sa mga reckless videoke singers, pwede dapat silang ipahuli sa kasong... uhm... noise pollution, kung mahuli silang nagbi-videoke ng wala sa lugar at sa ayos pwede sana silang makulong o kaya parusahan ng limang araw na walang gagawin kundi manood ng re-runs ng That's Entertainment o anumang similar na epektibong parusa. Dapat talaga merong batas na maipasa para sa tama at makatarungang pagbi-videoke! Sana isama ito ng mga kumakandidatong presidente sa kanilang plataporma.
At oo lahat ng kalokohang yan pumasok sa isip ko dahil lang sa asar ko sa kapitbahay namin at patuloy kong nanamnamin ang ideyang yan hanggang hindi sila tumitigil sa walang habas nilang pagbi-videoke ng wala sa lugar. Wala naman akong magagawa pa dahil ganyan talaga ang epekto ng videoke sa mga pinoy, parang Sto. Niñong sumasapi sa tao ang epekto, kumpleto pati pag tinis ng boses ng mga nakanta, kaya nga bukod sa basketball at boxing eh nananatiling isa sa pinaka popular na sports dito sa atin ang videoke... me scores kasi kaya parang sports na rin sya... kaya sa isang banda sabi nga sa looney tunes, 'if you can't beat em' join em'!'
Everybody now...
"Taaaaarrrrnnn me luuuhuussssss, prom yor heyndssss, let me plaaaaa-a-a-aayyyy to distan leeeehennnnd..."
hahahah, hmm, baka naman stressful yang kapitbahay mo so naglalabas ng sama ng loob that way. :P
ReplyDeletegusto tuloy kita inggitin kasi i woke up 11am today heheh..
11am? huling gising ko ata ng 11am last year pa... :(
ReplyDeleteyup 11am, akala nga ni google patay na ako er, heheh
ReplyDeleteseriously, pwede bang magfile ng complaint sa barangay pag inulit pa ng neighbor niyo yung ginawa niya?
i think so... public disturbance? : ))
ReplyDeleteaahhahah rak n roll!
ReplyDelete"and now, the end is near..."
ReplyDeletehintayin mong kantahin nila yan.bago mo babanatan.hehehehe!!!
yep! or pa-imbestigador mo? hahah
ReplyDeletewak n wol!
ReplyDeleteah oo nga tama tama...
ReplyDeleteuhmmm baka ma-S.O.C.O. kaagad tong mga to hehe...
ReplyDeleteHowmaygad! Ganyan din po samen. Tapos malala pa po kase kastreet po namin yung nagpapaarkila kaya tinitest drive nila yung bidyowke every single day. Nakakaloka na po.
ReplyDeleteactually pinanalangin ko nga nung bagyong ondoy na sana tangayin ng baha yung videoke ng kapitbahay nmin... pero mukhang yun ang isa sa mga una nilang niligtas... tsk tsk
ReplyDeletemagulang ko hilig videoke e medyo immune na ako ^__^
ReplyDeletehaha..may kapitbahay sila allan na ganyan.. para na syang alarm clock sa umaga.. nakakagising ng dugo as in! minsan nga sinisigawan na sya ng mga kapitbahay pero deadma lang sya.. ewan parang papampam n rin ang dating nya.
ReplyDeleteinfairness.. mahilig kami magvideoke ni mister at pinipilit nya ko pakntahin ng mga pyesang nakakatanggal ng litid sa leeg.. trip trip lang kumbaga.. hahah so mejo guilty ako ng konti! pero nman di nman cguro kasing kaps ng kapitbahay nyo kuya rick.. kasi kelngan mo ko pilitin bago mapakanta.. :D
merry xmas ulit.. videoke tayo minsan!!! :)
napaka swerte mo kinaiinggitan kita...
ReplyDeletedivang-diva ka pala pag dating sa videoke hehe
ReplyDelete