Nitong mga nagdaang araw naging mahirap para sa mga pasaherong pauwi ng Las Piñas ang sumakay ng jeep sa may Tambo, yung lugar na sinasakyan ko ng jeep pauwi sa amin. Walang jeep na nakapila, karamihan naman ng jeep galing Baclaran puno na pag dating ng Tambo. Madalas akong makipag-unahan sa sang katerbang pasahero na gusto na ring makauwi, walang matanda-matanda, walang baba-babae basta pag nag-unahan na matira matibay. Sabi ng 'barker', duon daw naiipon sa Baclaran ang mga jeep dahil sa sobrang trapik doon, madalas ding mapuno ang mga jeep dahil sa dami ng namimili sa Baclaran ngayon, 'holiday rush' kun tawagin, watdapak!. Kaya naman nung huwebes nagblibk blink yung bumbilya sa ibabaw ng ulo ko, naisipan kong sa Baclaran na mismo bumaba para makasakay naman agad ako ng jeep na hindi na kailangang umeffort-effort pa.
So instead na MIA Road ang bus na sakyan ko, Baclaran na lang ang sinakyan ko pauwi para sakto sa Baclaran mismo ang baba ko... natural lang di ba? Alangan naman sa Alabang ako ibaba nun. Pagbaba ng bus sa may Roxas Boulevard, bumulaga agad sa akin yung dami ng tao along Redemptorist, napasampal lang ako sa mukha sa nakita ko, halos hindi ko na makita yung daan sa dami ng tao, mga nagtitinda, namimili, namamalimos, nagsisimba halu-halo na sila. Taun-taon ganito ang Baclaran pero taun-taon pa rin ako nagugulat sa ganitong eksena. Wala na rin akong magawa kundi suungin yung dami ng tao, dahil mula Roxas Blvd kailangan kong lumakad papunta sa may LRT kung saan nandun yung mga jeep na sasakyan ko pauwi. So pagkatapos kong huminga ng malalim at tumuhog ng ilang squidballs sa MnM's (Mura na, Marumi pa!), hinanda ko na ang sarili ko para sa isang great adventure.
Literal na skip and hop yung ginagawa ko habang tinatahak yung kahabaan ng Redemptorist, di maiiwasang makabunggo at mabunggo ka, walang lugar sa Baclaran ang maaarte, yung isang ale nga nagtaray sa isang tindera dahil nagkabanggaan sila, sabi naman ng tindera... "kung ayaw mong mabangga magpatayo ka ng sarili mong overpass!"... me point naman sya dun. Sa hirap kasi ng paglalakad sa Baclaran sa ganitong panahon ng kapaskuhan talo pa nito ang 100m hurdle dash ng olympic, actually pwede syang gawing training grounds para sa guerilla warfare ng Philippine Army, pwede rin syang gawing "Survivor Series Baclaran Edition", at kung anu-ano pang pagkukumpara ang pumapasok sa utak ko habang naglalakad.
Hindi na makakadaan ang jeep dahil nasa gitna na mismo ng kalsada yung mga paninda, its a one-stop-shop na ika nga. Damit, sapatos, kagamitan sa bahay, sa opisina, kung ano ang hanap mo, meron sa Baclaran, tatanungin ka pa ng mga friendly tinderas na puro naka-kolorete ang mukha ng... "Anong hanap?" (matining yung boses na nasa key of C)... sounds familiar no, wag mo lang hahanapin sa kanila yung anak nyong nawawala dahil baka makita nyo ang hinahanap nyo... anu? parang ang-gulo ata... anyway yun nga kasi, halos lahat kasi nandito na, kung merong sukatan kung gaano ka-materialistic tayong mga tao pwedeng gawing measuring tool ang Baclaran, di mo naman kasi masisisi ang mga tao, mas mura kasi ang mga paninda dito, halimbawa ang t-shirt na nagkakahalaga ng P350 sa mga malls, makukuha mo sya ng P349.95 sa Baclaran, anlaking tipid nun di ba? Lalo na sa hirap ng buhay ngayon. Iba iba pang brands, at di lang basta basta na brands, mga sikat na produkto pa ang mapagpipilian mo dito, Lacoste ba hanap nyo? Meron yan sa Baclaran! Nike? Adidas? Louis Vuitton? you name it, they have it! Iniisip ko nga minsan kung saan kaya kumuha ng course na BS Business Management Major in Counterfeiting yung mga supplier nila, anyway hindi naman puro branded yung mabibili mo dito, meron pa rin namang locally made gaya ng Marimar slippers, Waway hats, Pacquiao bandana's (yung may 'Nu per' na nakalagay) at ang pinaka sikat na Pekpek shorts, oo Pekpek shorts para sa kababaihan, kaya sya tinawag na Pekpek shorts kasi sa sobrang ikli ng shorts na ito, pag sinuot mo eh kita na ang iyong... moving on...
