
"Ang gusto ko lang naman eh magkaroon lang ako ng pambayad sa tubig saka sa ilaw."
Yan yung sinabi ng isang artist/sculptor/musician na kaibigan namin nung magkausap kami sa isang opening ng exhibit. Itago na lang natin sya sa pangalang 'Bogart'. Halatang nakainom na si Bogart kaya madali para sa kanya na maglabas ng sentimyento sa buhay na kadalasan napakahirap ilabas pag nasa tamang katinuan ka pa at wala pang halong alcohol ang bloodstream sa katawan mo.
Hindi pa ata sya sanay sa mga dumating sa kanyang mga opportunities, mga commissioned works, auctioned artpieces, exhibits abroad (US) lalo na sa prestihiyosong MoMA sa New York. Iisa lang ang tinutumpok ng lahat ng yan, ibig sabihin madami syang pera at dadami pa...
"Put@#$%na! ayoko nang maging rockstar!" pabulalas na sabi nya.
"Ang gusto ko lang naman eh magkaroon lang ako ng pambayad sa tubig saka sa ilaw." inulit lang nya yung sinabi nya kanina, 2nd sign ng pagkalasing... inuulit na yung sinasabi.
Nagtataka lang ako kung bakit nya ni-label ang sarili nya na 'rockstar'? Sabagay may similarities naman ang isang sikat na artist saka isang sikat na rocker... pareho silang 'major corporate sell out' ... hiniram ko lang ke Kurt Cobain yang quote na yan hehe.
Medyo pressured daw kasi sya at meron syang March 12 deadline para sa 6 na sculptures na tig 8ft ang laki bawat isa, March 7 kami naguusap nun, at dalawa pa lang ang nagagawa nya, so meron pa syang 5 days para gawin yung apat, kung paano nya gagawin yon eh di ko alam, baka manjikin nya siguro.
Kaya naman pala ganun na lang ang paghihimutok nya eh, sobrang nakaka-pressure nga yung pinasok nya, nag suggest ako na kumuha na lang sya ng apprentice pero ayaw nya, "Wala kasing formula yung ginagawa ko eh, lahat by chance kaya mahirap kumuha ng katulong dahil ako mismo sa sarili ko di ko rin alam yung kalalabasan ng ginagawa ko." paliwanag nya sa min. May punto nga naman sya dun, paano mo nga naman ituturo sa ibang tao yung bagay na ikaw mismo hindi mo pa rin alam, kaya no choice sya kundi gawin yun lahat ng mag-isa.
When it rains, its four it pours talaga para ke Bogart, parang kailan lang isa sya sa mga artist na matatawag nating struggling na nagtitinda lang ng kung anu ano just to get by, pero ngayon naman nung dumating ang opportunity sa kanya, sya na umaayaw. Wala syang bukam-bibig nung gabi na yun kundi "Ayoko nang maging rockstar!" Wala naman kaming masagot sa kanya kundi tumawa lang, kung hihingi nga kami sa kanya ng pera nung time na yun bibigyan nya kami, seryoso, walang biro, ganun sya ka-galante, yung taxi na sinakyan nya papunta sa gallery willing na maghintay sa kanya ng isang oras at ihahatid pa sya sa Trece Martires sa Cavite, so imagine nyo na lang kung magkano binigay nya dun sa taxi driver para mauto nya ng ganun, money talks talaga.
Pero kung titingnan mo, para din naman syang kumuha ng batong ipupukpok sa sarili nya dahil ngayon eh di nya malaman ang gagawin, samantalang ang gusto lamang pala nya eh magkaroon lang ng pambayad sa ilaw at tubig, pero ngayon kahit kuryente't tubig pa ng kapitbahay nila kayang kaya na nyang bayaran, pero ang kapalit naman eh ang pagkait sa kapayapaang pansarili na ngayon ay hinahanap hanap nya... kung saang libro ko nakuha yung katagang yun eh nalimutan ko na.
Yung dati kasing simpleng pangarap nya na makilala at magkaroon ng pera, ngayon ay nagkatotoo na pero at what price? Sana nakinig na lang sya sa Pussycat Dolls nung sinabi nila na...
"Be careful what you wish for coz you just might get it
you just might get it
you just might get it"
(repeat 10x til fade)
Siguro nga sir may kapalit lahat ng mga bagay-bagay o pangyayari sa buhay ng isang tao...somehow to keep things balanced na din...That's life I guess...
ReplyDeleteMoMA? asteeg yun ser! I enjoyed reading this.. nice perspective on things..
ReplyDeleteparang kilala ko ito ah! hahah
ReplyDeletekuya rick, kilala ko itong nasa blind item mo hahah!
ReplyDeletepanalo to.. "(repeat 10x til fade)" hehehehe..
ReplyDeletekatuwa tong post na to.. :D
pag walang trabaho namomroblema...pag meron trabaho namomroblema. mas gusto ko na yung namomroblema dahil sa trabaho kesa wala.
ReplyDeletetama! I agree. pero gudluck nga sa knya. Aja! yaka mo0 yan pards...
ReplyDeletepagppray over na lng kita. alam mo nmn malakas akong magdasal :)
ReplyDeleteIpagdadasal na lang kita (di ba kuya, bka makatulong malakas namn ako mgdasal eh)
ReplyDeletenakup in 5 days? tulungan mo nga ser? hhihi
ReplyDeletesabi nga di ba... life is like a rock, its hard...
ReplyDeleteMoMA eh... parang beat that hehe
ReplyDeleteim sure kilala mo yan hehe tatoo pa lang
ReplyDeletehehe salamat!
ReplyDeleteoo pinoy talaga, sala sa init sala sa lamig
ReplyDeleteoo baka makatulong ang prayers mu hehe, nagho-home visit ka ba? hehe
ReplyDeleteayaw nyang mag patulong eh, soloista...
ReplyDeletehaha, 100% sure! i know him! mukhang rockstar na rockstar na sha ah!
ReplyDeletehwaaa.. gusto ko rin kasi marating yun eh! kung nagawa ni Ryan McGinley kaya ko den, at kung nagawa ng friend mu, kaya ko den! ehehe.. *pussycat dolls playin gin the background*
ReplyDeletehaha are you sure we're talking of the same guy here?
ReplyDeletemaganda yang fighting spirit mo... o nga pala alumni din ng TUP yung tropa ko na yan...
ReplyDeleteyung name niya may letter L di ba? hahah
ReplyDeletewaw! asteeg, TUPian!
ReplyDeletewow pwede bang pakisabi pakibayaran narin nya bill ng kuryente namin hehe:)
ReplyDeletekoooreeeek (Kris Aquino tone...)
ReplyDeletepede din... taga cavite ka ba? hehe
ReplyDeletehahaha ndi e,taga las piñas, malapit lang naman ang pagitan ok na yun:)
ReplyDeleteako taga-cavite!!! ahaha.. makakuha nga ng tips..
ReplyDeleteapir! (ruffa guttierez)
ReplyDeletewhoa san ka sa las piñas?
ReplyDeletedrinking tips? hehe
ReplyDeletehaypayb!
ReplyDeletesa may manuyo dos,basta sa gatchalian pero mas malapit ang daan namin sa parañaque,payag na ba siya?hehe:)
ReplyDeletepwede rin.. ehehe..
ReplyDeletemanuyo uno lang ako eh hehe
ReplyDeletewow uso palang tumira sa manuyo e,hehe, malapit lang tayo sa bawat isa:)
ReplyDelete