Skip to main content

Think about direction wonder why you haven't before


Sobrang hina ko sa direction, sinampal pa sa akin yang katotohanang yan nung last last sunday lang, pumunta kami nila grace and abi sa cubao para bisitahin ang Boston gallery, mula Kamuning nag cab na kami para di na kami maligaw, pero sablay pa din. Ang galing pa ng taxi driver, pinagpipilitang alphabetically arranged yung pangalan ng mga streets, sabi nya baka nasa dulo daw yung Boston kasi nasa New York kami letter 'N' pa lang daw kami so malayo pa yung 'B' for Boston, pinalaki sya siguro ng kanyang magulang na kulang sa iodine. Hindi rin nakakatulong yung mga tao sa paligid, yung magbabalot tinanong namin, tinanong naman nya yung nagtitinda ng yosi na katabi nya, tapos yung nagtitinda ng yosi binalik lang yung tanong sa kanya, tapos nagtanungan sila, kaya kami nakahalata na wala kaming mahihita sa kanila kaya umalis na kami at iniwan silang nagtatalo at medyo nagaambaan na. Yung dalawang nagliligawan naman hindi pa kami natatapos makapagtanong 'hindi' na agad yung sagot nila, ayaw ata pa-istorbo, tanghaling tapat nagliligawan sa tapat pa ng sari-sari store, that is so third world. Saka yung tricycle driver na telebabad sa celfone, tatanungin sana namin kaya lang kausap ata jowa nya hindi na namin tinanong kasi mukhang heart to heart yung usapan nila. Lahat sila hindi din nila alam kung saan ang Boston street, hindi nakakapagtakang maraming naliligaw sa Pilipinas.


Kaya ako aliw na aliw ako pag binabasa ko yung pinaka peborit kong libro, yung Metro Manila CitiAtlas, nakikita ko kasi yung iba't ibang lugar tapos tine-trace ko kung manggagaling ako sa amin paano ako pupunta sa iba't ibang lugar na yun, ginagawa ko nang hobby ang pag browse ng mga mapa. Minsan nga pag me bago akong kakilala automatic yung question ko na 


"taga saan ka?" 


tapos pag hindi ako familiar sa lugar na sinabi nya, parang ansarap ilabas nung CitiAtlas tapos hanapin sa mapa yung lugar. O kaya naman minsan pag sinabi nya kung taga saan sya tapos pamilyar ako sa lugar dahil nakita ko na sa CitiAtlas medyo mayabang pa dating ko minsan, sasabihin ko pa 


"Ahhhh! yan ba yung malapit sa (insert name of place here)? sa may (insert street name here)? Malapit kayo sa bahay nila (insert imaginary name of neighbor here)? Kilala mo si (insert gawa-gawang name ng tao here)?" 


kahit hindi ko pa naman napupuntahan yung lugar eh akala mo dun ako pinanganak at lumaki sa yabang ng pagdedetalye dahil lamang nakita ko na sa mapa.


Si sir ross, yung boss ko, nakakahanga, kahit ata ilagay mo sa isang labyrinth yun makakalabas at makakalabas pa rin, pag pumupunta kami sa iba't ibang lugar madami syang dinadaanang pasikot sikot na kalye pero dun pa rin sa pupuntahan naming lugar ang bagsak namin, hindi kami naliligaw, hindi ko alam kung paano nya natatandaan yung mga short cuts na yun pero kakaiba ang  talento nyang yun, malamang siguro eh dahil na rin sa experience nya, yung first job nya kasi nung bata-bata pa sya eh draftsmen, at isa sa mga ginagawa nya eh mga mapa ng kalsada, so its either that or isa syang taxi driver nung past life nya, para syang may GPS sa utak, gagayahin ko sya pag laki ko.


Malaking tulong talaga ang mapa dahil alam ko hindi lang ako ang tatanga-tanga walang sense of direction sa mundo, alam ko rin na may mas tanga mahina pang kumapa ng direction kesa sa akin. Sa malls na lang, pagbungad na pagbungad mo sa entrance naroon kaagad yung floor plan map ng mall para malaman mo agad kung saan matatagpuan yung iba't ibang stores, ang kahanga-hanga pa eh makikita mo yung maliit na red dot dun sa map tapos me nakalagay na "You are Here", ang galing talaga nun, mantakin mo alam agad nila kung nasaang parte ka nakapwesto sa mall. Yung kapitbahay nga namin balak kong bigyan ng mapa sa birthday nya, madalas ko kasing marinig yung ermats nya pag pinapagalitan sya na lagyan daw nya ng direksyon yung buhay nya. Na-gets nyo? mapa=direction?Epekto yan ng panonood ko ng Going Bulilit kaya ganyan ako humirit ng mga jokes.


Sa ngayon medyo di ko na gaanong nabubuklat yung CitiAtlas, mas maganda kasing mag browse ngayon sa Wikimapia o kaya yung Google Map, mas detailed kasi saka may satellite view pa, tapos pwede mong i-convert to map view pagnalito ka dahil puro bubungan ng bahay ang nakikita mo, kaya minsan pag walang magawa sa bahay imbes na manood ako ng SNN nagbbrowse na lang ako sa Wikimapia, kabisado ko na nga yung lugar namin (see below)



stalk me

Yan ang lugar namin, madali lang puntahan pramis, yung iba kasi OA masyado, pag nadinig na "Las PiƱas" akala nila napaka layo, pero ang totoo malayo talaga ito, joke lang, actually mas malapit syang puntahan kaysa ikumpara mo sa... uhm... say Africa? Nakita nyo kung gaano kalapit sa St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ, yung bahay namin? Mga 3 minutes walking distance lang yun mula sa amin, mga 10 minutes kung makikipag chismisan ka pa sa mga kapitbahay on your way there, at mahigit kumulang 30 minutes to 1hour naman kung makikipag-inuman ka pa sa mga tambay sa kalye, pero malapit lang talaga at napaka daling puntahan ng lugar namin, kaya ano pang hinihintay nyo? Stalk me!


Comments

  1. uy kuya rick! punta ako sa st. joseph paris minsan! :)
    magpi-print din ako ng map so i wont get lost anymore hahah

    (in fairness super invincible na ako pag may map!)

    ReplyDelete
  2. heheh.. sabi nila kuya rick mga babae lang daw ang mejo mahina sa direction,.. meron ako book.. "why men don't listen & women can't read map"

    nakarelate ako sau super. :) pede ka ba dalawin sa bahay mo??? cge na.. :)

    ReplyDelete
  3. adik oy! ano bang kinain nyo sa gallery opening? parang nakakasablay :) entertaining post as usual!

    ReplyDelete
  4. tara! basta ba me dubai goodies eh : P

    ReplyDelete
  5. ms cellulite wahehe, napadami kain namin ng tempura crackers eh!

    ReplyDelete
  6. oo nga! hahah!

    sige kuya, one of these days ;) dadala ako camera para masaya!

    ReplyDelete
  7. unga po, kala ko malayu ka ng madame kasi "las pinas" .. lapit lang pala .. lapit lang sa quirino ave. ehh .. :D

    ReplyDelete
  8. sabi sa inyo malapit lang talaga! : P

    ReplyDelete
  9. Ser, dito ko na lang po kayo istalk pipindutin ko nalang. Mahina po ko sa direksyon e ahehe. Ang lolo ko ay parang yung boss niyo po matinik sa lugar at siya'y 75 yrs old ahehe

    ReplyDelete
  10. baka dating taxi driver din nung past life : D

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.