Skip to main content

Haaak chooo!


Na inspire lang akong sumulat ng blog tungkol sa ‘dura’ dahil sa comment sa previous blog entry ko galing ke Sir Ron, nope not Dura di Iksplurir, nyek korni ahehehe ito yung pagpapalabas ng laway mula sa bibig gamit ang matinding pwersa, actually me punto naman si Sir Ron about ‘dura’ or ‘spit’ kung sosyalin ka.

Naalala ko yung joke kung saan merong dalawang lalaking nagsusuntukan ng halos isang oras na, kaya nung napagod eh nagduraan na lang, ganun ka lethal ang dura para sa tao, pwedeng gawing armas pangkarahasan (parang shaider), makakaranas ka nito sa mga batang pulubi sa Quiapo na daig pa ang mga siga kung mangikil, pag humingi sila sa iyo dapat bigyan mo sila agad kung ayaw mong maduraan. Maihahalintulad nga ang dura sa pag-utot, pag-singa at pag-tae, at isa ito sa mga iniiwasang maapakan sa daan. Nakakainsulto pag dinuraan ka ng kapwa mo at degrading din ang dating di ba, bawas pogi points naman at turn-off kung makikita ka ng crush mo na nadura kung saan-saan, ganun ang tingin ng tao sa pag dura, sabi nga ng mga kolehiyala, eeeewww. 

Merong mga taong talented ata sa pag dura, yung tipong nag-aral ng physics of trajectory at laws of gravity sa tindi at very calculated na pag dura, tanchado nila kung saan papa-tamain ang dura na kalimitang me perfect projectile. Ako kasi hindi ako marunong dumura ng long range, usually sumasabit sa lower lip ko kaya ang siste eh naduduraan ko ang sarili ko which is kung makikita ako ng ibang tao eh nakakahiya, kaya iniiwasan ko ang dumura.

Ngayon ko nga lang nalaman na sa Singapore pala pag nahuli ka ng street cam na na-dura kung saan saan eh pwede kang makulong ng tatlong (3) araw at may multa pa ata, dito sa atin malabong ma-ipatupad yan, sa liit ng mga kulungan natin, na halos magkapalit-palit na ng mukha at kili kili ang mga preso sa sikip, saan pa ipupwesto ang mga mahuhuli? Unless gumawa ang MMDA ng another compound para sa mga offenders, which is isa pang malabong mangyari. Siguro pwedeng ipatupad as violation ang pag-dura pero iba ang penalty siguro 1st offense: community service ng 3 days sa Payatas; 2nd offense: 1 week good moral and right conduct seminar ke Madam Auring; 3rd offense: Ikukulong sa isang kwarto lahat ng mahuhuli at pwersahang panonoorin ng That’s Entertainment re-runs, ewan ko na lang kung hindi pa sila mag tanda nun, baka me iba pa kayong suggestions? Iniisip ko rin kung paano ma-momonitor ang mga offenders dahil wala naman tayong budget para sa mga street cams, dahil yung annual budget ng gobyerno natin eh nakalaan na para sa 2010 election campaign nila.

Moving on…

Naalala ko uli nung bata pa ako (twinkle, twinkle, twinkle) mga 9 years old ako nun nung mapilayan ako sa pag lalaro ng holen, oo hari ako ng sablay nun (actually hanggang ngayon) natapakan ko yung holen at nung pag bagsak ko eh napa-tukod ko ang kanang kamay ko kaya napilayan, buhay pa si lola nun kaya pag kakita sa akin eh dali-dali nya akong dinala sa isang tropa nya na isang manghihilot, mukhang matagal na nyang kilala yung manghihilot kaya pinagkatiwala nya ako dun, hinihintay ko nga silang mag-fraternity handshake pero wala namang ganung pangyayaring naganap. Matapos tingnan (ng masama) yung kamay ko eh dinasalan na nya iyon sabay pahid ng coconut oil sabay hilot, akala ko yun lang pero biglang dumura sa mga kamay nya at saka hinilot paulit ulit sa kamay ko, dura, hilot, dura, hilot, dura, hilot paulit ulit halos maiyak na ako sa eksenang ganun at napaisip na mas mabuti pa sigurong pina-opera ko na lang ang kamay ko kesa sa ganung pamamaraan. Bandang huli eh ngumuya sya ng, dahon ata ng aratiles yun, basta dahon at biglang dinura direkta sa kamay ko sabay balot ng puting tela na amoy ihi ng pusa. Medyo nakahinga na rin ako ng maluwag nun ng bigla nyang sinabi sa lola ko na wag ko daw babasain ng tatlong araw, WTF! tatlong araw mananatili sa kamay ko yung laway nya, naisip kong wala namang therapeutic claim yung laway nya kaya desidido akong tanggalin yun at hugasan pag-dating sa amin, kaya ganun nga ang ginawa ko hinugasan ko rin pag dating sa bahay, binalot ko na lang ng puting tela uli yung kamay ko para hindi mahalata ni lola na tinanggal ko na ang benda.

Isa yata yun sa mga di malilimutang tagpo sa aking buhay na muntik ko nang malimutan, sa sobrang memorable nun pwede ko na siguro syang isulat kay ate Charo para sa ‘Maala Ala Mo Kaya’.

So much for ‘dura’ tama na nga, nadidiri na ko, yaaaak.

Haaaaaak choo!  

Comments

  1. nung tumatakbo kami ng kaibigan ko sa university namin na naka-paa lang kami... nakaapak ako ng dura,. nakakadiri pero ayos lang...... :D

    ReplyDelete
  2. blessing daw yun pag nakaapak ka ng dura... kung paano naging blessing? hindi ko rin alam, ewan ko sa mga grown-ups... ; ))

    ReplyDelete
  3. Eww. Naaalala ko pa yung nasa Divisoria kami ng pinsan ko, mahigit sampung taon na nakakalipas... Naglalakad kami tapos may narinig akong nag-sneeze na lalaki na naglalakad sa harapan namin, tapos nagulat ako basa yung likod ng palad ko. O my gulay guess what? Tumalsik sa kamay ko yung laway o sipon niya!!!! Talk about kadiri! eeeeeeeeeeeew.

    ReplyDelete
  4. haha magandang pagusapan yang mga ganyang bagay habang kumakain, tamang tama lunch na! : D

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...