Part of our Ethics subject nung college eh ang magpunta sa mga grocery at tumingin ng mga products with packaging that violate the ‘ethical rules and guidelines’ ng Phil Ad Board, ganung ka-simple, at pagkatapos ay gagawan namin ng reaction paper, yun ang hassle. Kaya naging hobby namin na weekly mamasyal sa grocery para sa task na yun. Di ko alam kung me kinalaman ito sa kung bakit enjoy ako mag grocery ngayong me asawa’t anak na ko. Di ko naman jina-justify yung pagiging utusan ko sa bahay, although parang ganun na rin yun, enjoy lang talaga mag grocery pramis, lalo na pag kasama ko si Taz, pwede ka pang mag push cart slide sa isle no. 5 dahil konti lang tao dun (sa isle no. 5 matatagpuan ang mga insecticides).
Actually educational pa nga ang pag-ggrocery, lalo na kung student ka taking up advertising arts or communication arts or any related courses, dahil yung mga pinag-aaralan nyo sa mga classroom eh makikita mo actual sa grocery. Halimbawa:
Product development
Products are being developed because there is a certain need by the public, halimbawa naiinitan ka kaya may gumawa ng aircon, para malibang ka may nagimbento ng PSP, Nintendo DS, Xbox at 100 in 1 - Brick game, o dahil sa kagustuhan ng taong lumigaya naimbento ang Viagra, parang ganun, me pangangailangan kaya mayroong produkto na ginagawa para ma-meet ang mga pangangailangang ito.
Pero nang makita ko ang sandals na ito sa mall, napaisip ako kung mayroon ba talagang pangangailangang ganito,
Sino naman ang me gusto ng sandals na hugis quarter moon? Unless duma-dami na ang tao sa Pilipinas na may ganitong paa:
Strategic marketing
Napansin nyo ba na sa dala ng katamarang mag-isip ng ilang tao eh nauuwi ito sa panggagaya, halimbawa na lang ang ‘Kankunis’,bata pa lang ako nakikita ko na yang herbal slimming tea na yan at nakakatuwang isipin nag su-survive pa sya til now, minsan iniisip ko kung ilang beses na may nag-attempt na gumaya sa kanya. Meet ‘Kancura’
“a nothing but second rate trying hard copycat” na herbal slimming tea na mukhang naging direct competitor ng Kankunis. Ang strategy: pinarehas ang size ng box, iniba lang ang kulay, dinagdagan ng konting modernity ang design, nilagyan din ng mas sexy at mas batang model at higit sa lahat nilagyan ng brand name na di nalalayo sa ‘Kankunis’ ang tunog, ayun ‘Kancura’, na kapag pinagtabi na sila sa eskaparate sa grocery malilito na ang mga mamimili at malamang ang kukunin nila eh yung bagong itsura, ganung kalungkot ang sinasapit ng originals sa mga imitators. Pero ako hindi nalilito sa mga ganyan… aanhin ko naman ang herbal slimming tea?
POP promotional materials
Ang POP or Point-of-Purchase promotional materials eh yung mga nakikita nating mga danglers, wobblers at standees na nakikita natin mismo sa grocery, madalas nakasabit sa kisame o sa shelves mismo nakalawit at yung mga standees nasa center isle kasama ang ilang sample products, importante ito para sa panghihikayat ng mamimili.
Pero kung ganito naman ang standee mo
Di ko ma gets kung ano ang sense na maglagay ng cut-out na nurse tapos me nakalagay na “Ask me” sa gilid nya, nagtry akong tanungin baka kako me voice command na mag aactivate sa speech ng standee pero wala naman nangyari. Parang useless naman. Mas me sense siguro kung nakalagay yung “Ask Me” tapos si Madam Auring o kaya si Jojo Acuin or even Ka Ernie Baron ang naka-lagay sa cut-out standee, watchatink?
Product convincing power
Sa pamamagitan ng isang pinag-isipang concept ng isang packaging maaari mong ma-convince ang mamimili na kailangan nila ang iyong produkto, wag lang tutularan ito
Nagulat ako ng hilahin ako ni Taz at ituro ang Dora rat killer at pilit na pinabibili sa akin, ang cute daw kasi ng dagang naka drawing dito, paano mo nga naman maco-convince ang mamimili na effective yung ratkiller mo kung ang naka-drawing ditto eh ang cute na cute and mukhang very alive na daga? Mas effective siguro kung ang nakalagay eh isang nakatihayang patay na daga na bumubula bula ang bibig habang me babaeng nakatingin with devilish smile hehe mas effective siguro yun… at oo kailangan ko ring ipaliwanag sa anak ko na hindi yun yung Dora na kinamulatan nya every morning.
