Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2008

Ikalawang Buwan (Not for the Faint of Heart!)

We all have our own scary stories to tell diba, I decided to post mine tutal Halloween naman eh, medyo tamang tama ang timing, para namang tanga kasi kung ipo-post ko to sa Christmas. Base ito sa isang bahagi ng buhay namin na kinatatakutan kong balikan, yung mala-pang Regal Shocker ang dating. Kung mahina ang puso nyo I suggest that you navigate away from this page, pero if you’re up for it then read the whole story from beginning to end. Again this is not for the faint of heart. Tingin ka muna sa likod mo bago basahin.     Ikalawang Buwan Mayo 30 nun Sabado, tandang tanda ko, sampung taong gulang ako, bakasyon sa iskwela kaya may araw na ay nakahiga pa rin ako, napabalikwas lang ako ng sumigaw si aling Tinay sa katabi naming apartment, nandun sya sa kwarto ni ate Mercy na katapat lang ng kwarto ko. Hindi ko malaman kung bakit pero maingay na rin sa labas ang mga tao na nag-uusyoso. Sarado ang bintana ni ate Mercy kagabi pa pero bahagyang na-aaninag ko na duma...

Life's Little Instructions

Naka-receive ako ng isang email galing sa isang kaibigan (na itago na lang natin sa pangalang Menggay) about this “Life’s Little Instructions”, originally sinulat daw ni Jackson Brown (bakit me nag-pirate na ba nito?) bilang regalo sa anak nyang magsisimula na sa college. At gaya ng dati nainspire na naman ako sa mga ganitong panulat kaya naisipan kong gumawa ng sarili kong version na tatawagin kong uhmmm “Maliliit na Tagubilin ng Buhay” uhmmm parang tinagalog ko lang ah eniweys, balak kong ipabasa ito sa aking anak pag marunong na syang magbasa. O kung trip nyong ipabasa sa anak nyo pwede din basta ba marunong na rin syang mag basa. Life’s Little Instruction Maliliit na Tagubilin ng Buhay Sing in the shower Sing in a Videoke Bar. Parte yan ng kultura ng mga Pilipino. Treat anyone you meet like you want to be treated. Be nice to anyone you meet. Lalo na sa mga pwedeng mautangan. You’ll never know when you’ll need ...

Haaak chooo!

Na inspire lang akong sumulat ng blog tungkol sa ‘dura’ dahil sa comment sa previous blog entry ko galing ke Sir Ron, nope not Dura di Iksplurir , nyek korni ahehehe ito yung pagpapalabas ng laway mula sa bibig gamit ang matinding pwersa, actually me punto naman si Sir Ron about ‘dura’ or ‘spit’ kung sosyalin ka. Naalala ko yung joke kung saan merong dalawang lalaking nagsusuntukan ng halos isang oras na, kaya nung napagod eh nagduraan na lang, ganun ka lethal ang dura para sa tao, pwedeng gawing armas pangkarahasan (parang shaider), makakaranas ka nito sa mga batang pulubi sa Quiapo na daig pa ang mga siga kung mangikil, pag humingi sila sa iyo dapat bigyan mo sila agad kung ayaw mong maduraan. Maihahalintulad nga ang dura sa pag-utot, pag-singa at pag-tae, at isa ito sa mga iniiwasang maapakan sa daan. Nakakainsulto pag dinuraan ka ng kapwa mo at degrading din ang dating di ba, bawas pogi points naman at turn-off kung makikita ka ng crush mo na nadura kung saan-saan, ganun an...

Ikaw ba'y nalolongkot... walang magawa...

Minsan me mga araw na wala talaga tayong magawa kaya pilit nating inaabala yung sarili natin para lang me magawa. Kung talented ka pwede kang mag-pinta, mag-sulat, tumugtog ng musical instruments o kaya kumanta o kung mayaman ka pwede kang bumili ng mamahaling Digital SLR na kamera at kumuha ng mga litrato to your hearts content at i-post to sa net at tawagin ang sarili mong photographer, or kahit ano pang bagay na pwedeng pang libang sa sarili. Kung hindi ka naman talented, pwede kang… uhmmm… pwede kang tumambay sa 2 nd floor ng bahay nyo at duraan lahat ng dumadaan sa baba, o kaya pwede ka ring mag-blog gaya ng ginagawa ko. Meron nga akong mga kaibigan na minsan nakikipag-chat dahil sa wala daw silang magawa at nabobore sila sa buhay nila, bilang mabuting kaibigan naman eh binibigyan ko sila ng payo na alam ko na makakabuti sa kanilang personalidad. rhia_ang121499: hello rhia_ang121499: : ( rickhernandez77: ano ka na? bat me pa sad face sad face ka pa dyan? rhi...

Advertising 101

Part of our Ethics subject nung college eh ang magpunta sa mga grocery at tumingin ng mga products with packaging that violate the ‘ethical rules and guidelines’ ng Phil Ad Board, ganung ka-simple, at pagkatapos ay gagawan namin ng reaction paper, yun ang hassle. Kaya naging hobby namin na weekly mamasyal sa grocery para sa task na yun. Di ko alam kung me kinalaman ito sa kung bakit enjoy ako mag grocery ngayong me asawa’t anak na ko. Di ko naman jina-justify yung pagiging utusan ko sa bahay, although parang ganun na rin yun, enjoy lang talaga ma g grocery pramis, lalo na pag kasama ko si Taz, pwede ka pang mag push cart slide sa isle no. 5 dahil konti lang tao dun (sa isle no. 5 matatagpuan ang mga insecticides). Actually educational pa nga ang pag-ggrocery, lalo na kung student ka taking up advertising arts or communication arts or any related courses, dahil yung mga pinag-aaralan nyo sa mga classroom eh makikita mo actual sa grocery. Halimbawa: Product development Produc...