
Sabihin na lang natin na isa na ako sa mga nagpapayaman sa San Miguel Corporation sa paraang napapadalas ang pagtangkilik ko sa kanilang produkto, partikular ang beer...pale pilsen o light... hindi ako alcoholic, lilinawin ko lang, pero sa loob ng isang linggo dalawang gabi don nilalaan ko sa paginom. Madalas solo flight ako, habang nanonood ng tv, mas masaya sana kung may kainuman ka kaya lang mahirap manghatak ng kaibigan at kumbinsihin sila na ang paginom ng beer e nakakabuti sa puso at sa sariling personalidad, dahil siguro sa alam nila na kapag ako ang nagsalita malamang sa hindi... me halong kalokohan.
Ayoko naman din kasing umupo sa labas at makipag salitan ng tungga sa mga nagiinuman sa kalye, bukod sa ayokong maging istorbo sa mga sasakyang dumadaan, hindi rin ako komportableng uminom na iisang baso lang ang umiikot para sa lahat. Kahit sabihin pang sumisimbolo yon sa pagkakapatiran o kung anumang pagkakaibigan ng bawat umiinom hindi pa rin ako kumbinsidong makipag palitan ng laway, kasama ang mga kaakibat na sakit nito, sa ibang tao.
Kung i-te-trace siguro yung ugat ng pagkahumaling ko sa beer ngayon eh siguro dahil sa sapul sa pagka bata ko eh na expose na ko sa mga sessions nila tatay, oo manginginom si tatay kasama palagi yung tatlo pa nyang kabarkada, apat sila lagi sa session linggo linggo. Hindi ko naman sinasabi na bad influence si erpats pati yung mga kumpare nya, nasa tama naman silang lugar kung uminom, ni hindi ko sila nakitang nag away away, masaya nga sila lagi, pati ako masaya dahil madalas akong mamulutan dati, bukod pa sa perang nahaharbat ko sa mga kumpare ni erpats kapag medyo me kalanguan na. Solid silang apat na maituturing dati pagdating sa inuman, walang linggong hindi pinalalagpas na hindi sila nainom, pero sa ngayon hindi na pwede, dahil dalawa sa kanila patay na, yung isa may sakit sa bato, si tatay may diabetes... ang cool nuh... some good things never last talaga.
Nung nakaraang linggo nga, fathers day, hindi ko na pinalagpas yung pagkakataon na mang imbita ng mga kaibigan, tutal me okasyon naman, at para mahikayat sila, ako na bumili ng beer pati pulutan sagot ko na, dadalhin na lang nila kwento, oo masayang magkwentuhan habang umiinom, kanya kanyang bolahan, kung personal mo akong kilala at kung nakasalamuha mo na ko minsanan, sasangayon ka na tahimik akong tao, mas gusto kong makinig sa ibang tao kesa sa mag kwento, pero iba daw ako sa mga pagkakataong napasukan na ng mahigit sa normal na alcohol yung bloodstream ko, mas makwento daw ako at madalas bumabangka sabi ni wifey, kung meron ka ngang gustong malaman tungkol sa akin eh kausapin mo lang daw ako pag nakainom at magiging open book na yung buhay ko, ewan ko di ko rin alam, di ko pa naman napapakinggan yung sarili ko kapag lasing na ako eh.
Mabalik ako sa inuman namin nung linggo, hindi ko rin alam kung bakit apat din kaming umiinom, parehong bilang kila tatay nung araw, tapos linggo rin, parang ayokong gawing regular yung ganon, mahirap na... pero masaya talaga pag me kasama ka sa pag inom, masaya ang kwento, di nga namin namalayan na als-3 na ng umaga nung natapos kami, patalon talon kasi sa iba't ibang topic yung usapan namin, mula love life ng bawat isa hanggang sa sex education hanggang sa sex na lang pati pagiging "polygamous by nature" ng mga lalaki, malakas kasi ang ulan nun, hindi ko na masyadong idedetalye kung ano yung napagusapan namin, naliligaw kasi si wifey dito paminsan minsan, mahirap na, saka hindi naman ako lasing... kung tatanungin nyo ako kung ano ang kinalaman ng ulan sa sex at polygamy eh pwede ko namang sabihin pero... lasingin nyo muna ako.
Hehehe!!!
ReplyDeleteAs usual...nakakatuwang basahin. =)
ang gara!
ReplyDeleteuy ano panalo na ba? inuman na!
ReplyDeleteshot atty!
ReplyDeletetagay season ba ngayon? >:D
ReplyDeleteall year long!!! :D
ReplyDeletehehe..at isa pang hehe..tagay po! (kahit hindi ako masyadong umiinom at 'di ko pa naranasang malasing o lasingin)^^
ReplyDeletedi ka pa nalalasing? masarap kaya malasing hehe...
ReplyDeletepainom ka nman!
ReplyDeletetara!
ReplyDeletesagot mo?? kelan??
ReplyDeleteSagot daw ni ella!! pulutan lang sagot ko hehe pag medyo hindi na busy sa bukirin... panahon ng pagtatanim ngayon eh...
ReplyDelete