Skip to main content

Pray that it work? Pray. It works!


Pray. It works! Anlaki ng sign na ganyan pag-pasok mo ng commonwealth avenue, nakalagay sa gilid ng overpass sa may Philcoa, ewan ko kung andun pa ngayon, dun ko kasi huling nakita ang sign na yun. Ayon sa isang pagaaral…

 

Recent scientific investigation shows that prayer can be used as an alternative therapy as successfully as meditation, exercise, or herbalism. A study of 91,000 people in rural Maryland showed that weekly church attendees had 50 percent fewer deaths from heart disease than non-churchgoers and 53 percent fewer suicides. Churchgoers have lower blood pressure levels than nonbelievers, even after smoking and other known risk factors are taken into consideration.

Many doctors believe that if they prayed with their patients before and after surgery or before administering a course of powerful drugs, this treatment might assist in the patient's recovery. Thirty medical schools in America are now offering courses in faith and medicine.

It did not matter whether the praying person was with the person who was prayed for the power of prayer to work. You can pray for someone who is far away and still will have an influence on the outcome.

Nothing seems to block or stop the effects of prayer - the object in one study was placed in a lead-lined room and in another in a cage that shielded it from all known forms of electromagnetic energy, the effect still go through. Larry Dossey, M.D., co-chair of the Panel on Mind-Body Interventions of the Office of Alternative Medicine at the National Institutes of Health in Washington, D.C. defines prayer as "communication with the absolute."

Some evidence indicates that sick people who are prayed for also fare significantly better than those who aren't. In fact, some physicians report that people who are prayed for often do better even if they don't know they're being prayed for.

 

Hindi naman ako ganung ka-relihiyosong tao, mahilig lang ako magdasal, habit ko na ata yun, pero hindi na rin ako kailangang maging relihiyoso para paniwalaan na nagwo-work nga ang pagdadasal, maka ilang beses ko nang napatunayan to, at ang pinaka matindi, nangyari kagabi lang.

 

Isang stop light na lang ang lalagpasan ng bus na sinasakyan namin at bababa na ko ng biglang tumunog yung phone ko, “It’s the end of the world as we know it” ng REM, sa ate ko nakadelegate yung ringtone na yun, garalgal yung boses ni ate pag-sagot ko, halatang naiyak, minamadali akong pinapauwi at naghihingalo na daw si tatay, yun yung word na ginamit nya, oo ‘naghihingalo’ na, so kung ikaw eh nananahimik at relax na relax tapos may biglang nagsabi sau na ganun na nga ang nangyari sa isang mahal mo sa buhay malamang eh mag panic ang mga braincells mo di ba? May diabetes kasi si tatay at sobrang hina na nya ngayon, madalas pa nga syang mag hallucinate at mag seizure dahil sa taas ng dosages (at presyo) ng gamot nya at yung tawag nga ni ate, naghihingalo na daw si erpats nung mga oras na yun.

 

Binaba ko yung phone ng di nagpaalam kay ate, sabay tayo agad sa bus kahit malayo-layo pa yung stoplight, medyo hindi pa nagsi-sink in sa akin lahat, pero pagbaba ng bus sumakay agad ako ng jeep, usually hindi ako nasakay ng jeep na halos puno na, nasabi ko na dati na maarte ako, pero kagabi kahit isa lang yung bakante sa jeep pinatos ko na makauwi lang.

 

Naglaro agad sa isip ko yung eksena nung namaalam si lola, paguwi ko andaming tao, nagaayos ng tolda, ng bulaklak, ng mga monoblocs, ng mga bulaklak, andun din yung mga kamaganak namin. Pinipigil ko na rin yung pag iyak ko, ansakit pa naman sa dibdib pag pigil yung iyak, oo mababaw lang ang luha ko kaya hindi ako nanood ng Mara Clara dati. Panay text ng asawa ko pero di ko sinasagot, napatingin din ako sa relos ko, 8:15, thur 4, naisip ko December 4 na nga pala, napadasal na lang ako, sinabi ko “Lord ready ako kahit anong mangyari pero sana Lord pa-arbor muna si erpats kahit patapusin nyo lang tong taon na to.” Naputol yung pagmu-muni-muni ko nung sumigaw yung driver ng “bayan!”, yun na kasi ang binababaan ko.

 

Pagdating sa amin madaming tao, karamihan kasi ng tao sa lugar namin puro mga kamaganak ko. Para akong si Moses na hinawi yung dagat pagdaan, nahati yung mga uzi paglakad ko papasok sa bahay namin, pero walang tolda, walang mga bulaklak, walang mga monoblocs, puro kamaganak lang sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto nila tatay, si nanay lang ang nandun inaayos yung mga gamit ni tatay, tinanong ko kung nasaan si tatay, dinala pala sa Our Lady of Peace, yun yung pinaka malapit na hospital sa amin, nagpaalam agad ako kay nanay para sumunod pero pinigilan nya ako, sabay kalmadong sinabi sa akin na wag na daw akong umalis dahil pauwi na rin sila ate kasama yung mga pinsan ko, ok na daw si tatay, nag normal na daw yung sugar level nya, sobrang baba daw kasi kanina kaya sobra yung seizure nya, dahilan para mag panic silang lahat sa bahay. Napakalma na ko nung oras na yun, sabay pasalamat kay bosing up there.

 

Saglit lang na paghihintay dumating din sila sa bahay, maangas talaga si erpats, tinanong agad kung ba’t andaming tao sa bahay na parang walang natatandaang nangyari, ayaw nya kasi ng maraming tao sa bahay, me pagka shyness at medyo introvert kasi si erpats. Nakalma na rin ang mood sa bahay na kani-kanina lang daw eh panic mode ang lahat. Pray. It works. Yun agad yung naisip ko, at proof na naman ito ng power of prayer, hindi ko na mabilang kung ilang beses na ko dininig ni bosing up there. I’m sure hindi lang ako yung nagdasal para kay erpats nung mga sandaling yon.

 

Makakanood pa kami ng Pacquiao-Dela Hoya sa Sunday, naalala ko nung new year, umakyat si erpats sa third floor ng bahay may dalang binoculars, titignan daw nya yung fireworks display sa simbahan from there, pinipilit nya kasi na huling new year nya na daw yun at di na sya aabot ng 2009, yun ang feeling nya, nagiinarte ata, ngayon naisip ko ‘not gonna happen’ tay…

 

not gonna happen.


Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.