Kasalanan ko, mas pinili kong sundin yung instinct ko kesa makinig sa PAGASA kahit alam kong mas madalas sumablay yung instinct ko kumpara sa PAGASA. Mula abril hanggang kainitan ng el niño dala ko palagi ang payong ko, kung kailan kailangan ko sya dahil sa ulan saka ko naman naisipang iwan, ang panahon nga naman kung magbiro palaging corny. Hindi rin nakakatulong ang halos isang milyang haba ng trapik sa pangarap kong makauwi, ok lang mag lakad hanggang sa sakayan ng bus pero ang mag lakad ng na-ambon eh hindi ata magandang ideya bukod sa maari kang magkasakit maaari ka ring uhm… mabasa… lalo na kung me katangahan ka tulad ko na iniiwan ang payong sa bahay kung kelan tag-ulan na, pero wala naman akong magagawa kundi pangatawanan na ang maglakad at mag pa-ulan.
Pero ok lang mag lakad, sanay ako sa malalayong lakarin, hindi naman dahil sa madalas wala akong pamasahe kundi gusto ko talagang maglakad, di na bago sa akin ang paglalakad lalo na pag trapik, mas pipiliin ko pang maglakad kesa maburo sa trapik, kagabi nga sa haba ng trapik madami akong kasabay naglalakad, yung iba pa nga nag eenjoy din sa paglalakad, lalo na yung mga may ka partner, kahit walang payong, kahit mabasa sila ng ambon, nakangiti pa rin sila, wala nga sa distansya, wala sa oras na gugugulin mo sa paglalakad, wala sa kapaguran mag lakad ang sukatan sa kung paano mo maeenjoy mag lakad, kundi nasa kung sino ang kasabay mo maglakad, alam ko yan, pinagdaanan ko rin yan, wag kayong masyadong mang ano… wag nyo kong masyadong tuksuhin… madali akong kiligin sa mga panahong ito.
Dahil alam ko, basta kasama mo ang gusto mo, balewala lahat, kung ilang kilometro man ang lalakarin nyo ganun din ang haba ng ligayang maidudulot ng paglalakad sa inyo. Kung ilang oras ang ginugol nyo sa paglalakad ganun katagal din mamumutawi ang ngiti sa mga labi nyo, minsan lumalampas pa. Kung ano mang kapaguran ang maramdaman nyo sa inyong mga paa kalalakad eh sulit na sulit naman dahil sa mga sandaling mag kahawak kayo ng kamay o kaya nag hahawakan kayo ng baba (chin) habang nakasilong at nagsusumiksik sa iisang payong sa ilalim ng ulan, sisihin nyo si aga saka si aiko at ang cinema one dahil sa kakornihan kong yan.
Pero totoo, nasaksihan ko yan kagabi, kung anong bilis ko sa pag lalakad, kabaligtaran naman para sa mga magsing irog na mukhang lumalakad ng isang dipa kada isang minuto sa bagal. Eh wala naman akong magagawa kung gusto nilang maglandian sa gitna ng daan, eh ano kung lumakas ang ulan, eh ano kung mahirap kumuha ng sasakyan, eh ano kung lumakad sila ng milya milya, ang importante sa kanila eh yung oras o yung ‘moment’ na tinatawag kasama ang isa’t isa. Malamang alam nyo yan, sigurado akong dumaan kayo sa ganyan, kung hindi nyo pa nararanasan yan… ang lungkot ng buhay nyo. Kahit medyo naaasar ako sa kabagalan nila gaya ng sinabi ko, naiintindihan ko sila, alam kong enjoy sila, kaya wala akong magawa kundi lagpasan na lamang sila at tingnan ng masama.
Madami-dami din akong nalagpasang mag partner na naglalakad bago makasakay ng bus, at pag upo sa kaliwang bahagi ng bus, sa tatluhan, sakto, mag partner din ang katabi ko. At alam kong alam nyo din naman, na kung masarap maglakad kasama ang inyong partner, mas masarap yung magkatabi kayo sa isang komportableng upuan habang nagkikilitian sa kahabaan ng byahe, it’s the ‘trip’ nga naman daw not the ‘destination’, alam ko yan, pinagdaanan ko rin yan, wag kayong masyadong mang ano… wag nyo kong masyadong tuksuhin… madali akong kiligin sa mga panahong ito.
malamig na kasi kuya rick.. dumadami sila lalo.. >:)
ReplyDeleteyun din iniisip ko eh : ))
ReplyDeleteamp si sir.naingit sa mga magpartner.hahaha..joke sir.ganun talaga sir nageenjoy eh. kahit na minsan ang sarap nilang sabihan na "get a room".hehe.
ReplyDeleteok na sana, maliban sa naghahawakan ng baba (down under..ay chin pala) XD
ReplyDeleteisang mahabang lakaran at masarap na kwentuhan—game ako dyan!kung minsan sa dinamidami ng ginagawa mo sa oras mo ang paglalakad kasama ang taong mahalaga sa'yo parang pambawi na rin sa lahat ng oras na hindi kayo magkasama...gaya ng sabi n'yo andun nga yung 'moment', mas mahabang lakaran mas matagal mo siyang makakasama. di mo naman mararamdaman ang pagod e (tsaka na lang paguwi mo ng bahay kapag hapong hapo ka na at minamanas na ang mga binti mo..hehe) basta guilty din po ako sa ganyan kaya lang syempre sa gilid lang lagi naglalakad..bigla tuloy akong may naalala at namiss :(
ReplyDeleteoks lang yun napagdaanan ko rin naman yun hehe
ReplyDeletehaha kaya nga me '(chin)' baka kasi ma misinterpretz...
ReplyDeletenamimiss ka rin nun...
ReplyDeletehaay..naglalakad na lang akong mag-isa ngayon sana nga po..sana kahit malabo at wala ng pag-asa..sana...
ReplyDeleteme mga bagay talaga na di sasangayon sa kagustuhan mo... isipin mo na lang na mahigit 6 billion ang tao sa mundo, imposible namang wala kang makasabay ni isa man lang dun...
ReplyDeletehaha! ok lang kahit walang (chin)
ReplyDelete