Skip to main content

Ex


"Kanina ko pa hinihintay na ayain mo akong ihatid..." sabi nya sa akin habang bumabyahe kami pauwi sa kanila.


"Actually kanina pa kita hinihintay na magpahatid sa akin." sagot ko naman na medyo natatawa.


Totoo nakakatawa dahil naisip ko yung eksenang nauna eh parang naging isang metaphor sa relasyon namin nung naging kami nung highschool. Oo nagkita kami nung girlfriend ko nung highschool kelan lang, pero oks lang dahil friends na kami ngayon, gaya nung sinasagot ng mga artista sa showbiz, yan ang isa sa mga naidudulot ng mga reunion at gatherings tuwing holiday season, bukod sa nagkikita-kita kayong magkakaibigan eh nagkikita rin yung mga nagka-ibigan, hanep daig ko pa si Mark Logan kung gumawa ng rhyme. Pero ayos lang dahil taun-taon naman kaming nagkikita at casual naman yung pakikitungo namin sa isa't isa.


Pagdating sa kanila gaya ng dati tulog mantika ang mga tao kaya hindi madinig dinig yung katok nya sa gate, sa bagay alas-tres pasado na ng madaling araw yun kaya malamang nasa kalaliman ng tulog yung mga tao sa kanila, wag nyo nang itanong kung anong ginagawa namin sa ganung disoras ng umaga. Matapos ang ilang katok na walang lumalabas eh dating gawi uli at kailangan nyang akyatin yung bakod nila, sabi ko nga eh ako na ang aakyat, hindi naman sya pumayag at mabilis naman akong nag 'ok' sa kanya dahil ang totoo malululain ako kaya wala akong nagawa kundi panoorin syang umakyat ng bakod na naka high-heels, ang gentleman ko talaga, ivi-video ko pa sana syang umaakyat pero sasapakin daw nya ko kaya di ko na tinuloy. Magaling pa rin syang umakyat, akala mo di nadagdagan ng 30lbs ang katawan, kung makasampa sa bakod akala mo miyembro ng akyat bahay, at ayun nakapasok na rin sya at tinapos namin ang umaga sa isang torrid kiss beso-beso.


Malamang hindi nya rin na-realize yun, dahil gaya ko, nung oras lang na yun ko narealize na naging ganun nga yung relasyon namin, pareho kaming assuming lagi sa isa't isa, laging hindi sigurado, parang lagi namin iniisip yung iniisip ng isa sa amin, ganung kagulo pero ganun naman talaga siguro dahil bata pa kami, pero tuli na ko nun, highschool lang kaya immature kung immature, ni hindi nga kami nagbreak, walang break-up na nangyari, basta nawala na lang, nakakatawa lang talaga ngayon dahil parang wala kaming pinagkatandaan, ganun pa rin kami, para kaming mga matatandang nagpapa-cute. Pero atleast ngayon panatag na kami sa isa't isa pero hindi dahil Lactum ang iniinom naming gatas kundi dahil sa ngayon eh mas komportable na kami sa bawat isa at alam na naman namin na meron na kaming kani-kaniyang buhay at gaya ng sabi ng madami, past is past.


Pero sa naaalala ko mula nung regular kaming magkita taun-taon eh ni isang beses di pa namin nasubukang mag usap ng sarilinan, ewan ko kung dahil ba sa lagi naman kaming grupo kung lumabas at walang chance makapagusap o wala lang talaga kaming paguusapan... pero kung ako ang tatanungin gusto ko rin syang makausap, yung kaming dalawa lang, pero hindi naman para ibalik kung anuman yung nakaraan, simpleng kamustahan lang, simpleng kwentuhan, simple pero hindi ko naman magawa dahil mag katinginan nga lang kami eh naghihiyawan na ang tropa na para kaming Guy and Pip nung 60's, magusap pa ng sarilinan eh baka magkanda himatay na yung mga yon. Siguro next time gagawa kami ng paraan para makapagusap kami ng hindi nila nahahalata, parang charade -- two words? english? first word, 3 syllables...


