“Ah talaga nakanood ka na ng Twilight? Ok naman?”
“Hmmm mukhang nag-enjoy ka nga…”
“Ah kasama mo mga barkada mo… ayaw mo talaga pahuli sa kanila ha, gusto mo laging up to date ka para di ka naiiwanan sa kwentuhan nyo”
“Oo ok ang Paramore sa soundtrack.”
“So naging faithful ba yung movie version sa book?”
“Mula sa book nga yung Twilight diba? Parang Harry Potter, book na ginawang movie, actually ang balita eh after Harry Potter eh sya na yung naging bestseller.”
“Nge! hindi mo alam yun?”
“Eh bat mo pinanood?”
“Idol?”
“Sus dahil gwapo lang si Robert Pattinson pinanood mo na.”
“Ah dahil fad sya ngayon, maraming nanood, at sya ang buzz around the metro kaya pinanood mo rin.”
“Kung tutuusin nga eh another vampire movie lang naman yun, wala naman silang pinakitang kakaiba sa movie aside dun sa walang pangil na vampire which is nakakatuwa kung iispin mo.”
“Over hype lang sa media at promotions.”
“Oo na gwapo na si Robert, ganyan din yung sinabi mo ke Daniel Radcliffe tsaka kay Orlando Bloom nung pinalabas yung HP at LOTR.”
“Nakita mo ba si Kristen Stewart tsaka si Robert Pattinson sa E! News Daily?”
“Pinakita sila dun, huling-huli sa camera anlalakas mag-yosi tsaka uminom, ganun sila sa tunay na buhay.”
“Oo wala ngang masama dun, alam ko buhay nila yun, pero hindi rin mabuti di ba, maraming kabataan ang iniidolo sila, tulad mo, at hindi sila nagiging mabuting ehemplo kung ganun ang gagawin nila.”
“Kung sinu-sino kasi iniidolo mo, porke pogi’t maganda.”
“Napanood mo ba yung Ploning?”
“Sabe na nga ba hinde eh.”
“Si Juday bida dun.”
“Bakit naman naging baduy si Judy Ann? Samantalang nanood ka naman ng Kasal, Kasali…?”
“Independent movie ni Juday yun kaya hindi gaanong na promote, hindi yun katulad ng Twilight na malaki ang budget. At hindi rin pwedeng pagtapatin yung dalawa, mas di-hamak na may kabuluhan naman ang istorya ng Ploning kesa Twilight. Mas makatotohanan kumbaga.”
“Ok payn, kung ayaw mo kay Juday.”
“Alam mo bang official entry yun ng Pilipinas bilang Best Foreign Language Film sa 81st Academy Awards ha?”
“Ah so ngayon papanoorin mo na…”
“Para makiki-in ka na rin…”
“I pity you!”
pabasa ko to sa daughter ko! he he...
ReplyDeleteang kainis hirap p bumili ng DVD ng independent films, hirap maghanap, may alam k b?
ReplyDeletemilky milky nga rick hehe eh ganyan talga ang mga tao da lamang tayong mga pinoy haha minsan nga eh matatanda guilty nito, buti pa mga alagang hayop ntn noh? haha
ReplyDeletehaha ayus!
ReplyDeletewala bang mga pirata dyan?
ReplyDeletetigilan mo na pagyoyosi dahil I idol u! wahehehehe
ReplyDelete=D ayus to!
ReplyDeletebatu bato sa langit hehehehe
ReplyDeletedi masyado uso pirata dito, i usually just watch movie sa net. at walang pirata na tagalog! hahahha nakakainis, lol. at mahirap din hanapin ang indi film sa net!
ReplyDeletehindi uso pirata dyan? napaka first world nyo naman : ))
ReplyDeleteahahahah sorei sorei titigil n po haha baka sa new year hehe
ReplyDeleteako naman magyoyosi hehehe
ReplyDelete