Skip to main content

May


Gusto ko sanang sumulat tungkol nung nakaraang May 8 para ipagmayabang sa mga kaibigan kong baog na isang buwan nang buntis (uli, our second) si wifey sa pinagdadasal naming baby boy, pero saka ko na isusulat dahil masyado pa akong excited hanggang sa ngayon.

Gusto ko rin sanang sumulat tungkol nung nakaraang May 9 para parangalan ang mga "ilaw ng tahanan" at para na rin mabati sila wifey at nanay sa intarnets, pero binati ko na lang sila ng personal at tinext ang iba pang nanay na malapit sa akin dahil alam ko namang bihira silang magbasa ng blog ko... uhm minsan pa nga eh hindi talaga sila nagbabasa.

Gusto ko rin sanang sumulat tungkol sa nakaraang May 10, araw ng botohan, unang automated poll sa bansa, pero naharbat ng isang oras at mahigit kong pagpila sa presinto ang anumang "will" ko sa katawan para makasulat ng tungkol dito, isa pa medyo na-anticipate ko na, na madaming magbblog tungkol sa election, corny na pag sumunod pa ako, malamang maglilipana sa net ang mga picture ng hintuturong may indelible ink.

Gusto ko rin sanang mag sulat tungkol nung nakaraang May 11 kung saan naging limang taong gulang na si Taz, ang aming panganay, kaya lang tinatamad na ko. Kaya babatiin ko na lang sya dito sa blog ko para pag lumaki sya at natuto na syang mag intarnets eh mababasa nya to at masasabi nyang meron syang isang amang intelektwal...

H4Ppy bH!r7Hd4yz toH j00 Taz! jejejeje!!!

Comments

  1. hpI BRthday 2u tAz~ Lolz! G0D BLeSZ u LolZ! :D

    jeje-greeting courtesy of tagalog-jeje translator - http://kalokohan.guissmo.frih.net/jologs.php

    ReplyDelete
  2. hi rick, binabati kita sa lahat ng tagumpay na hindi kayang tumbasan ng salapi, katulad ng isang masayang pamilya, maganda at ulirang asawa, isang anak na pumapawi ng pagod sa maghapong paghahanapbuhay at nagpipinta ng ngiti sa iyong mga labi at galak sa iyong puso. Binabati kita dahil isa pang supling, buhay na pumipintig sa sinapupunan ng iyong asawa, isang bagong bunga ng inyong pagmamahalan at isang pagpapatunay na ikaw ay isang matikas at pinagpalang lahi na Adan. Binabati kita dahil isa kang mabuting asawa, mabuting ama ng iyong mga anak at mabuting anak ng iyong ina at ama. Mabuhay ka Rick! tagay at tagay pa. :-)

    ReplyDelete
  3. m4LigEyaNg BaTi fp0uHh!

    haha!

    God bless po sa iyong pamilya :)

    ReplyDelete
  4. masyadong memorable ang mayo para sa inyo!jejeje...

    ReplyDelete
  5. sir luis, as usual inspiring words of wisdom from you, th3nkz phowz... : D

    ReplyDelete
  6. haha hindi ako magaling sa jejemon lingo, is that bad?

    ReplyDelete
  7. oo nga eh, tapos magbebertdey pa yung kapit bahay namin... pero wala nang koneksyon sa amin yon...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.