Oo gusto ko syang makausap naman kahit paano, parang katulad dati, pero walang malisya pramis friends lang, wala naman sigurong masama dun... natatandaan pa kaya nya nung hinarana ko sya sa stage nung may school program kami dahil sinet-up kami ng mga teacher namin sa PEHM? o kaya nung na-weirduhan sya dun sa kantang tinutugtog ko sa gitara dahil hindi pa kilala ang eheads at wala pang airplay sa radio yung "Ligaya" natatandaan pa kaya nya yun? O kaya yung dumalaw ako sa kanila at inabot ako ng alas-9 ng gabi tapos nagpaparinig yung mommy nya na maglalatag na daw sila ng banig, kahit na alam ko naman na hindi sila naglalatag ng banig dahil me kama naman sila eh nagpaalam na ko dahil alam kong yun na ang hudyat para umalis na ko, natatandaan kaya nya yun? O kaya yung first kiss namin sa likod ng tangke ng tubig nila dahil hindi kami nakikita dun ng mommy nya dahil malaki yung tangke nila ng tubig, pero nasa bubungan pala yung kuya nya at inaayos yung antena ng tv buti na lang di kami nakita kundi patay ako, naaalala nya kaya yun? 


Malamang pag nagkausap kami maitatanong ko sa kanya yang mga yan at ilan pang mga istorya namin dati, malamang din ilan dyan di na nya matatandaan dahil alam ko me kahinaan yung memorya nya, at kung mababasa man nya to malamang matatawa lang yun, mapapaisip, kikiligin konti tapos bubulong sa sarili... sasabihin nya... "itong si rick talaga kahit kailan... sira ulo!"




Comments

  1. heheh kilig! =)

    nakaktuwa lang pag naisip yung mga ex-ex na yan.. i have my own story din pagdating sa ex.. and lalo na ang hubby ko. gusto ko magwento??? pwede?? hahah as if page ko to..
    pareho n kaming may-aswa nupeng super ex ko na super kras ko nung grade 6 ako.. heheh i was there nung wedding nya (with my hubby) pero di sya pumunta nung wedding ko.. and take note nung pasko ang asawa ko pumunta pa sa bahay nila kasama si kidlat ( gusto kong tumambling sa ginawa ng asawa ko).. hahah pagdating naman sa super ex nya - mejo allergic ako dun eh at allergic din sya sakin.. pero pwede din nman silang magkita at magusap katulad nung senyo.. pero wag na lang.. hahah mas gusto ko kasama ako! group date..:)

    enjoy ako d2 pramis! :)

    ReplyDelete
  2. hahah, nakakakilig naman itong post na ito kuya :)

    ReplyDelete
  3. pampakilig talaga ang mga ex minsan...

    ReplyDelete
  4. malaki talaga naitutulong ng panahon...haay...salamat na lang at may mga ganong moments na nakakatuwang balikan..malamang natatandaan n'ya pa yun, yun ay kung wala pa siyang memory gap..e natatandaan n'yo pa ba ung feeling? (hihihi!..wink wink)

    ReplyDelete
  5. mang-aawit ka pala ah.. sampol naman jan! :)

    ReplyDelete
  6. eherm ehem di naman masyado (baritone voice...)

    ReplyDelete
  7. hahah.. videoke tayu minsan sa pinas..sama mo si ex.. :)

    ReplyDelete
  8. ala ala nung tayong mag sweetheart pa..:))

    Ibang klase ang timpla ng mga likha mo sir, walang biro kaya mo ng tapatan si bob..bob ong marley dylan hahaha..

    narating ko ang rurok ng kaligayahan habang binabasa ang likhang ito..mga matatamis na mga pangyayari at maiinit na silakbo ng inyong mga damdamin..nyahahha

    ReplyDelete
  9. gusto ko ang linyang yan... parang pwede kang manigarilyo pagkatapos nyan... hihihi

    ReplyDelete
  10. wooooooooooooot!!! alam ba to ni nova?? =)

    ReplyDelete
  11. oo naman naikwento ko na sa kanya bago ko pa nas-sulat to... kaya nga puro pasa pa ako hanggang ngayon... lol!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.