Skip to main content

Yung pagaaral minsan sagabal sa edukasyon



"Wag ninyong hayaang ang inyong pagaaral ay maging sagabal sa inyong edukasyon!"

Narinig ko yang kataga na yan nung college pa ko na kinakanta ni Chikoy Pura para dun sa stage play na Lean, tungkol dun sa istorya nung pinatay na aktibistang si Lean Alejandro.



Hindi naman tungkol sa kanya tong entry ko, tungkol lang sa edukasyon at pagaaral. Na-excite lang ako dahil first day ni Taz sa school kahapon, medyo excited din sya at maagang nagising, iyun na ang unang araw na babago sa buhay nya at huhubog sa kanyang kinabukasan, unang hakbang sa pag abot nya sa kanyang mga pangarap... naks. Syempre bilang magulang eh natutuwa kami na may halong kaba din, pero di naman ganung kabado dahil pinaghandaan naman namin ni wifey yung pagpasok ni Taz, alam kong kayang kaya ni Taz yun, sa tingin ko nga mas advance yung pag-iisip ni Taz kesa sa mga bata dun sa amin na kasing edad nya. Habang yung ibang magulang kasi eh hine-hele nila yung kanilang anak eh kami tinuturuan na namin si Taz ng mga simpleng aralin. Sa katunayan marunong na syang magbilang mula 1 to 100, pwede mo nga syang hingian ng number na itataya sa lotto. Saulado na rin nya yung alphabet, kaya nyang i-identify yung iba't ibang shapes mula circle, square, triangle, hanggang pentagon, octagon, trapezoid at osteoporozoid. Kaya din nyang i-identify ang primary, secondary at tertiary colors, at higit sa lahat kaya nyang palobohin yung sipon nya sa ilong, ganun na sya ka-advance... kaya naman hindi kami gaanong nagwo-worry ni wifey sa schooling nya. 


Ang iniisip lang naman namin kasi, hindi naman puro learning lang sa school, syempre me tinatawag ding socializing, iniisip din kasi namin yung mga makakasalamuha nya sa klase, medyo maharot kasi si Taz, kaya nga nyang magpaiyak ng grade 1 student, mahirap ding sawayin, kaya hindi kami nagwo-worry ke Taz kundi dun sa mga classmates nya, baka mapaaway pa kami ng di-oras, saka paano kung meron nang manligaw kaagad sa kanya tapos ayain syang magtanan, tapos mabuntis sya ng wala sa oras paano na yung kinabukasan nya... ang OA ko... kasing OA nung tuition fee nya, kailangan naming magluwal ng P15k++ para lang magpaaral ng nursery, parang binibili na namin yung school sa OA ng tuition. Isipin mo na lang pag tuntong nya ng college... baka mag hosto na lang ako sa Brunei para makaipon para sa college nya.


Ngayon sobrang naappreciate ko na yung hirap ng magulang ko para mapag-aral kaming tatlong magkakapatid, dahil ako na ngayon yung nasa kalagayan nila. Me pagsisisi nga ako dahil naalala ko nung grade 6 nakapag-cut class ako para manood lang ng "Predator 2" sa sine, nagsisisi ako kasi dapat pala yung "Child's Play 2" na lang ang pinanood namin para mas enjoy corny kasi yung Predetor 2. Pero first and last cutting class ko yun at di na naulit dahil nakakakonsensya din.


Kagabi nga napanood ko sa Korina yung tungkol sa isang nanay na nag tyagang magtinda ng dyaryo araw-araw para lang mapagtapos ang tatlong anak nya. At napagtapos naman nya at lahat ng anak nya ngayon eh pawang professionals na, yung isa engineer, yung isa naman teacher na, tapos yung isa hindi ko nadinig yung trabaho pero sabi professional naman daw, druglord ata parang ganun. Nung ininterview nga yung isang anak nya sabi eh hindi daw masusuklian o matatapatan ng kahit na gaanong kalaking halaga yung sakripisyo na ginawa ng kanilang ina, naluha ako sa puntong yun, kasi naghihiwa ako ng sibuyas para sa sisig pampulutan namin ni wifey nung mga oras na yun. 


