Skip to main content

Burdey!


Nag celebrate si ms Didith, ang aming bagong manager dito sa opisina, ng kanyang bday, syempre di sya  makakalusot sa gasgas na gasgas nang request na “Pa-cheese burger ka naman!” na nasapawan na yun dating “Pa-canton ka naman!” expression. Hindi ako madalas magtanong ng edad sa mga taong may birthday, lalo na pag alam kong lagpas na sa kalendaryo ang edad nila, sa halip tinatanong ko kung pang-ilang bday na nila yun, atleast mas nakakakuha ako ng mas honest na answer dahil hindi naman edad nila ang tinatanong ko, ang tinatanong ko kung pang ilang bday na nila yun.

 

“Pang-ilang bday mo na ms didith?” tanong ko.

“Pang 33 na.” sagot naman nya ng walang ka-gatul-gatol.

 

Minsan kasi pag tinanong mo yung isang celebrant kung ilang taon na sya eh madalas pakipot ang sagot like “secret!”, “hulaan mo?” o kaya sasagot ng alam mo namang malayo sa katotohanan, sasabihing 18 lang sila kahit parang rice terraces na yung noo sa dami ng kulubot, papalusot pa ng “matured lang talaga akong tingnan.” Pag pinoy kasi parang big deal yung edad.

 

Si Nelson, yung all around taga-sira sa opisina, twice syang mag celebrate ng bday nya, isang Nov 6 at isang June 13 daw. Nasunog daw kasi yung munisipyo sa Bicol kung saan sya nakaregister kaya hindi na nakita yung kopya nya ng birth certificate nya, yung kopya naman nya eh matagal na daw nawala, naipangbalot na daw ata ng tinapa. Sabi ng tatay nya Nov 6  sya pinanganak, pero sabi naman daw ng step mother nya eh June 13 daw ang birthday nya, pero ang alam nya October 12 sya pinanganak, na-over ata sa MSG yung mga magulang nya nung pinanganak sya kaya di matandaan, kaya kesa idaan pa nya sa Pulse Asia survey eh minabuti na nyang i-celebrate sa dalawang petsa ang birthday nya. At kung sakaling kakailanganin nyang mag fill-up ng forms eh kailangan lang nya ang tulong ng piso para sa ilalagay nyang date ng bday nya, Nov 6 kung head, June 13 kung tails, ganung ka simple.

 

Mahirap pag di mo alam ang birthday mo, parte kasi yun ng identity mo bilang tao. Buti na lang mabait si ms Didith at nag-offer syang tulungan si Nelson na malaman ang kanyang birthday, pero hindi naman yung tulong na iniisip ni Nelson na makikipag communicate si Ms Didith sa namatay nyang ina para malaman yung tunay na araw ng kanyang kapanganakan, not that kind of help, sa NSO lang. Sa pamamagitan ng Ecensus.com.ph at ang makapangyarihang P415.00 na bayad eh malalaman na ni Nelson ang kanyang tunay na birthday. So matapos magfill-up ng form online eh medyo magpapa-suspense pa ang Census dahil kailangan pa ng 3 regular working days para mai-deliver ang resulta.

 

Medyo excited kaming lahat sa opis na malaman ang katotohanan, ano kaya ang mangyayari kapag nalaman na ni Nelson ang tunay nyang bday? Magbabago kaya ang takbo ng buhay nya? Sisingilin kaya sya ng mga ninong nya dahil dalawang beses sya manghingi ng regalo dati? Kaya nya bang tanggapin ang kaakibat na katotohanang maaring tumanda sya o bumata base na rin sa resulta ng tunay na bday nya? Paano kung sa araw ng delivery ng resulta ng bday nya eh lumidol ng malakas? (knock on wood) Bubuti ba ang lagay ng ekonomiya ng bansa pag nalaman na nya ang bday nya? Magkakabalikan ba si Dingdong at Karylle pag nalaman na nya ang tunay na bday nya? Si Anne Curtis ba talaga ang ‘Takda’? Bakit ang daming ‘fangirls’ ng Twilight? Ang lahat ng yan at iba pang katanungan ay malalaman after three days. Sisihin nyo ang NSO sa mabagal nilang serbisyo.


Comments

  1. Problema rin po ng HS teacher ko yan. :3 June 12 at September 13 daw b-day nya.

    Bakit ang daming ‘fangirls’ ng Twilight?

    ROFLMAO~!

    ReplyDelete
  2. OMG!!!

    i cant believe this... nelson is the subject of the blog!!! whooooo!!!!


    sikat na si nelson!!!!

    hehehe

    eh ka nman lasing c mang "_________"(ano nga pangalan nung tatay ni nelson?) nung ipinanganak cia. wlang matandaan...

    o bka may selective amnesia? ahaha! kinalimutan talagang sadya.

    or, ayw lang din alalahanin ni nelson kc bka tumanda lang cia.. eh baby pa c nelson d ba? wla pa cia gaanong ngipin? (meron na ba? )

    ReplyDelete
  3. minsan magandang tanong din e.... ilang taon ka nung nawala ang iyong virginity tapos sabay ff up na "so, mga ilang taon na mula nung first time?" tapos do your math na lang

    ReplyDelete
  4. ang masama dito e kung madagdagan pa ng isa pang petsa yung kanyang bday!

    ReplyDelete
  5. pag nagkataon na magka-bday kami ni nelson, sagot ko na ang canton! happy bday nelson!

    ReplyDelete
  6. HEHEHE uy first love ko yang si Kuya Nelson :) Hehehe. Diba bata pa ako nung patakbo-takbo sa opisina't naka pambahay lang. Hehehe. Go kuya Nelson. Abangan!

    ReplyDelete
  7. si mang tony yun hehehe... mahiyain masyado mga ngipin nya, ayaw lumabas hehehe

    ReplyDelete
  8. hehe cge makakarating ke nelson... congrats pala sa exhibit! : P

    ReplyDelete
  9. haha oo nga konti pa lang ipin mo nun pareho kayo hehe ang pagkakaiba nga lang yung sayo tumubo na, sa kanya ganun pa rin hehehe...

    ReplyDelete
  10. Hehehehe oo nga eh. Binunutan na ako't lahat-lahat. Excited na akong malaman burdey niya! :)

    ReplyDelete
  11. Paki sabi na lang kay Nelson na huwag syang mawawalan ng pag-asa, malalaman din nya ang katotohanan. Kaya pala minsan tulala siya, siguro labis nyang dinidibdib yung 2 birthdays nya. Pano yan kung ibang date yung resulta sa NSO, eh di tatlo na...ang saya-saya!!!!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng Malacañang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.