Di pa siguro natatanggap ni ermats na nasa kalagitnaan na ko ng aking adulthood kaya nagugulat pa rin sya tuwing nakikitang mahaba na ang tubo ng bigote ko, "Mr swabe ikaw ba yan?!" sabay tawa, asar talo ako lagi, di ko naman pwedeng patulan dahil sya ang nag-isponsor ng pag-laki ko kaya tamang pasensya na lang.
Ano naman magagawa ko kung automatic tumutubo ng 1mm ang bigote ko everyday, kahit kaka-ahit ko lang kinabukasan meron uli, ayoko namang mag-clean shave" dahil mukha daw akong bading. Meron kasi talagang lalaki na hindi bagay ang walang bigote, meron din namang tao na masagwa ang may bigote lalo na sa babae, kwidaw ka nga daw pag yung jowa mo me beard marks hehe.
Once a week lang ako kung mag rough shave then the rest of the week pinababayaan ko nang tumubo yung bigote ko, di naman sya natubo ng mahabang mahaba, actually very discreet pa ngang maituturing yung tubo ng bigote ko kumpara sa iba, enough lang siguro para magmukha akong pogi lalaki. Naalala ko nung nag-clean shave ako, buhay pa si Fender nun yung aso namin, pag pasok ko sa bahay tinahulan nya ko at after pa ng ilang segundo saka nya na-realize na amo nya pala ako, akala nya siguro kung sinong artista. Mukhang bading, totoy, pastor, ilan lang yan sa mga tinatawag sa kin pag nag-clean shave ako, kaya mula noon sinumpa ko na na hinding hindi na ko manonood ng DaisySyete magki-clean shave.
Sa ibang bansa usong-uso ang may bigote, yung mga classmate ko nga dati na nag trabaho sa Saudi eh nagpatubo pa ng bigote at balbas para makaiwas daw sa mga arabong mahilig sa clean shaved males. Sa India din at ilang bahagi ng Europe uso rin ang pagpapatubo ng bigote at balbas. Dito sa atin nagiging part na rin ng fashion statement ang pagkakaroon ng bigote para sa mga males ansagwa naman kung pati females, hindi lang hair styles ang pinagka-kaabalahan ngayon pati na rin ang mga bigote't balbas. Iba-iba na nga ang ayos at itsura, depende na rin sa identity ng taong nagdadala. At akalain mong meron pa akong visual aid para maging malinaw ang sinasabi ko... pasensya na kayo di ko masyadong napaghandaan ang entry na to...

Ilan lang yan sa mga nausong style ng bigote dito sa atin, pampadagdag macho look daw, plus pogi points? Iba iba rin naman kasi ang type ng mga gurls. Pero ako sa katamaran lang mag shave talaga kaya ko hinahayaang tumubo ang bigote ko, kaya nga naaasar ako ke nanay pag tinatawag nya akong Mr Swabe dahil hindi ko naman iniisip na mas gagandang lalaki ako pag may bigote, di ko ginamit tong bigote sa pagpapakyut at never naman akong nag pakyut.
Peksman.

Winner!!!! rock&roll!!! ;D
ReplyDeleteHahah! Yung asawa ko sir nangangarap magkabigote.. Wala talaga eh.. Kahit buhok sa binte wala. Pagnkita ka nun ingget sayo yun..
ReplyDeletehaha \m/
ReplyDeletewow wala syang buhok sa binte? pagnakita yun ni wifey inggit si wifey ko sa kanya haha
ReplyDeletenever hahaha. yung uncle ko po nung nasa Saudi siya dapat may balbas para iwas rape haha soshal.
ReplyDeleteswabe ka sa pag-amin na pogi ka ah!
ReplyDeletehanep sa japan japan pose..hahahaha
ReplyDeleteSecret lang to sir mejo green nga lang hehehe (pagkadaw may balbas or bigote ang lalake wala daw tiwala sa di*a)
hahahahahaha, ang ganda with matching maharot na pose
ReplyDeletehaha oo nga ginagawang defense mech yung balbas sa middle east : ))
ReplyDeletehehe sabi po kasi ng nanay ko
ReplyDeletehaha mo comment hwehehehe
ReplyDeletehehe o nga ngayon ko lang napansin mukha pa la akong bading
ReplyDelete