Skip to main content

So there was this time...



dreamer

Ang weird ng feeling pag nakakakuha ka ng lumang picture ng sarili mo sa mga lumang gamit, babalikan mo agad yung panahon kung kailan kinuhanan yung picture na yun tapos matatawa ka tapos masasabi mong ‘aba ampogi ko pala dati!’

Kuha yan ni wifey, third year college kami, pero di pa kami mag-on ng mga panahong yan, me crush pa lang sya sa akin kaya medyo pakipot pa ako ng konti. Di ko nga alam na kinuhanan pala nya ako ng picture, istolen shot yan kumbaga, nalaman ko lang nung pina-develop na namin yung mga film, oo wala pang digital slr nun, merong digital pero yung camera settings and interface lang pero basically film pa rin sya, wag nyo nang itanong kung anong year yan para wala tayong samaan ng loob. Gamit pa ni wifey yung Nikon F10 na slr nya na sa ngayon eh matino pa rin at malimit kong gamitin tuwing mahal na araw pero hindi para ipanghampas sa sarili ko na parang nagpepenitensya kundi para magphoto-photo ganun, gaya ng nauuso ngayon sa mga kabataan… y’know those photoblog shiznitzzz…

Natatandaan ko katanghaliang tapat nagaabang kami ng taxi nyan sa may Sampaloc area para makauwi, madami kasi kaming dalang gamit dahil galing kami sa Ilocos, lakbay diwa para sa photography class namin under Sir ‘Monsi’ (Simon). Masaya yung experience namin na yun, andami naming natutunang kalokohan lessons about photography na nalimutan ko na sa ngayon, pero isa yun sa mga experience namin nung college na di ko malilimutan, kita nyo naman naalala ko pa hanggang ngayon.

Suot ko pa yung peborit kong polo na actually eh gasboy uniform ng Penzoil na uwi sa akin ng tito ko nung nagbalikbayan sya, yun kasi ang uso nun, mga uniform ng blue collar workers na pinauso ng ilang alternative bands gaya ng Pixies, the Breeders saka ni Billy Corgan naaalala nyo pa ba sila? Tapos nakasukbit sa likod ko yung coleman kong backpack na tinutukoy kong ninakaw dun sa isang entry ko. Ninakaw nung mga construction workers yan sa school nung 4th year college na kami at ang masaklap pa eh kasama ang thesis write-up ko at ilang importanteng gamit gaya ng susi sa kwarto ko, mga libro, cassette tapes at uhm… thoothbrush, kaya hanggang ngayon pinapanalangin ko na sana makarma ng todo-todo yung nag nakaw nun at habang buhay syang dapuan ng malas, hindi naman dahil sa ninakaw nya pati yung thoothbrush ko pero ikaw ba naman mag ulit ng thesis write-up na dapat ipapasa mo na lang ewan ko lang kung di ka manumpa ng todo-todo.

Akalain mong sa isang picture lang eh andami ko nang nabalikang moments, yan ata talaga ang silbi ng mga pictures, parang music sya na binu-bookmark yung isang bahagi ng buhay mo. Nakakatuwa talaga dahil parang kailan lang yan pag naiisip ko, ang bilis talaga ng panahon as the clichĆ© goes… yan rin yung mga panahong nangangarap pa ko tungkol sa kinabukasan, sa future, punung-puno pa ako ng optimism sa buhay pero obvious sa picture na kulang na kulang ako sa nutrisyon… anorexic pa ko ng mga panahong yan, kung tama ako eh sa mga panahong ito ang tamang termino dyan eh Kumi-kim Chiu.


Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.