Branding
Nung Makita ko ang produktong ito, napangiti ako at parang naimagine ko agad kung paano nag brainstorming ang production team nito, parang ganito siguro:
Product Manager: kailangang mag-isip tayo ng brand name para sa ilalabas nating bathroom tissue.
Product Developer 1: kailangan catchy yung brand name para may total re-call sa market.
Product Developer 2: sus, para tissue lang kailangan pa bang pagisipan yan!
Product Manager and Product Developer 1 (looking at each other): hmmmmmmmm
TADA!!!
How literal can you be?
Packaging
Nakita nyo ba ang image sa taas? Ano ang mali?
Oo digitized na yan, pinagtabi ko lang dahil natatawa ako sa packaging ng Downy. Kung itatabi mo nga sya sa fresh milk products eh malamang maisahan ka at di mo mamamalayan na fabric conditioner pala yung nakuha mo at hindi gatas. Di ko alam kung ano pumasok sa utak ng gumawa ngpackaging nila pero para kasing tanga eh. Tutal ginawa na nilang ganun yung packaging nila ibahin na rin sana nila yung tagline nila, yung tipong
“Milk on my coffee, Downy for my clothing… makes sense to me.”
Identity
Importante sa produkto ang may sariling identity, na kapag nakita mo ang isang bagay maa-associate mo na sya sa particular na product, halimbawa: wings = Whisper parang ganun. Isa sa mga product na may stable identity na ay ang Mane n’ Tail.
Ito ang shampoo na di lang pang kabayo, pang tao pa, kaya pag sinabing ‘kabayo’ its Mane n’ Tail baby!. Effective daw to at ito ang isa sa pinaka mabentang shampoo sa atin ngayon. Pero di ko maintindihan kung bakit ayaw pa nilang baguhin yung label nila. Dapat siguro kumuha na sila ng magandang modelo na ilalagay sa label nila gaya ng sa Palmolive or Sunsilk, ansagwa na din kasing tingnan nung dalawang kabayo sa label nila na parang nagdo-do hehe. Kunsabagay yun na talaga ang identity nila, yung ‘kabayo’.
Pero pwede naman nilang i-redesign yung label nila with a model without losing their ‘horse’ identity, kailangan lang nila ng matinding imagination.
Eto naman eh suggestion lang…
Tyak na magiging proud sa akin ang mga dati kong professor pag nabasa nila ito.
nice post! hahaha.
ReplyDeletehaha! i thought, ganun na tlga yung model sa mane n tail .. xD
ReplyDeletewow ! nakapag aral ako sa post na toh .. :D
haha thanks Keith!
ReplyDeletehehe inde, yung original na model eh yung dalawang kabayo na mukhang nagco-copulate hehe... tara grocery na!
ReplyDeleteahahah shet sori natawa ko ayus!
ReplyDeleteoo nga po eh !
ReplyDeletekala ko tlga, bago na. hahahaha !!
hahahahaha...hindi naman siguro mababasa nung model mo rick itong blog na ito...dont worry hindi ko ipagsasabi hahahaha...magagalit man yun dahil baka humingi lang ng advertising fee...syempre naman ipagkalat mo ba naman sa net mukha nya !!!! Lagot ka !
ReplyDeletewahehehe... naka try ka na ba ng mane n' tail? hehe
ReplyDeletehehe babayaran ko na lang sya hehe...
ReplyDeletenyahahahaha!masaya po tlaga pag advertising..bigyan din po ninyo sana ng komento yung mga t.v ads. :)
ReplyDelete"nag-iisa lang ang champion" - susan roces.
sino kaya nakabili nun?
hmmm pwede rin... champion? yan ba yung sigarilyo? naninigarilyo ba si susan roces?
ReplyDeletengek hindi po.un ung brand ng detergent powder na iniindorse nya..ay example ko lang po yan eh.ehehe
ReplyDeleteah yun ba hehehe
ReplyDeleteand u got me on this post! hahahahahahahaahhahaha
ReplyDeletekulang ng "target market" ang strategy breakdown mo :)) hahahahahaha :P
ReplyDeleteoo nga nuh : ))
ReplyDelete