Skip to main content

What is Irony?

Hanggang ngayon di ako makapaniwala, pinipilahan pa rin ang bigas ngayon. Parang sinasadya na. Me ID system pa. Me nagsuggest na pwedeng alternatibo ang pagkain ng kamote sa pagkain ng kanin, c’mon, naman eh kung lahat tayo kakain ng kamote imbes na kanin, mantakin mo na lang ang mapo-produce nating masamang hangin araw-araw, baka makadag-dag pa tayo sa global warming, wag na please lang.

 

Sabi ng kaibigan kong babae sa Dubai (itago na lang natin sya sa pangalang Jennifer Pangilinan, o mas kilala sa tawag na Bogart), “magkano na bigas dyan?” sabi ko “around P32 yung regular, yung NFA P18 ata, sa McDo P8 ang single rice, pag umorder ka ng half rice P8 pa rin… sa Max…” , sabay singit sya ng ”tama na, por kilo lang yung  tinatanong ko!”, sabi ko “Bakit mo tinatanong?” sabi nya “mahal na rin kasi ang bigas dito sa Dubai.”

 

Nabasa ko nga sa newspaper na me-kinalaman daw ang Pilipinas sa pag-taas ng bigas sa world market… so tayo na naman… parang yung comment ni Terry Hatcher tungkol sa medical malpractice ng mga pinoy doctors… sikat na talaga tayo.

 

Naalala ko tuloy yung kwento tungkol sa magsasaka ng palay na naghihikahos sa buhay dahil 12 ang anak nya. Ugali kasi ng mga nasa probinsyang magsasaka na mag-anak ng madami dahil (1) di naman sila nakaka-attend ng ‘family planning seminars’, (2) gusto nila ng madaming anak, lalo na lalaki, para may makatulong sila sa pagbubukid at (3) wala lang hobby lang nila. Sa pagsasaka lang ng palay o bigas sila umaasa, ngayon nahihirapan silang pakainin lahat ng anak nila dahil MAHAL ANG BIGAS!... haaaaaay the irony.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...