Skip to main content

Pahingi po ng konting tulong...


Itong mga nakaraang araw eh namomroblema ako kaya naisipan kong humingi na ng tulong sa kung sino man sa inyo ang may mabuting kalooban. Imagine nyo yung isang taong grasa na gusgusin, short lang ang suot na tinalian lang ng retasong tela para di malaglag, nanlilimahid sa dumi, buto’t balat na lang, gulu-gulo ang buhok, mabaho, may hila-hilang sako ng basura, pa-gala-gala sa lansangan, nagbubungkal ng basura, pag may nakitang tira-tirang pagkain eh kakainin naman kahit marumi at paminsan minsan nanghihingi sa iyo ng limos… na imagine nyo na ba? Hindi naman ako ganon, naisip ko lang. Ang galling ng imahinasyon nyo.


Na-encounter nyo na ba yung, pag nag-post kayo dito sa multiply eh hindi naga-appear yung pinost nyo? Particularly yung blog. Ilang beses akong nag post ng blog entry nung Monday pero title lang yung nag-appear at pag-click mo sa link eh may nakalagay lang na ‘This blog does not exist’. Bad trip di ba? Sabi ng maid namin hayaan ko lang muna daw yun baka naguupdate lang daw yung multiply sa main server nila. Kinabukasan nag try nga uli ako, ayun gumana na nga, tama ang maid namin, kaya naman laking tuwa ko, akala ko eh ayos na ang lahat, but wait! there’s more! Ok na nga ang pagpo-post kaya lang naka-publish pa rin yung mga nauna kong post na wala namang laman, ‘broken links’ ba tawag dun? Naka publish pa rin sila.

 

Ang unang gagawin ng taong nasa tamang pagiisip eh i-report agad ang mga ganitong problema sa ‘customer service’ ng multiply, pero di ko agad yun ginawa kasi wala ako sa tamang pag-iisip nun, nag tanong-tanong muna ko sa mga kakilala ko na magaling sa intarnets, pero lahat ng pinagawa nila, pati yung pagtatapal ng nginuyang dahon ng bayabas sa monitor eh wa epek pa rin. Try ko daw i-delete sa ‘Media Locker’ sabi ng isang concerned citizen, pero wala talaga, ayaw ma-delete! Nandun pa rin sila, nakakahiya naman sa dalawa kong mambabasa kung i-click nila yun at wala namang laman. Paking tape talaga, panira ng site. Para silang pimple na di makuha sa paga-astringent, para silang germs sa singit singit ng tiles na di na maalis ng kahit anong cleanser, para silang mantsa ng mens sa maong na ayaw matanggal kahit ilang beses labhan, para silang trapo na hindi matinag-tinag sa gobyerno, nasabi ko ba sa inyo na mahilig ako sa methapor?

 

Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong problema sa dalawang taon kong pangungupahan dito sa multiply at hindi ito abot ng aking kakayahan kahit na eksperto ako sa Galaga*, limitado rin kasi ang kapasidad ko pag-dating sa intarnets. Kaya baka may mga taong nagbabasa dyan na may kakayahang gumamot ng iba’t ibang uri ng karamdaman habang sumasideline sa pagiging IT o kung kayo ay may taglay na kapangyarihan at natatagong talento pagdating sa pagkumpuni ng mga bagay bagay sa intarnets… pahingi po ng konting tulong.

 

Kung hindi nyo alam, ang Galaga ay shooter arcade game na sequel ng Galaxian na sumikat nung early 80’s.

Comments

  1. haha taray ni ate maid ahaahah, naku baka ikaw ay nahack na?! ahaha pero dko tlga alam ako'y nanggugulo lamang pero baka makatulong ang moral support ko =D

    ReplyDelete
  2. nakikidaan lang po... at pa-comment na din =)

    ako din nagtataka, minsan bigla na lang ako makakatanngap ng notice na si ganito inaccept ang friend request ko e di ko naman kilala at lalong di ako nagrequest ng friend request! this happened to me 3x...

    ReplyDelete
  3. it happened to me hindi nag show up un post ko na pictures, sabi din call the customer service, instead of doing so, i just reposted the pictures again, baka nagka-glitch lang or maybe it so happen na nag update ata sila non last time...... in short.... di ko rin alam ang sagot! hahahahaha, just want to let you know na hindi ka nag-iisa!

    cheers!

    ReplyDelete
  4. Same here... tatlong bese akong nag-repost ng blog entry pero wala pa rin. Ginawa ko rin yung sa media locker... para syang fangirl na ayaw lubayan si Edward Cullen. Lol. Ang conclusion is: (1) Nag-down ang ilan sa mga server nila (2) Tulad ng sabi ni Ate maid (na elibs ako) (3) Naging rabid ang fangirl dahil iniwan sya ni Edward.

    Pero most likely, yung naunang dalawa. :3

    ReplyDelete
  5. maraming salamat sa moral support... aylabyu... wahehehehe

    ReplyDelete
  6. hei salamat sa pag bisita! weird ang multiply nuh!

    ReplyDelete
  7. well at least ngayon di pala ako nagiisa hehe

    ReplyDelete
  8. "para syang fangirl na ayaw lubayan si Edward Cullen"

    oo nga dapat pala dinagdag ko yun hehe...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.