Skip to main content

Ikaw ba'y nalolongkot... walang magawa...

Minsan me mga araw na wala talaga tayong magawa kaya pilit nating inaabala yung sarili natin para lang me magawa. Kung talented ka pwede kang mag-pinta, mag-sulat, tumugtog ng musical instruments o kaya kumanta o kung mayaman ka pwede kang bumili ng mamahaling Digital SLR na kamera at kumuha ng mga litrato to your hearts content at i-post to sa net at tawagin ang sarili mong photographer, or kahit ano pang bagay na pwedeng pang libang sa sarili. Kung hindi ka naman talented, pwede kang… uhmmm… pwede kang tumambay sa 2nd floor ng bahay nyo at duraan lahat ng dumadaan sa baba, o kaya pwede ka ring mag-blog gaya ng ginagawa ko.

Meron nga akong mga kaibigan na minsan nakikipag-chat dahil sa wala daw silang magawa at nabobore sila sa buhay nila, bilang mabuting kaibigan naman eh binibigyan ko sila ng payo na alam ko na makakabuti sa kanilang personalidad.


rhia_ang121499: hello

rhia_ang121499: : (

rickhernandez77: ano ka na? bat me pa sad face sad face ka pa dyan?

rhia_ang121499: wla lng eh sad ako eh..

rhia_ang121499: kakabore n kc

rickhernandez77: wala kang magawa nuh...

rhia_ang121499: : (

rickhernandez77: try mong kalasin yung ref nyo part by part tas ibalik mo uli part by part din.

rickhernandez77: o kaya walisin mo yung bakuran ng kapit bahay nyo tas silaban mo sa gitna ng sala nila

rickhernandez77: o kaya pakagat ka sa lamok tas wag mong patayin, habulin mo lang ng habulin hanggang mamatay sa apendicitis

rickhernandez77: suggestions lang naman hehe

rhia_ang121499: heh!

 

Malamang nakatanggap na rin kayo ng email from someone you don’t know na walang magawa sa buhay at gustong makipag kilala at naghahanap daw sya ng partner in life, eto yung mga hindi na dapat pang pinapatulang email dahil sa tono pa lang ng email nya e halatang desperado na sya at malamang din na nakikipaglokohan lang sa yo, nagpapanggap na babae pero halata namang lalake.

 

 

 

Maganda na sana yung linyang ‘I will do everything possible to make you happy’ kaya lang meron pang, ‘I want to feel like a real girl with him’ na in-underline ko ng pula to stress my point na ibig sabihin hindi pa sya real girl, semi pa lang, half-half kumbaga. Baka mamya hindi talaga sya 'Emmanuela' kundi 'Manuel' hehe.


Ang nakakatakot eh yung mga senador na walang magawa sa senado at kung anu-anong bagay ang pinagdidiskitahan, gaya ni Senatror Manny Villar na nag intoduce ng Article 201 of the revised penal code o ang "Anti-Obscenity and Congress assembled: Pornography Act of 2008" sa kongreso na kung saan sinasaad dito na… uhmmm… na… eto basahin nyo na lang

 

 anti


Sorry basura kasi tingin ko sa batas na yun hehe. Mantakin mo yung paintings nila Amorsolo or other artist na me temang nude or any other artform to that effect eh gagawing illegal, at hindi pwedeng i-display publicly or ma-exhibit sa mga galleries dahil it will be labeled as obscene... talk about gimmickry.

Minsan nakakatakot din pag yung isang tao walang magawa sa buhay lalo na pag senador, o kaya pulis, naalala nyo ba yung pulis na binaril yung batang nagpapalipad ng saranggola sa bubungan? Wala ding magawa yun kaya ayun namaril na lang.

Kaya ako pag walang magawa nagb-blog na lang ako, o kaya umaakyat ako sa 2nd floor ng bahay namin at nandudura sa mga dumadaan sa baba.


Comments

  1. madalas akong mabato, kaya baka subukan kong gawin yung mga suggestions mo po dito............................. :D

    ReplyDelete
  2. gawin lang ng may sapat na pag-iingat... :D

    ReplyDelete
  3. minsan subukan mong lagyan ng vicks vaporub ang ibabaw ng eyelids mo tapos pilitin mong dumilat ng matagal. exciting din. sobra.

    ReplyDelete
  4. haha subukan ko rin yan matapos kong singhutin yung tawas na dinurog... naka schedule na po kasi yun eh hehe :D

    ReplyDelete
  5. kumuha ako ng pulang sili sa ref tapos pinisil-pisil ko ng kamay ko tapos pinang-kuskos ko yung kamay nayon sa mata at ilong ko... okay nako..... :D effective po pala ang mga ganung bagay...

    ReplyDelete
  6. haha isa pang magandang suggestion, ilalagay ko rin yan sa aking 'to-do' list... siguro after ng pagjo-jogging ko ng hubo't hubad sa taniman ng piƱa... :D

    ReplyDelete
  7. Ric, OK sana yong blogs mo about singing and painting as past time pero yong mandura ka ng kapwa mo, hindi magandang past time yan. Unethical yan at pamemerwisyo sa ibang tao. Alalahanin mo ang kasabihang "Do unto others what you want others to do unto you." Gusto mo rin bang duraan ka kapag dumaan ka sa tapat ng bintana ng ibang tao? Eh kung me TB pa yong mandudura sa iyo, di nahawa ka pa. Siguro naman ayaw mong magyari yon hane? At baka mabasa ni Manny Villar itong blog mo, biglang gawing criminal case yong mandura ng kapwa tao. Sa Singapore pag pumunta ka, bawal nga magdura sa kalsada at me multa at kulong ng 3 oras ang tao pag nahuli ng mga hidden camera. Sa kapwa tao mo pa kaya? Ayusin mo ng konti yong blogs mo at baka wala nang mag-subscribe na matitinong tao sa mga sinusulat mo. Payong kapatid laang.

    ReplyDelete
  8. Hello sir ron, thanks for the gesture... sa literature meron pong tinatawag na 'humor of exaggeration' kung saan ine-exaggerate ang isang eksena para maging katawa-tawa at yun po ang ginagawa ko at hindi po ibig sabihin na ganun ang sinulat ko ay ganun din ang ginagawa ko, at wala po akong balak gawin yun, pero salamat pa rin po sa paalala. Ok lang po kung mabasa ni Sen Villar ang blogs ko parte naman po ito ng karapatan ko sa malayang pamamahayag at kung gusto man yang gumawa ng kung anu mang batas patungkol sa blog ko ay karapatan at trabaho po nya yon bilang mambabatas. Ok lang din po kung walang magbasa ng blog ko dahil ginagawa ko naman to dahil sa gusto ko lang at kung may magbasa man ay plus na po ito para sa akin. Sa 25 kataong regular na bumibisita sa blog ko alam kong hindi lahat sila natutuwa sa sinusulat ko, 'you can't please everybody' ika nga, ang punto ko lang po, hindi ko sila pinilit na basahin ang blog ko, sila po ang kusang gumawa nun, at kung hindi man nila ito nagustuhan ay problema na po siguro ng kapitbahay nila yun. Pasensya na po at ganito na talaga ako magsulat ng blog at hindi ko na po maaayos ito.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.