Skip to main content

Ang balemtayms, ang happy meal at ang regalo ko ke wifey



Two days na lang balemtayms na! Malamang makakaranas tayo ng ilang small scale earthquakes come balemtayms day mula sa ating friendly motels, parang simultaneous combustion, oo aminin man natin sa hindi, ang motels  ang pinaka sikat na destinasyon tuwing balemtayms, dinaig pa nito ang Tagaytay o kaya Baguio, mas accesible kasi, yun lang naman ang pinupunto ko. Parang me wrestlemania lang o kaya UFC.


Are you ready? Lets get it on!


Yung kakilala ko nga na madalas bumisita sa mga motels eh me codename pa sila ng misis nya pag nagkayayaan sa motel, ang tawag nila dito eh "Happy Meal", para daw pwede nilang pag-usapan ang tungkol dito ng hindi nakakahiya at walang malisya, parang "Tara happy meal tayo!" ganun lang, casual na casual.


Sa totoo lang sa tanang buhay ko eh hindi pa ko nakakapasok ng motel, oo pramis peksman hope to die!  Kahit kami ni wifey hindi pa namin nasusubukan ang motel, sa hotel oo pero sa motel hindi pa. Ah nakapasok na nga pala ako ng Victoria court isang beses... pero yun eh dahil nag-shoot kami... i mean nag photo shoot kami ng kakainin... i mean mga pagkain... ire-rephrase ko na lang, nag punta kami sa Victoria court dahil nagphoto-shoot kami ng mga pagkain, ayun, wheew. 


Me promo kasi silang free breakfast or lunch or dinner if nag stay ka ng more than three hours, nalaman ko yun dahil sa naging project namin ito pero hindi dahil suki ako dun ok, nililinaw ko lang. Puro Filipino cuisine pa nga ang mga available sa kanila gaya ng nilaga, sinigang, kare-kare, adobo tsaka yung spaghetti na matamis yung sauce, pinoy style. Iniisip ko lang, hindi kaya ma-empacho yung mga nagiistay dun? Kakakain lang tapos kakain nanaman LOL! Ngayon lang nagkakaroon ng sense sa akin yung codename na "happy meal" nung kaibigan ko.


Nagtataka lang ako kung bakit me 'court' pa sa dulo yung Victoria, o kaya yung ibang motels me 'court' din na karugtong yung pangalan nila. Alam ko kasi pag court, 'hukuman' sa tagalog or court sa sports gaya ng 'basketball court' kung saan naglalaro ng basketball... basketball?... aaaaaahhhhhh (with eyes wide open) alam ko na kung bakit nila nilalagyan ng 'court' sa huli ng pangalan nng motel!


Minsan na cu-curious ako kung ano ang itsura ng loob ng mga kwarto sa motel, uso pa naman ngayon yung themed rooms di ba, kasama kaya costumes dun tsaka props? Yung tipong pag cowboy theme me cowboy hat tapos meron din cowboy booths with matching pistols and ropes, kung fairytale theme dapat merong gown yung princess, tapos merong crowns and swords yung prince, kung creation of the world naman dapat merong... uhm... ano ba meron sila Adam and Eve noon bukod sa ahas?


Anyways bukod sa themed rooms eh malamang andyan pa rin yung iconic rooms with mirror ceiling, kung para saan yung mirros ceiling eh gaya nyo hindi ko rin alam, siguro para pag natutulog kayo tapos nagising kayo in the middle of the night pwede nyong ayusin yung buhok tsaka yung pajamas nyo, kung may suot man kayo, right there and then or sa babae pwedeng mag re-touch ng makeup kahit nakahiga, oo tama, siguro ganun nga ang purpose nun. Kung ano

 pa ang meron sa loob ng motels eh di ko na alam, kayo alam nyo ba? Kung gusto nyo magbuo tayo ng grupo tapos magkaroon tayo ng field trip sa iba't ibang motels, parang Lakbay Diwa lang, sino gusto sumama? PM nyo lang ako.


Oh well, so much for motels, kung tutuusin naman balentayms is about 'love' and not 'making love' only. Sa mga  mag kasing-irog enjoy balemtayms, sa mga single, bakit single pa kayo? pagppray-over ko na lang kayo na sana dumating na ang 'tunay na pag-ibig' nyo. Maswerte ako si wifey andito lang, lagi kong kasama, kaya nga sa balemtayms me surprise ako sa kanya, nung tinanong ko kasi sya kung ano gusto nya ok lang daw flowers, any flower basta puti, tapos dadagdagan ko na lang ng chocolates, tiyak mas matutuwa yun, very classic yung gift ko, o sya tama na to babalutin ko pa yung surprise gift ko ke wifey... wink wink



Comments

  1. hehhe happy puso sa inyo ni wifey! =) answeet naman ng gift mo!!!

    ReplyDelete
  2. pwede pong sumama sa fieldtrip? hak! ahhahahaha curious din po e. saka gano po kalaki yung sakop ng praying hands niyo? hahahaha

    ReplyDelete
  3. wow! napaka-cool nam gifts mo! panalo yung whiteflower!

    ReplyDelete
  4. hahahaha ganda ng gift,napakapractical :)

    ReplyDelete
  5. =))
    gudlak po sa gift ! ahahaha !!
    sama po ko sa piltrip :D

    ReplyDelete
  6. hehe mas maganda gift sa inyo... congrats sa baby!

    ReplyDelete
  7. baka ako din gumamit nyan if things don't go as planned ehehehe

    ReplyDelete
  8. haha naka pulot ka na ng magandang linya! : ))

    ReplyDelete
  9. ah hehe cge kasama ka na sa mga pagppray over ko...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...