Skip to main content

Sabihin ng mabilis 30x - Pasko Paksiw...

Ilang tulog na lang pasko na! Wag kayong magulang, wag nyo nang isama yung tulog nyo sa tanghali tsaka yung tulog nyo sa opisina sa oras ng trabaho, hindi kasama sa bilang yon. Natatawa ako sa mga taong nagsasabing… “parang last year lang yung pasko, tapos ngayon pasko na naman”… haler, taon taon po talaga ang pasko, fyi.

Hindi na ko makikipag-plastikan, pero pag naiisip ko ang pasko eh naiisip ko rin ang gastos, sa tingin ko hindi lang naman ako, kayo rin, wag kayong mag-maang-maangan, guilty rin kayo malamang sa ganitong notion na Christmas = gastos. Syempre hindi naman kasi tulad dati nung bata pa ako, mga couple of years ago (uhhhrrrrmm), na ako ang nasa receiving end ng mga nagre-regalo, ako yung excited sa pasko, ako yung nageekis ng date sa kalendaryo bago ang araw ng pasko, ako yung nagogoyo ng mga matatanda na totoo si Santa, si Rudolph, si Frostie the Snowman at 30 pa lang talaga si Madam Auring… but that was before, gaya ng sinabi ko, couple of years ago (uhhhrrrrmm). Pero iba na ngayon, ako na ang nagbibigay, yung gumagastos, hindi na rin ako nagogoyo tungkol kay Santa, Rudolph, Frostie at lalong hindi ako naniniwala na 30 lang si Madam Auring, magkamatayan na!

Sa ngayon, meron akong mahigit 10 na inaanak, oo kaunti lang dahil halos lahat naman ng kaibigan ko baog mga bata pa kaya halos karamihan wala pang anak. Hindi ako gaya ng iba na November pa lang eh me regalo na sa mga inaanak, hindi ako ganung ka-excited, sa katunayan wala pa akong nabibiling regalo kahit kaninong inaanak ko, pero bago mag-pasko malamang sa alamang eh meron na akong nakahandang regalo para sa kanilang lahat, magkano kaya good morning towel ngayon? Applicable pa ba yung kasabihan na ‘it’s the thought that counts’?

Inaanak: Ninong regalo ko?

Ako: Eto para sa yo….

Inaanak: good morning towel?

Ako: it’s the thought that counts di ba!

Inaanak: pak yu!


Hindi lang naman gastos ang naiisip ko pag pasko, hindi ako kasing sama gaya ng iniisip nyo, syempre nandyan pa rin yung iba’t ibang tradisyon natin na inaabangan ko, gaya ng karoling ng mga bata, hinihintay ko nga na may mangaroling sa bahay namin na ang dala eh hindi yung kutsara’t tinidor, piniping tansan na pang-kalansing at tambol na lata, kundi iPod na may nakakabit na stand-alone speaker, darating kaya sila sa ganun? Yung tipong…

Bata 1: O game na!

Bata 2: Wait na-download mo ba yung Jingumbels?

Bata 1: Oo na transfer ko from iTunes kanina, under sya ng Xmas carols na playlist.

Bata 2: Ah ok, chinarge mo ba to? Baka ma lowbat tayo…

Bata 1: Ok na yan, play mo nah.

Pero me mga bagay na di talaga mababago ng technology, gaya ng pagkanta ng mga batang pinoy sa kantang ingles.

Bata 1 & 2: Jingumbels, jingumbels, jingum ol dwey! Oway pan isis toway inawanhos olensflay hey!


Bukod sa karoling, nandyan din yung simbang gabi sa madaling araw, weird nuh, dapat simbang madaling araw. Lalo na sa simbahan namin, ang Saint Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ, ilang beses nang na-feature sa TV ang simbahan namin dahil sa tradisyunal na dekorasyon nito tuwing magpapasko, may kubo kubo pa silang nalalaman na nakapaligid sa harap ng simbahan, at yung mga nagbabantay sa mga kubo eh naka baro’t saya pa, eto ba yung tinatawag na, kinakarir? Sa mga kubo nandun yung mga paninda na iba’t ibang kakanin gaya ng puto bumbong, bibingka… uhm… basta marami pa, pag sinabing kakanin alam nyo na yun, malalaki na kayo, at syempre di mawawala ang tsaa na panulak, bottomless. Ang mga ito ang dinadayo ng mga tao sa simbahan namin bukod sa pagpi-picture taking sa mga christmas decor sa paligid ng simbahan, kahit hindi taga-Las PiƱas, kahit taga Zimbabwe. Kung mapapasyal kayo sa Las PiƱas, wag nyong kalimutang dumaan sa Saint Joseph Parish at tikman nyo yung mga kakanin dun sa mga kubo-kubo, sabihin nyo lang sa kanila yung pangalan ko… sabay ilag.

Ilan lang yan sa mga tradisyon natin tuwing pasko, marami pang iba na tinatamad na kong banggitin pa. Excited na ba kayo sa pasko? Excited na ba kayong makita yung mga kamag-anak nyo na matagal nang nahimlay nawalay dahil sa pagtatrabaho sa ibang bansa, at ngayon lang makakauwi dahil na-layoff? Excited na ba kayong makita ang mga inaanak nyo na tuwing pasko lang kayo naaalala? Excited na ba kayong tumaas ang alta presyon at sugar level dahil sa mga pag-kaing nakahanda? Excited na ba kayo sa bago nyong damit at sapatos na binili ng inyong magulang na nagtitiis sa luma nilang damit para lang mabili kayo ng bago? Excited na ba kayo sa mga regalo na binili para masabi lang na may regalo?

Kung iisipin nyo… yung pagse-celebrate ng Pasko… dapat mas higit pa sa mga bagay na nabanggit ko.

Yesssssssssss seryoso… papa-cheese burger ako!


Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.