Habang nagpapatalun-talon ako na parang mario bros. papunta sa sakayan ng jeep, napansin ko na may sunod ng sunod sa akin, isang lalaki na may dala-dalang mga plastic bags na tinitinda nya, pero di naman nya ako binebentahan, di naman ako kagwapuhan (konti lang) para magkaroon ng stalker kaya inisip ko me ibang pakay yung lalaki. Matalas ang instinct ko pag dating sa mga ganyan at di nga ako nagka-mali, binubuksan nga nya yung zipper ng pants bag ko na nakasabit lang sa likod ko, pinantatakip pa nya sa ginagawa nyang milagro yung mga plastic bag na kunyari eh binebenta nya. Hinayaan ko lang syang buksan yung zipper ng bag ko, di ko na sya sinita dahil alam ko mas masakit sa kalooban ng isang mandurukot yung maka-tyempo sya ng isang magandang pagkakataon para makapangdukot ng walang kahirap hirap pero pag sikwat naman nya dun sa dudukutan nya eh wala syang makukuha, mas bad trip yun di ba? Kaya ilang hakbang pa at ilang kapa sa bag ko nakita kong lumayo na yung lalaki na may mabigat na kalooban, take that biatch! Hindi naman ako engot para maglakad sa Baclaran na me dalang importanteng bagay sa bag ko na alam kong madudukot, i've been there! been that! Nagtataka lang ako dahil dapat sa mga ganitong sitwasyon dapat mas visible ang kapulisan, pero ni isang pulis o kaya kahit baranggay tanod na lang eh wala kang makikita, nanood ata lahat ng Eva Fonda, mga manyakis!
At matapos ang ilang minuto ng paglalakad sa kagubatan ng Baclaran, inabot ko rin ang sakayan ng jeep, binuhos ko na ang natitira kong lakas sa pag-habol sa mga jeep, at sa wakas makakauwi na rin ako, pero di pa dun natatapos ang kalbaryo, dahil sobrang trapik na rin palabas ng Baclaran, naisip ko lang, siguro kung nag-abang na lang ako ng jeep at nakipag-sikuhan na lang sa mga babae at matatanda pagsakay ng jeep sa Tambo baka kanina pa ko nakauwi. Bad idea yung pag daan ko ng Baclaran, pagod na, gutom pa, no thanks to my ever reliable decision making. Sablay. Totoo yung kasabihan... "laging nasa huli... ang pinaka matangkad."
nakaka hiyang mag comment pero naaliw ako sa blog entry na to' hahaha..
ReplyDeleteSobrang natuwa ako nung binabasa ko tong blog entry na toh sir...galing ng story telling and the clever words you used...panalo...sobrang napasaya at napangiti ako...keep rockin sir!!! :)
ReplyDeleteuy salamat sa comment, wag ka sana mahiya hehe...
ReplyDeleteawwww salamat shen! : )
ReplyDeletefafa rick pashko na!!! ahahahah
ReplyDeletemerry christmas papi!
ReplyDelete