Skip to main content

Fine Dining


Although sympathy is synonymous with empathy di pa rin mag kasing kahulugan yan. Sinabi kasi ng isang alipores ni GMA na porket kumain sila sa isang mamahaling restaurant sa New York that doesn't mean na hindi na nakikisimpatya si GMA sa mga kababayan nating mahihirap, she still had great sympathy for them ika nga ng isang aso err i mean mabuting tagasunod ng presidente (kung iisipin mo wala naman gaanong pagkakaiba sa aso yung trabaho nila bukod sa nakasuot lang sila madalas ng coat and tie)


sympathy

noun: feelings of pity and sorrow for someone else's misfortune


Sa tingin ko hindi 'sympathy' ang kailangang maramdaman ni GMA para sa mga kababayan nating nagugutom kundi 'empathy'.


empathy

noun: the ability to understand and share the feelings of another. It is often characterized as the ability to "put oneself into another's shoes",  knowing what the other person is feeling, blurring the line between self and other.


Mga ilang araw ang nakakaraan naranasan kong hindi mag merienda sa dami ng trabaho sa opisina, kailangan kong tapusin lahat kaya kahit kumakalam ang sikmura ko eh hindi ako makatayo para man lang makahigop ng kape o kumain kahit biskwit, malamang sasangayon kayo sa kin na nakaka bad trip yung ganung sitwasyon, nakakainis... pero naisip ko kung naiinis ako dahil walang laman yung tyan ko sa mga oras na yun, ano na kaya yung nararamdaman nung mga taong buong araw madalas kumakalam ang sikmura? Naisip ko maswerte pa pala ko dahil nakakain ako ng pananghalian, nakapag-almusal ako, nakakain ako ng Ding Dong bago mananghalian, napakswerte ko kung ikukumpara sa ibang tao na ni hindi nakapag almusal at madalas namomroblema kung saan kukuha ng pananghalian, maswerte pa ko dahil hindi ako natutulog ng kumakalam ang sikmura. Naintindihan ko lahat ng yun dahil lang sa hindi ako nakapag merienda, naramdaman ko yung pagkalam ng sikmura, masakit sa tyan, yun yung tinatawag nilang parang nilalamon ng malaking bituka yung maliit na bituka mo.


Paano nga naman maiintindihan ni GMA yung ganung klaseng scenariong pinagdadaanan ng mga nagugutom kung nasa isang eksklusibo syang restaurant sa New York at kumakain ng mga mamahaling pagkain, na umiinom sya ng mamahaling alak kasama ang mga alipores nya, isang hapunang umabot ng halos P1 million. Mas masahol pa sa 'gluttony' yung ginawa nila, dapat ata isama ang pagiging 'insensitive' sa seven deadly sin bilang pang walo, so bale magiging 'eight deadly sin' na. It is a sin alright, na habang nagpapakabusog sila e ni hindi manlang nila naisip yung mga taong dapat sana eh pinagsisilbihan nila. Me mas masahol pa bang word aside from insensitive? Feeling ko mabait pang word yun para sa kanila. Sa isang milyong hapunan malamang at imposibleng kumalam ang sikmura nila. Mahirap matunaw ang lamb chops. Kelan nga ba huling kumalam ang sikmura nila? At alangan naman daw pakainin ang Presidente sa isang hotdog stand? Eh buti nga sila makakakain ng hotdog kung saka sakali, samantalang dito kung humane lang kumain ng dog baka naubos na ang aso sa Pilipinas sa dami ng nagugutom. 


Oo nakikisimpatya sila pero kahit kailan hangga't hindi nila nararanasan yung mamuhay sa isang araw na walang laman ang tyan, hinding hindi nila maiintindihan at mauunawaan yung pinagdadaanan ng halos 50% o mahigit pa na nagugutom sa bansa. Subukan nyo lang sanang magutom paminsan-minsan para kahit paano makaranas kayo ng hyperacidity. 


Nakakalungkot minsan pag naiisip ko kung paano nakakatulog yung ibang tao na kumakalam yung sikmura, dahil ako di ko kaya yun. Pero ang mas lalong nakakalungkot eh kung paano nakakatulog ang isang opisyal ng bayan habang alam nila na libu-libo ang mga tao sa ilalim ng kanilang panunungkulan ang natutulog na gutom. Kelan kaya sila magigising? Parang mas maigi nga sana kung hindi na sila magigising, sabi nga ni de Quiros pinakamahirap gisingin yung taong nagtutulugtulugan, sa tingin ko naman mas lalong mahirap gisingin yung mga nagtutulugtulugan na wala pang pakiramdam, kapal-muks kumbaga.



Comments

  1. sorry for the word, but it sucks talaga

    ReplyDelete
  2. ..naalala ko yung isang gabi na ang init ng ulo ko dahil gutom ako kaya di ako makatulog. isang gabi lang yun. samantalang yung mga bata dito sa kanto ng dorm ko, pag wala nang makain, matutulog na lang para di maramdaman yung gutom.

    Nakakainis lalo, dalawang beses pa nila nagawang magpakasasa. Anlaking SIPSIP nung g*gong nagsponsor kuno. Sana try nila minsang kumain ng sangmilyong buraot sa baclaran. b-(

    ReplyDelete
  3. Ang mga MAKAKAPAL ANG MUKHA- kailan man ay di kayang makaramdam ng "sympathy" lalung-lalo na ng "empathy"

    ReplyDelete
  4. minsan rugby lang katapat ng gutom... pero di ko pa nasusubukan yun hehe

    ReplyDelete
  5. At saan galing yung perang nilustay nila?sa kaban ng bayan galing yun sa bulsa ng mga taong nagugutom..di man lang sila nahiya..masakit yun sa lahat ng pilipino (maliban sa mga alipores at tuta ng pangulo at sa kanya mismo)..

    sarap siguro maging pangulo ng pilipinas kahit madameng batikos atleast masarap ang kinakain kapalan lang ng muka..nakakagigil

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...