Skip to main content

Sabihin ng mabilis 30x - Pasko Paksiw...

Ilang tulog na lang pasko na! Wag kayong magulang, wag nyo nang isama yung tulog nyo sa tanghali tsaka yung tulog nyo sa opisina sa oras ng trabaho, hindi kasama sa bilang yon. Natatawa ako sa mga taong nagsasabing… “parang last year lang yung pasko, tapos ngayon pasko na naman”… haler, taon taon po talaga ang pasko, fyi.

Hindi na ko makikipag-plastikan, pero pag naiisip ko ang pasko eh naiisip ko rin ang gastos, sa tingin ko hindi lang naman ako, kayo rin, wag kayong mag-maang-maangan, guilty rin kayo malamang sa ganitong notion na Christmas = gastos. Syempre hindi naman kasi tulad dati nung bata pa ako, mga couple of years ago (uhhhrrrrmm), na ako ang nasa receiving end ng mga nagre-regalo, ako yung excited sa pasko, ako yung nageekis ng date sa kalendaryo bago ang araw ng pasko, ako yung nagogoyo ng mga matatanda na totoo si Santa, si Rudolph, si Frostie the Snowman at 30 pa lang talaga si Madam Auring… but that was before, gaya ng sinabi ko, couple of years ago (uhhhrrrrmm). Pero iba na ngayon, ako na ang nagbibigay, yung gumagastos, hindi na rin ako nagogoyo tungkol kay Santa, Rudolph, Frostie at lalong hindi ako naniniwala na 30 lang si Madam Auring, magkamatayan na!

Sa ngayon, meron akong mahigit 10 na inaanak, oo kaunti lang dahil halos lahat naman ng kaibigan ko baog mga bata pa kaya halos karamihan wala pang anak. Hindi ako gaya ng iba na November pa lang eh me regalo na sa mga inaanak, hindi ako ganung ka-excited, sa katunayan wala pa akong nabibiling regalo kahit kaninong inaanak ko, pero bago mag-pasko malamang sa alamang eh meron na akong nakahandang regalo para sa kanilang lahat, magkano kaya good morning towel ngayon? Applicable pa ba yung kasabihan na ‘it’s the thought that counts’?

Inaanak: Ninong regalo ko?

Ako: Eto para sa yo….

Inaanak: good morning towel?

Ako: it’s the thought that counts di ba!

Inaanak: pak yu!


Hindi lang naman gastos ang naiisip ko pag pasko, hindi ako kasing sama gaya ng iniisip nyo, syempre nandyan pa rin yung iba’t ibang tradisyon natin na inaabangan ko, gaya ng karoling ng mga bata, hinihintay ko nga na may mangaroling sa bahay namin na ang dala eh hindi yung kutsara’t tinidor, piniping tansan na pang-kalansing at tambol na lata, kundi iPod na may nakakabit na stand-alone speaker, darating kaya sila sa ganun? Yung tipong…

Bata 1: O game na!

Bata 2: Wait na-download mo ba yung Jingumbels?

Bata 1: Oo na transfer ko from iTunes kanina, under sya ng Xmas carols na playlist.

Bata 2: Ah ok, chinarge mo ba to? Baka ma lowbat tayo…

Bata 1: Ok na yan, play mo nah.

Pero me mga bagay na di talaga mababago ng technology, gaya ng pagkanta ng mga batang pinoy sa kantang ingles.

Bata 1 & 2: Jingumbels, jingumbels, jingum ol dwey! Oway pan isis toway inawanhos olensflay hey!


Bukod sa karoling, nandyan din yung simbang gabi sa madaling araw, weird nuh, dapat simbang madaling araw. Lalo na sa simbahan namin, ang Saint Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ, ilang beses nang na-feature sa TV ang simbahan namin dahil sa tradisyunal na dekorasyon nito tuwing magpapasko, may kubo kubo pa silang nalalaman na nakapaligid sa harap ng simbahan, at yung mga nagbabantay sa mga kubo eh naka baro’t saya pa, eto ba yung tinatawag na, kinakarir? Sa mga kubo nandun yung mga paninda na iba’t ibang kakanin gaya ng puto bumbong, bibingka… uhm… basta marami pa, pag sinabing kakanin alam nyo na yun, malalaki na kayo, at syempre di mawawala ang tsaa na panulak, bottomless. Ang mga ito ang dinadayo ng mga tao sa simbahan namin bukod sa pagpi-picture taking sa mga christmas decor sa paligid ng simbahan, kahit hindi taga-Las Piñas, kahit taga Zimbabwe. Kung mapapasyal kayo sa Las Piñas, wag nyong kalimutang dumaan sa Saint Joseph Parish at tikman nyo yung mga kakanin dun sa mga kubo-kubo, sabihin nyo lang sa kanila yung pangalan ko… sabay ilag.

Ilan lang yan sa mga tradisyon natin tuwing pasko, marami pang iba na tinatamad na kong banggitin pa. Excited na ba kayo sa pasko? Excited na ba kayong makita yung mga kamag-anak nyo na matagal nang nahimlay nawalay dahil sa pagtatrabaho sa ibang bansa, at ngayon lang makakauwi dahil na-layoff? Excited na ba kayong makita ang mga inaanak nyo na tuwing pasko lang kayo naaalala? Excited na ba kayong tumaas ang alta presyon at sugar level dahil sa mga pag-kaing nakahanda? Excited na ba kayo sa bago nyong damit at sapatos na binili ng inyong magulang na nagtitiis sa luma nilang damit para lang mabili kayo ng bago? Excited na ba kayo sa mga regalo na binili para masabi lang na may regalo?

Kung iisipin nyo… yung pagse-celebrate ng Pasko… dapat mas higit pa sa mga bagay na nabanggit ko.

Yesssssssssss seryoso… papa-cheese burger ako!


Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...