Skip to main content

It's the trip not the destination

Kasalanan ko, mas pinili kong sundin yung instinct ko kesa makinig sa PAGASA kahit alam kong mas madalas sumablay yung instinct ko kumpara sa PAGASA. Mula abril hanggang kainitan ng el niƱo dala ko palagi ang payong ko, kung kailan kailangan ko sya dahil sa ulan saka ko naman naisipang iwan, ang panahon nga naman kung magbiro palaging corny. Hindi rin nakakatulong ang halos isang milyang haba ng trapik sa pangarap kong makauwi, ok lang mag lakad hanggang sa sakayan ng bus pero ang mag lakad ng na-ambon eh hindi ata magandang ideya bukod sa maari kang magkasakit maaari ka ring uhm… mabasa… lalo na kung me katangahan ka tulad ko na iniiwan ang payong sa bahay kung kelan tag-ulan na, pero wala naman akong magagawa kundi pangatawanan na ang maglakad at mag pa-ulan.

Pero ok lang mag lakad, sanay ako sa malalayong lakarin, hindi naman dahil sa madalas wala akong pamasahe kundi gusto ko talagang maglakad, di na bago sa akin ang paglalakad lalo na pag trapik, mas pipiliin ko pang maglakad kesa maburo sa trapik, kagabi nga sa haba ng trapik madami akong kasabay naglalakad, yung iba pa nga nag eenjoy din sa paglalakad, lalo na yung mga may ka partner, kahit walang payong, kahit mabasa sila ng ambon, nakangiti pa rin sila, wala nga sa distansya, wala sa oras na gugugulin mo sa paglalakad, wala sa kapaguran mag lakad ang sukatan sa kung paano mo maeenjoy mag lakad, kundi nasa kung sino ang kasabay mo maglakad, alam ko yan, pinagdaanan ko rin yan, wag kayong masyadong mang ano… wag nyo kong masyadong tuksuhin… madali akong kiligin sa mga panahong ito.

Dahil alam ko, basta kasama mo ang gusto mo, balewala lahat, kung ilang kilometro man ang lalakarin nyo ganun din ang haba ng ligayang maidudulot ng paglalakad sa inyo. Kung ilang oras ang ginugol nyo sa paglalakad ganun katagal din mamumutawi ang ngiti sa mga labi nyo, minsan lumalampas pa. Kung ano mang kapaguran ang maramdaman nyo sa inyong mga paa kalalakad eh sulit na sulit naman dahil sa mga sandaling mag kahawak kayo ng kamay o kaya nag hahawakan kayo ng baba (chin) habang nakasilong at nagsusumiksik sa iisang payong sa ilalim ng ulan, sisihin nyo si aga saka si aiko at ang cinema one dahil sa kakornihan kong yan. 

Pero totoo, nasaksihan ko yan kagabi, kung anong bilis ko sa pag lalakad, kabaligtaran naman para sa mga magsing irog na mukhang lumalakad ng isang dipa kada isang minuto sa bagal. Eh wala naman akong magagawa kung gusto nilang maglandian sa gitna ng daan, eh ano kung lumakas ang ulan, eh ano kung mahirap kumuha ng sasakyan, eh ano kung lumakad sila ng milya milya, ang importante sa kanila eh yung oras  o yung ‘moment’ na tinatawag kasama ang isa’t isa. Malamang alam nyo yan, sigurado akong dumaan kayo sa ganyan, kung hindi nyo pa nararanasan yan… ang lungkot ng buhay nyo. Kahit medyo naaasar ako sa kabagalan nila gaya ng sinabi ko, naiintindihan ko sila, alam kong enjoy sila, kaya wala akong magawa kundi lagpasan na lamang sila at tingnan ng masama.

Madami-dami din akong nalagpasang mag partner na naglalakad bago makasakay ng bus, at pag upo sa kaliwang bahagi ng bus, sa tatluhan, sakto, mag partner din ang katabi ko. At alam kong alam nyo din naman, na kung masarap maglakad kasama ang inyong partner, mas masarap yung magkatabi kayo sa isang komportableng upuan habang nagkikilitian sa kahabaan ng byahe, it’s the ‘trip’ nga naman daw not the ‘destination’, alam ko yan, pinagdaanan ko rin yan, wag kayong masyadong mang ano… wag nyo kong masyadong tuksuhin… madali akong kiligin sa mga panahong ito.



Comments

  1. malamig na kasi kuya rick.. dumadami sila lalo.. >:)

    ReplyDelete
  2. amp si sir.naingit sa mga magpartner.hahaha..joke sir.ganun talaga sir nageenjoy eh. kahit na minsan ang sarap nilang sabihan na "get a room".hehe.

    ReplyDelete
  3. ok na sana, maliban sa naghahawakan ng baba (down under..ay chin pala) XD

    ReplyDelete
  4. isang mahabang lakaran at masarap na kwentuhan—game ako dyan!kung minsan sa dinamidami ng ginagawa mo sa oras mo ang paglalakad kasama ang taong mahalaga sa'yo parang pambawi na rin sa lahat ng oras na hindi kayo magkasama...gaya ng sabi n'yo andun nga yung 'moment', mas mahabang lakaran mas matagal mo siyang makakasama. di mo naman mararamdaman ang pagod e (tsaka na lang paguwi mo ng bahay kapag hapong hapo ka na at minamanas na ang mga binti mo..hehe) basta guilty din po ako sa ganyan kaya lang syempre sa gilid lang lagi naglalakad..bigla tuloy akong may naalala at namiss :(

    ReplyDelete
  5. oks lang yun napagdaanan ko rin naman yun hehe

    ReplyDelete
  6. haha kaya nga me '(chin)' baka kasi ma misinterpretz...

    ReplyDelete
  7. haay..naglalakad na lang akong mag-isa ngayon sana nga po..sana kahit malabo at wala ng pag-asa..sana...

    ReplyDelete
  8. me mga bagay talaga na di sasangayon sa kagustuhan mo... isipin mo na lang na mahigit 6 billion ang tao sa mundo, imposible namang wala kang makasabay ni isa man lang dun...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.