Skip to main content

Serbesa




Sabihin na lang natin na isa na ako sa mga nagpapayaman sa San Miguel Corporation sa paraang napapadalas ang pagtangkilik ko sa kanilang produkto, partikular ang beer...pale pilsen o light... hindi ako alcoholic, lilinawin ko lang, pero sa loob ng isang linggo dalawang gabi don nilalaan ko sa paginom. Madalas solo flight ako, habang nanonood ng tv, mas masaya sana kung may kainuman ka kaya lang mahirap manghatak ng kaibigan at kumbinsihin sila na ang paginom ng beer e nakakabuti sa puso at sa sariling personalidad, dahil siguro sa alam nila na kapag ako ang nagsalita malamang sa hindi... me halong kalokohan.

Ayoko naman din kasing umupo sa labas at makipag salitan ng tungga sa mga nagiinuman sa kalye, bukod sa ayokong maging istorbo sa mga sasakyang dumadaan, hindi rin ako komportableng uminom na iisang baso lang ang umiikot para sa lahat. Kahit sabihin pang sumisimbolo yon sa pagkakapatiran o kung anumang pagkakaibigan ng bawat umiinom hindi pa rin ako kumbinsidong makipag palitan ng laway, kasama ang mga kaakibat na sakit  nito, sa ibang tao.

Kung i-te-trace siguro yung ugat ng pagkahumaling ko sa beer ngayon eh siguro dahil sa sapul sa pagka bata ko eh na expose na ko sa mga sessions nila tatay, oo manginginom si tatay kasama palagi yung tatlo pa nyang kabarkada, apat sila lagi sa session linggo linggo. Hindi ko naman sinasabi na bad influence si erpats pati yung mga kumpare nya, nasa tama naman silang lugar kung uminom, ni hindi ko sila nakitang nag away away, masaya nga sila lagi, pati ako masaya dahil madalas akong mamulutan dati, bukod pa sa perang nahaharbat ko sa mga kumpare ni erpats kapag medyo me kalanguan na. Solid silang apat na maituturing dati pagdating sa inuman, walang linggong hindi pinalalagpas na hindi sila nainom, pero sa ngayon hindi na pwede, dahil dalawa sa kanila patay na, yung isa may sakit sa bato, si tatay may diabetes... ang cool nuh... some good things never last talaga.

Nung nakaraang linggo nga, fathers day, hindi ko na pinalagpas yung pagkakataon na mang imbita ng mga kaibigan, tutal me okasyon naman, at para mahikayat sila, ako na bumili ng beer pati pulutan sagot ko na, dadalhin na lang nila kwento, oo masayang magkwentuhan habang umiinom, kanya kanyang bolahan, kung personal mo akong kilala at kung nakasalamuha mo na ko minsanan, sasangayon ka na tahimik akong tao, mas gusto kong makinig sa ibang tao kesa sa mag kwento, pero iba daw ako sa mga pagkakataong napasukan na ng mahigit sa normal na alcohol yung bloodstream ko, mas makwento daw ako at madalas bumabangka sabi ni wifey, kung meron ka ngang gustong malaman tungkol sa akin eh kausapin mo lang daw ako pag nakainom at magiging open book na yung buhay ko, ewan ko di ko rin alam, di ko pa naman napapakinggan yung sarili ko kapag lasing na ako eh.

Mabalik ako sa inuman namin nung linggo, hindi ko rin alam kung bakit apat din kaming umiinom, parehong bilang kila tatay nung araw, tapos linggo rin, parang ayokong gawing regular yung ganon, mahirap na... pero masaya talaga pag me kasama ka sa pag inom, masaya ang kwento, di nga namin namalayan na als-3 na ng umaga nung natapos kami, patalon talon kasi sa iba't ibang topic yung usapan namin, mula love life ng bawat isa hanggang sa sex education hanggang sa sex na lang pati pagiging "polygamous by nature" ng mga lalaki, malakas kasi ang ulan nun, hindi ko na masyadong idedetalye kung ano yung napagusapan namin, naliligaw kasi si wifey dito paminsan minsan, mahirap na, saka hindi naman ako lasing... kung tatanungin nyo ako kung ano ang kinalaman ng ulan sa sex at polygamy eh pwede ko namang sabihin pero... lasingin nyo muna ako.


Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...