Skip to main content

Posts

Showing posts from January, 2010

So there was this time...

Ang weird ng feeling pag nakakakuha ka ng lumang picture ng sarili mo sa mga lumang gamit, babalikan mo agad yung panahon kung kailan kinuhanan yung picture na yun tapos matatawa ka tapos masasabi mong ‘aba ampogi ko pala dati!’ Kuha yan ni wifey, third year college kami, pero di pa kami mag-on ng mga panahong yan, me crush pa lang sya sa akin kaya medyo pakipot pa ako ng konti. Di ko nga alam na kinuhanan pala nya ako ng picture, istolen shot yan kumbaga, nalaman ko lang nung pina-develop na namin yung mga film, oo wala pang digital slr nun, merong digital pero yung camera settings and interface lang pero basically film pa rin sya, wag nyo nang itanong kung anong year yan para wala tayong samaan ng loob. Gamit pa ni wifey yung Nikon F10 na slr nya na sa ngayon eh matino pa rin at malimit kong gamitin tuwing mahal na araw pero hindi para ipanghampas sa sarili ko na parang nagpepenitensya kundi para magphoto-photo ganun, gaya ng nauuso ngayon sa mga kabataan… y’know those photo...

Uninvited

Mula nung magkamuwang ako hanggang nung nakaraang biyernes eh sa pagkakaalam ko dalawang beses pa lang ako nananakawan ng gamit. Yung una nung 4th year college kami, ninakaw yung backpack ko mula sa classroom habang nagpapractice kami ng graduation rites. Pangalawa nung nagtatrabaho na ko, nadukot naman yung celfone ko sa bag habang nakikipagsiksikan ako sa bus. Sa mga ganung pagkakataon madali lang akong maka-move on at madali ring lumipas sa isip ko yung mga ganung pangyayari, iniisip ko na lang na sana naman eh nakatulong sa buhay nila yung mga ninakaw nila, sa hirap nga naman kasi ng buhay ngayon hindi maiiwasang makapagisip ang ibang tao ng masama gaya ng pagnanakaw at pag pasok sa pulitika, yeah i know, redundant yung huli kong nasabi. Nabanggit ko nga na mula nung nagkamuwang ako hanggang nung nakaraang biyernes eh dalawang beses pa lang akong nananakawan ng gamit, dahil yung pangatlong beses eh nung sabado ng madaling araw lang, pinasok yung bahay namin ng mga magnanakaw. Hin...

Flash Photography 101

For beginners see fig. 1 fig.1 now you go and do some photo blogging...

Q&A Portion #1

Ask and ye shall be answered lah... Ano ang number 1 new years' resolution mo? Na magkaroon na ako ng facebook account, pero since hindi ko naman nasusunod yung mga resolutions ko eh goodluck na lang sa akin. If you can change one thing on yourself what would it be? I'm too much with myself, i won't change anything else. naniniwala ka ba sa soulmate... have you met your soulmate... ano ang iyong view tungkol dito... Naniniwala ako sa kontekstong merong tao na ideally suited ang pagkatao sa pagkatao ng isa pa, kung soulmate ang tawag dun, then naniniwala ako sa soulmate. Nahanap ko na ba ang soulmate ko? Sa pagkakaalam ko hindi hinahanap ang soulmate kusa syang dumadating, naniniwala din ako na hindi kailangang naka link romantically yung pagiging soulmate, example si wifey kadalasang salungat yung mga hilig namin, kakaunting bagay lang yung napagaayunan namin at maraming ...

Ex

"Kanina ko pa hinihintay na ayain mo akong ihatid..." sabi nya sa akin habang bumabyahe kami pauwi sa kanila. "Actually kanina pa kita hinihintay na magpahatid sa akin." sagot ko naman na medyo natatawa. Totoo nakakatawa dahil naisip ko yung eksenang nauna eh parang naging isang metaphor sa relasyon namin nung naging kami nung highschool. Oo nagkita kami nung girlfriend ko nung highschool kelan lang, pero oks lang dahil friends na kami ngayon, gaya nung sinasagot ng mga artista sa showbiz, yan ang isa sa mga naidudulot ng mga reunion at gatherings tuwing holiday season, bukod sa nagkikita-kita kayong magkakaibigan eh nagkikita rin yung mga nagka-ibigan, hanep daig ko pa si Mark Logan kung gumawa ng rhyme. Pero ayos lang dahil taun-taon naman kaming nagkikita at casual naman yung pakikitungo namin sa isa't isa. Pagdating sa kanila gaya ng dati tulog mantika ang mga tao kaya hindi madinig dinig yung katok nya sa gate, sa bagay alas-tres pasado na ng mada...