Tama nga naman yung isang anak, me punto sya dun, wala ngang kapantay yung ginawa nung nanay nila para mapagaral sila pero parang ayoko lang dun sa notion na dapat tanawin na utang ng loob ng mga anak yung pagpapa-aral sa kanila ng kanilang mga magulang, dahil kung iisipin mo... try mo lang isipin, tungkulin naman ng mga magulang na bigyan ang kanilang anak ng disenteng edukasyon at karapatan ng bawat bata ang makapag-aral, yung edukasyon sa opinyon ko eh hindi naman yan isang wish na kailangan  hilingin ng mga anak sa kanilang mga magulang kundi isa itong pribelehiyong binibigay sa mga anak ng kanilang magulang, kung hindi matutugunan ng bawat magulang yun pagbibigay ng edukasyon sa kanilang mga anak edi sana hindi na lang sila naglampungan at nagkaanak para wala silang problemahin. Dapat nasa anak na lang yun kung nais nyang gantihan yung ginawa ng kanyang mga magulang pero hindi dapat gawin na parang utang na kailangang bayaran yung pagbibigay ng edukasyon, dito kasi sa atin ganun na yung kulturang nakagisnan.


Basta kami ni wifey pagtatapusin namin si Taz ng pagaaral, pagnakatapos na sya ng pagaaral bahala na sya kung ano na ang gusto nyang gawin sa buhay nya, di na kami makikialam, para naman sa kanya talaga yung ginagawa namin, para sa future nya. Sabi nga eh edukasyon ang pinaka magandang maipapamana ng magulang sa kanilang anak, sa ngayon ang tanging dasal ko lang naman sana ay magsipag sya sa pagaaral, sana ay magenjoy sya sa school,  at sana manalo ang Lakers versus Magic sa NBA finals. Amen.



Comments

  1. hehe mana sa ama? kaka-four lang nya nung May 11 : )

    ReplyDelete
  2. nice.. ang cute naman ni Taz! :)

    parang ako, napagtapos ako ng tatay ko sa kakarampot na sahod nya as security guard at nakagawa ako ng mga projects ko at nagkaron ng mga everyday pambaon dahil sa pagtinda tinda at pangungutang ng nanay ko. :)

    i agree.. in my case.. maaga pa lang namulat na ako sa hirap ng buhay nila at ako na mismo ang nagdesisyon na balang araw gagantihan ko rin yung ginawa nila sakin. payback time naman kumbaga. :)

    ngayun..ako naman ang magpapaaral ng anak ko.. it's my turn sa cycle.

    ReplyDelete
  3. Punk rock pala si taz...cool!

    Enjoyed reading this sir...dame ko din narealize,hehehe...kampai!!! :D

    ReplyDelete
  4. berigud ka talaga, wow cool ng anak mo, napanood ko din yung astig na nagtitnda ng dyaryo. hehe:)

    ReplyDelete
  5. rak on mamon po yung daughter niyo asteg! pati tong blog niyo asteg.. nakapulutan ko po ng aral..:}

    ReplyDelete
  6. naks~
    nakakatats
    ehehehe
    gudlak kay iskul gerl Taz :D

    ReplyDelete
  7. salamat shen! peborit din ni taz yung pixies : )

    ReplyDelete
  8. nakakagaan ng loob basahin.apir!galeng!!!

    ReplyDelete
  9. hahaha, pwede din.
    cool! ako din ganiyang age nagstart magstudy. :)

    ReplyDelete
  10. haahahaha! di pa sya advance!!
    dapat turuan niyo din siya nun pag higop ng laway, yun pabalik balik.
    pag yun nagawa na nya, pwede na sya sa college. astig yun.
    may isa lang akong tutol. MAGIC ang mananalo sa NBA finals.
    ayoko kay kobe. kasi... kasi... kasi... basta. HAHAHA

    GO SPURS! -labo!

    ReplyDelete
  11. eeeewwwww!

    Tama GO SPURS! GO HOME! wahehehehe

    ReplyDelete
  12. hehe... cool ni taz =)

    oist, congrats senyo ni nova.. gosh, my pinapaaral na kayo.. =)

    ReplyDelete
  13. is that your daughter kua Rick? wow! she's cool!!! just like you:D

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...