Skip to main content

Chain Letter (Ketchup Tuyo OT)

Ayon sa Wikepedia:

A typical chain letter consists of a message that attempts to induce the recipient to make a number of copies of the letter and then pass them on to as many recipients as possible. Common methods used in chain letters include emotionally manipulative stories, get-rich-quick pyramid schemes, and the exploitation of superstition to threaten the recipient with bad luck or even physical violence or death if he or she "breaks the chain" and refuses to adhere to the conditions set out in the letter.

Chain letters are capable of evolution, generally improving their ability to convince their hosts to replicate them over time. This sometimes occurs through deliberate modification of the chain letter by a recipient, or sometimes through purely accidental imperfect copying.

Usong-uso yung chain letter nung elementary days namin, naaalala ko pa si mhenggay na pinapatulan yung mga ganung bagay, buti na lang tamad akong magsulat nun kaya di umubra.

Yung chain letter yun yung sulat na naka-address sa iyo pero di mo alam kung san galing, kailangan mong isulat muli at ipamigay sa madaming tao, usually mahaba, me istorya (fiction?) ng mga taong unang nakabasa ‘daw’ ng sulat na yon, kailangan mong gumawa ng 50 copies nun (handwritten hindi pede photocopy) at ipadala sa 50 katao, kung hindi mo magagawa, pareho kayo ng sasapitin ng mga taong naka-istorya sa sulat. Yun kasing mga hindi sumunod sa chain letter, sabi sa sulat, eh usually daw naaaksidente o kaya namamatayan ng mahal sa buhay o kaya forever na mamalasin, ganun ka morbid. Pero kung susunod ka sa chain, maari kang swertehin o kaya maligtas sa mga sakuna o kaya pumogi ng 10X at mapangasawa si Xang Xi Yi, nakasulat din yun dun sa chain letter. Syempre kung matatakutin ka eh malamang sumunod ka, di bale nang mamaga yung daliri mo sa kamay kakasulat wag lang matulad sa mga naaksidente’t minalas.

Nakakatawa pero me mga bagay na ganun, me mga di inaasahang tao na magdidikta ng dapat mong gawin para malasin o swertihin at meron din namang nagpapa-uto. Kung akala natin lipas na yung panahon na yun, eh nagkakamali kayo, malamang sa hindi eh sasangayon kayo sa akin na it still exist, in form of email tsaka text messages, madalas akong makatanggap ng ganyan sa email, yung mga linyang – “This is a message from Sta. Monica, blah blah blah” tas sa bandang huli me “please pass this to 20 of your friends or else…” ganun! Me galling ke Sto. Niño, Sta. Clara, Sta. Vicencia, Sta. Claus at kung kani-kanino pang religious personalities, as if naman galing talaga sa kanila yun, I don’t think na yung mga saints sa langit will wish illness to befall on us kung di tayo susunod sa pakulo ng ilang taong walang magawa, nakakatawa di ba?

Pati sa text meron din, just recently (actually kanina lang umaga) nakatanggap ako from a friend (itago na lang natin sya sa pangalang Jocelyn Siador hehe) eto yung text:

‘0000000 – These r lucky coins, keep them 4 1wk, send them to 20 of ur frnds & ul have lots of money. Dis is true, pls don’t break dis chain or else ul b poor for 7 yrs.’

O nakakatakot di ba? Kung palainom ka ng kape eh malamang magaaksaya ka ng load mo at mag ‘tttttttttttttxt ting’ ka agad sa mga friends mo wag lang abutin ng malas at kahirapan, take note 7 years yung nakalagay. Di bale nang malagasan ka ng P20 worth of load, na pwede mo na sanang pang text sa mga kaibigan mo para mangamusta, wag lang maghirap ng 7 taon. Mandadamay ka pa ng 20 mong friends na malamang na murahin ka sa inis! Eh kung lahat sila mahilig sa kape?

Di ko alam kung san nagsimula yung chain letter o pati yung kumakalat sa mga email at text messages na yan, parang illegal networking scheme pa minsan, yung sa text sabi eh galling lang daw sa mga network provider mismo to generate more income, pero wala pa ring basis, nasa nakakatanggap na lang kung ano ang gagawin nila once makatanggap sila ng mga chain messages na yun, kung magpapa-uto ba sila (for lack of a better term) o di na lang papansinin, sabi nga nila “IT’S UP TO YOU!”

Naalala ko lang (out of topic) –

Chiquito: Waiter!
Waiter: Sir ano pong order nila.
Chiquito: Yung house specialty nyo.
Waiter: Sir marami po kaming ispecialty.
Chiquito: “IT’S UP TO YOU!’
Waiter: Ok sir.
After 2 mins.
Waiter: Hir is yor order sir.
Chiquito: ANO YAN!
Waiter: Sir sabi nyo KETCHUP, TUYO!
Ngyahahahahahahahahahahahahaha!

Post Script:
Since binasa mo ang blog na ito, kailangan mong ipasa ito sa 100 na kaibigan mong bading. Don’t break this chain, kung hindi malilipat ang butas ng pwet mo sa iyong noo! Kaya kung ayaw mong dumumi ng nakayuko, ipasa mo na!

Comments

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...