Skip to main content

Bakit mahirap hanapin ang tunay na Pag-Ibig? (Directors Cut)




Since malapit na ang balemtayms minabuti  kong magsulat ng tungkol sa pag-ibig (uli). Oo 'pag-ibig' na syang nagpapaikot sa mundo maliban sa pera. Yung isang kaibigan ko kasi hanggang ngayon eh hindi pa nag-aasawa dahil hindi pa daw nya nakikita ang kanyang 'one true love', paano kung dumating yun tapos 80 years old na sya? Kung aabot sya ng ganung edad, sa panahon pa naman ngayon maraming namamatay ng maaga dahil sa Gagambino recession. Nakakapagtaka kung bakit para sa ibang tao napaka-hirap makita o hanapin ang pag ibig... segue ko lang yan sa kwento ko... nakapulot kasi ako ng kwento mula sa isang matandang babae na tawagin na lang natin na uhmm... 'matandang babae' (peace tayo mheng hehe)... meron kasi syang kwento na kahit alam kong fiction eh it makes sense naman sa huli, narito ang aking version ng kanyang kwento 


("Maala-ala Mo Kaya" music fade-in with twinkling effects)...




Noong unang panahon, gaya ng simula ng maraming kwento, wala daw 'tunay na pag-ibig' sa mundo, hindi pa sya uso. Ang alam lang ng mga tao, ang 'tunay na pag-ibig' ay sanhi ng pagpo-produce ng katawan ng Dopamine, Morepinephrine, Serothin at nerve growth factors (see Fig. 1). 





















Nakita ni Papa Lord na hindi masaya ang mga tao at wala silang pakialam sa isa't isa, kumbaga sa YM laging naka 'Busy' mode ang status. Kaya minabuti ni Papa Lord na bigyan ng 'tunay na pag-ibig' ang lahat ng tao. Isinaboy nya ang 'tunay na pag-ibig' sa balat ng lupa at lahat ng tao ay nagkaroon nito. Noong una naging masaya lahat, natuwa ang mga tao sa bagong emosyon na nararamdaman nila. Nagkaroon na sila ng malasakit sa isa't isa. Lagi nang 'Available' ang status nila sa YM kung kaya't nasiyahan din si Papa Lord sa kanyang nakita.


Ngunit di nagtagal nagsimulang abusuhin ng tao ang 'tunay na pag-ibig', naging dahilan ito ng inggit at selos at humantong sa pag-gawa nila ng masama sa kanilang kapwa at naging dahilan din ito para magkaroon ng mga ganitong klase ng linya sa pelikulang pinoy...


Alice: “Ate, mamatay ako pag kinuha mo sa akin si Alex.”

Lorna: “Ipalilibing kita!”

Alice: “Ate please.”

Lorna: “Nu’ng inagaw mo sa akin si Alex, muntik na rin akong mamatay. Ngayon naagaw ko na siya sa ‘yo, ikaw naman ang mamatay!”


-Alice Dixson and Lorna Tolentino, “Nagbabagang Luha”


Hindi iyon nagustuhan ni Papa Lord, cheesey masyado, kaya agad nyang binawi ang 'tunay na pag-ibig' mula sa mga tao dahilan para muling malungkot ang lahat lalo na ang mga may-ari ng motels.



The end.



joke lang...



Sinabi ni Papa Lord sa kanila, "Pasaway kayong lahat! Mula ngayon, kung gusto nyong magkaroon ng 'tunay na pag-ibig', kailangan nyo na itong hanapin at paghirapan! Gets nyo?!!" Kung kaya't ang ginawa ni Papa Lord ay inilagay ang 'tunay na pag-ibig' sa pinaka mataas na bundok sa lupa, ang Chocolate Hills Mt. Everest. Ngunit kahit gaano pa kahirap ang pag-akyat sa bundok ay pinilit pa rin ng mga tao na makaakyat para makuha ang pinaka mimithing 'tunay na pag-ibig'.


Ngunit ganun pa rin ang nangyari, matapos makuha ay inabuso pa rin ng tao ang 'tunay na pag-ibig' at nagkaroon uli ng mga linyang ganito sa pelikulang pinoy...


“Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain.”

-Vilma Santos, “Palimos ng Pag-ibig”


... kung kaya't binawi uli ni Papa Lord ang 'tunay na pag-ibig' at itinago sa pinaka malalim na dagat sa pag aakalang hindi na ito muling makukuha ng mga tao. Ngunit taliwas sa akala ni Papa Lord, gaya ng nauna, ito ay madali pa ring nakuha ng mga tao, at lahat ay nagkaroon pa rin ng 'tunay na pag-ibig'. Sa huling pagkakataon, inabuso pa rin ng mga tao ang 'tunay na pag-ibig' at lumabas pa ang iba't ibang telenobela, meksikanobela at koreanobela sa TV, dahilan upang magalit na ng husto si Papa Lord. 


Kinuha nya muli ang 'tunay na pag-ibig' sa mga tao at nag-isip ng malalim kung saan nya ito itatago, at matapos ang mahabang pag-iisip napagpasyahan nyang gumawa ng duplicate, gumawa sya ng 'pag-ibig' na ibinigay sa lahat ng tao pero ang 'tunay na pag-ibig' ay itinago nya sa "PUSO" ng bawat tao (see Fig. 2). 


















Sa puso natin lahat nilagay ni Papa Lord ang "tunay na pag-ibig", na kung saan ang tanging makakahanap lamang ay ang mga taong may malinis na hangarin, busilak na kalooban at uhmm... healthy. 


Simula noon bawat tao ay nahirapan nang hanapin ang "tunay na pag-ibig". And we live not so happily ever after...


The end.


totoong the end na yan pramis natatae na ko.


("Maala-ala Mo Kaya" music fade-out)



Comments

  1. hahaha! :P ayus itong pag-ibig post mo!

    happy merry jolly valentines! ;) may the tunay na pag-ibig always be with you!

    ReplyDelete
  2. advance happy balemtyms sa nyo ni mama novs. comment lang bat ang weird ng face ng figure 1. hehehe ganyan ba ang itsura kapag me tunay na pag-ibig? wahehehe

    ReplyDelete
  3. happy puso sau sir and kay misis.. ;)

    sensya ka na ha nagiging demanding ako eh.. next post kagad ah? heheh..

    ReplyDelete
  4. asus ganyan din itsura mo nung nainlove ka ke jon eh hwehehehehe advance happy balemtayms din sa inyo ni jon

    ReplyDelete
  5. haha ok lang... hapi balemtayms din sa inyo ni manong mo :)

    ReplyDelete
  6. walastik...galing talaga
    nauutot ako kakatawa..

    Pag-ibig oh pagibig..
    sabi nila,
    pero sabi lang nila yun,
    pedeng pakisabi nalang dahil wala rin akong masabi..:D

    ReplyDelete
  7. hehe ang baliw po :} hapi balemtayms po!

    ReplyDelete
  8. haha salamat... o pag-ibig talaga naman

    ReplyDelete
  9. haha ang bait tlaga ni papa Lord.hapi balentayms senio! :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...