Skip to main content

Pag nakausap ko si Erno Rubik eto ang sasabihin ko sa kanya...









Ilang bata na ang nakikita ko sa amin na nagu-umpukan at aliw na aliw sa Rubik's cube, nagpapabilisan pa sila sa pag solve kasama ang asaran at kantyawan, naisip ko, wala na ba talaga silang magawa kaya napagdiskitahan na lang nila ang Rubik's cube? Pwede naman silang mag kara krus or something. Nauso uli ang laruan na ito dito sa atin simula nung mapanood sa Amazing Race Asia kung saan ginamit ito bilang isa sa mga task na kailangang gawin ng contestant bago makapunta sa next destination. Nakaka-amaze na hindi nakaka-amaze ang pagsolve ng mga bata sa Rubik's Cube, nakaka-amaze dahil ang bilis nilang ma-solve ang puzzle parang maning-mani na sa kanila at di na nila kailangan pang gumamit ng algorithms. Sa isang banda, hindi rin naman nakaka-amaze dahil hindi naman ikabubuti ng personal life nila ang Rubik's cube.


Sa totoo lang sa tanang buhay ko, di ko pa nasusubukang makapagsolve ng isang Rubik's cube, ni hindi ko mapagtyagaan maglaro nito, mas marami pa kong mas importanteng bagay na gagawin kesa maglaro nito, gaya ng pagp-PSP. Ayon sa aking pagsasaliksik ang Rubik's cube pala ay inimbento ng isang geek Hungarian sculptor at architecture professor noong 1974 na si Erno Rubik, hence the name Rubik's cube. Siguro naman nakalaro na kayo ng Rubik's cube once in your life, yung mga batang kalye sa amin kayang mabuo ang cube within 40 seconds! Parang isang irihan lang pag nagpupu, ayon uli sa aking pagsasaliksik eh matagal na oras pa yang 40 seconds na yan kumpara sa record holder na si Erik Akkersdijk na na-solve ang 3x3x3 Rubik's cube within 7.08 seconds last year, sya rin ang naghohold ng record sa 4x4x4 cube na na-solve nya within 11.28 seconds also last year. Siguro nung nagsabog sa mundo ng pagka nerdy at geekiness sya lahat sumalo.


Madali lang pala masolve ang Rubik's cube kung tutuusin, kailangan mo lang sundin ito...


The original (3×3×3) Rubik's Cube has eight corners and twelve edges. There are 8! (40,320) ways to arrange the corner cubes. Seven can be oriented independently, and the orientation of the eighth depends on the preceding seven, giving 37 (2,187) possibilities. There are 12!/2 (239,500,800) ways to arrange the edges, since an odd permutation of the corners implies an odd permutation of the edges as well. 

Eleven edges can be flipped independently, with the flip of the twelfth depending on the preceding ones, giving 211 (2,048) possibilities.




There are exactly 43,252,003,274,489,856,000 possibilities, which is approximately forty-three quintillion moves.


Hindi ko rin alam kung maiintindihan yan ng mga bata sa amin pero di ko rin maintindihan kung paano nila nasosolve ng ganung kabilis ang Rubik's Cube at mas lalo kong hindi maintindihan kung anong benefit ang makukuha nila once na-solve nila ang Rubik's cube, sa ngayon nga meron pang iba-ibang variations ang Rubik's cube competition. Merong magsosolve ng naka blindfold, merong isang kamay lang gagamitin o kaya paa naman ang gagamitin, meron ding mag sosolve sa ilalim ng tubig! Kung gusto mong malaman kung saan madalas magtipon-tipon ang mga nerdies of the world, isa na siguro dito ang World Speedcubing competition.


Matindi itong naimbento ni Erno Rubik, akalain mong tumagal ng ilang henerasyon yung inimbento nya, bihira yang ganyang imbensyon, para syang Thomas Edison nung ginawa nya ang light bulb, hanggang ngayon meron pa rin. Kaya naman pinapangarap ko ring makaharap at makausap itong si Erno Rubik, at pagnakausap ko sya sa personal sasabihin ko sa kanya ng walang pagaalinlangan at walang kagatul-gatol na...


"Thanks for ruining Christmas '87 Erno! All I ever wanted was a G.I.Joe action figure but no thanks to you, all i got was a cube! A f*cking cube!"



Comments

  1. Hahaha! as always...panalo sir rick!

    "Thanks for ruining Christmas '87 Erno! All I ever wanted was a G.I.Joe action figure but no thanks to you, all i got was a cube! A f*cking cube!" - hahaha! rock&roll!!! :D

    ReplyDelete
  2. may sinasaulo pong chenes na dapat pagtapatin tapos sobrang dali nalangdaw po nun. nasa net din po yun. hahaha daya nung mga kaklase ko nung HS. korni para sakin yung cube kase di po ako madunung hek :}

    ReplyDelete
  3. well.. bata pa lang ako naglalaro na ko nyan.. and sa hindi ko malamang dahilan ngayun ko lang nalaman na ang pangalan pala nyan eh rubik's cube..

    salamat sa info ah? ehheheh kawawa nman ako..

    ReplyDelete
  4. haha parang Ewan McGregor lang sa Trainspotting hehe

    ReplyDelete
  5. pagnakita ko yang si Erno i'll shove that cube up his arse! di pa ko nakaka move on since Xmas 87 hehe

    ReplyDelete
  6. hahaha! mayron ka palang rubiks-bitterness

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.