Skip to main content

Ayoko nang maging ROCKSTAR!



"Ang gusto ko lang naman eh magkaroon lang ako ng pambayad sa tubig saka sa ilaw."


Yan yung sinabi ng isang artist/sculptor/musician na kaibigan namin nung magkausap kami sa isang opening ng exhibit. Itago na lang natin sya sa pangalang 'Bogart'. Halatang nakainom na si Bogart kaya madali para sa kanya na maglabas ng sentimyento sa buhay na kadalasan napakahirap ilabas pag nasa tamang katinuan ka pa at wala pang halong alcohol ang bloodstream sa katawan mo.


Hindi pa ata sya sanay sa mga dumating sa kanyang mga opportunities, mga commissioned works, auctioned artpieces, exhibits abroad (US) lalo na sa prestihiyosong MoMA sa New York. Iisa lang ang tinutumpok ng lahat ng yan, ibig sabihin madami syang pera at dadami pa...


"Put@#$%na! ayoko nang maging rockstar!" pabulalas na sabi nya. 


"Ang gusto ko lang naman eh magkaroon lang ako ng pambayad sa tubig saka sa ilaw." inulit lang nya yung sinabi nya kanina, 2nd sign ng pagkalasing... inuulit na yung sinasabi.


Nagtataka lang ako kung bakit nya ni-label ang sarili nya na 'rockstar'? Sabagay may similarities naman ang isang sikat na artist saka isang sikat na rocker... pareho silang 'major corporate sell out' ... hiniram ko lang ke Kurt Cobain yang quote na yan hehe.


Medyo pressured daw kasi sya at meron syang March 12 deadline para sa 6 na sculptures na tig 8ft ang laki bawat isa, March 7 kami naguusap nun, at dalawa pa lang ang nagagawa nya, so meron pa syang 5 days para gawin yung apat, kung paano nya gagawin yon eh di ko alam, baka manjikin nya siguro.


Kaya naman pala ganun na lang ang paghihimutok nya eh, sobrang nakaka-pressure nga yung pinasok nya, nag suggest ako na kumuha na lang sya ng apprentice pero ayaw nya, "Wala kasing formula yung ginagawa ko eh, lahat by chance kaya mahirap kumuha ng katulong dahil ako mismo sa sarili ko di ko rin alam yung kalalabasan ng ginagawa ko." paliwanag nya sa min. May punto nga naman sya dun, paano mo nga naman ituturo sa ibang tao yung bagay na ikaw mismo hindi mo pa rin alam, kaya no choice sya kundi gawin yun lahat ng mag-isa.


When it rains, its four it pours talaga para ke Bogart, parang kailan lang isa sya sa mga artist na matatawag nating struggling na nagtitinda lang ng kung anu ano just to get by, pero ngayon naman nung dumating ang opportunity sa kanya, sya na umaayaw. Wala syang bukam-bibig nung gabi na yun kundi "Ayoko nang maging rockstar!" Wala naman kaming masagot sa kanya kundi tumawa lang, kung hihingi nga kami sa kanya ng pera nung time na yun bibigyan nya kami, seryoso, walang biro, ganun sya ka-galante, yung taxi na sinakyan nya papunta sa gallery willing na maghintay sa kanya ng isang oras at ihahatid pa sya sa Trece Martires sa Cavite, so imagine nyo na lang kung magkano binigay nya dun sa taxi driver para mauto nya ng ganun, money talks talaga.


Pero kung titingnan mo, para din naman syang kumuha ng batong ipupukpok sa sarili nya dahil ngayon eh di nya malaman ang gagawin, samantalang ang gusto lamang pala nya eh magkaroon lang ng pambayad sa ilaw at tubig, pero ngayon kahit kuryente't tubig pa ng kapitbahay nila kayang kaya na nyang bayaran, pero ang kapalit naman eh ang pagkait sa kapayapaang pansarili na ngayon ay hinahanap hanap nya... kung saang libro ko nakuha yung katagang yun eh nalimutan ko na. 


Yung dati kasing simpleng pangarap nya na makilala at magkaroon ng pera, ngayon ay nagkatotoo na pero at what price? Sana nakinig na lang sya sa Pussycat Dolls nung sinabi nila na...


"Be careful what you wish for coz you just might get it


you just might get it


you just might get it"


(repeat 10x til fade)




Comments

  1. Siguro nga sir may kapalit lahat ng mga bagay-bagay o pangyayari sa buhay ng isang tao...somehow to keep things balanced na din...That's life I guess...

    ReplyDelete
  2. MoMA? asteeg yun ser! I enjoyed reading this.. nice perspective on things..

    ReplyDelete
  3. kuya rick, kilala ko itong nasa blind item mo hahah!

    ReplyDelete
  4. panalo to.. "(repeat 10x til fade)" hehehehe..

    katuwa tong post na to.. :D

    ReplyDelete
  5. pag walang trabaho namomroblema...pag meron trabaho namomroblema. mas gusto ko na yung namomroblema dahil sa trabaho kesa wala.

    ReplyDelete
  6. tama! I agree. pero gudluck nga sa knya. Aja! yaka mo0 yan pards...

    ReplyDelete
  7. pagppray over na lng kita. alam mo nmn malakas akong magdasal :)

    ReplyDelete
  8. Ipagdadasal na lang kita (di ba kuya, bka makatulong malakas namn ako mgdasal eh)

    ReplyDelete
  9. nakup in 5 days? tulungan mo nga ser? hhihi

    ReplyDelete
  10. sabi nga di ba... life is like a rock, its hard...

    ReplyDelete
  11. im sure kilala mo yan hehe tatoo pa lang

    ReplyDelete
  12. oo pinoy talaga, sala sa init sala sa lamig

    ReplyDelete
  13. oo baka makatulong ang prayers mu hehe, nagho-home visit ka ba? hehe

    ReplyDelete
  14. ayaw nyang mag patulong eh, soloista...

    ReplyDelete
  15. haha, 100% sure! i know him! mukhang rockstar na rockstar na sha ah!

    ReplyDelete
  16. hwaaa.. gusto ko rin kasi marating yun eh! kung nagawa ni Ryan McGinley kaya ko den, at kung nagawa ng friend mu, kaya ko den! ehehe.. *pussycat dolls playin gin the background*

    ReplyDelete
  17. haha are you sure we're talking of the same guy here?

    ReplyDelete
  18. maganda yang fighting spirit mo... o nga pala alumni din ng TUP yung tropa ko na yan...

    ReplyDelete
  19. yung name niya may letter L di ba? hahah

    ReplyDelete
  20. wow pwede bang pakisabi pakibayaran narin nya bill ng kuryente namin hehe:)

    ReplyDelete
  21. pede din... taga cavite ka ba? hehe

    ReplyDelete
  22. hahaha ndi e,taga las piƱas, malapit lang naman ang pagitan ok na yun:)

    ReplyDelete
  23. ako taga-cavite!!! ahaha.. makakuha nga ng tips..

    ReplyDelete
  24. sa may manuyo dos,basta sa gatchalian pero mas malapit ang daan namin sa paraƱaque,payag na ba siya?hehe:)

    ReplyDelete
  25. wow uso palang tumira sa manuyo e,hehe, malapit lang tayo sa bawat isa:)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.