Although sympathy is synonymous with empathy di pa rin mag kasing kahulugan yan. Sinabi kasi ng isang alipores ni GMA na porket kumain sila sa isang mamahaling restaurant sa New York that doesn't mean na hindi na nakikisimpatya si GMA sa mga kababayan nating mahihirap, she still had great sympathy for them ika nga ng isang aso err i mean mabuting tagasunod ng presidente (kung iisipin mo wala naman gaanong pagkakaiba sa aso yung trabaho nila bukod sa nakasuot lang sila madalas ng coat and tie)
sympathy
noun: feelings of pity and sorrow for someone else's misfortune
Sa tingin ko hindi 'sympathy' ang kailangang maramdaman ni GMA para sa mga kababayan nating nagugutom kundi 'empathy'.
empathy
noun: the ability to understand and share the feelings of another. It is often characterized as the ability to "put oneself into another's shoes", knowing what the other person is feeling, blurring the line between self and other.
Mga ilang araw ang nakakaraan naranasan kong hindi mag merienda sa dami ng trabaho sa opisina, kailangan kong tapusin lahat kaya kahit kumakalam ang sikmura ko eh hindi ako makatayo para man lang makahigop ng kape o kumain kahit biskwit, malamang sasangayon kayo sa kin na nakaka bad trip yung ganung sitwasyon, nakakainis... pero naisip ko kung naiinis ako dahil walang laman yung tyan ko sa mga oras na yun, ano na kaya yung nararamdaman nung mga taong buong araw madalas kumakalam ang sikmura? Naisip ko maswerte pa pala ko dahil nakakain ako ng pananghalian, nakapag-almusal ako, nakakain ako ng Ding Dong bago mananghalian, napakswerte ko kung ikukumpara sa ibang tao na ni hindi nakapag almusal at madalas namomroblema kung saan kukuha ng pananghalian, maswerte pa ko dahil hindi ako natutulog ng kumakalam ang sikmura. Naintindihan ko lahat ng yun dahil lang sa hindi ako nakapag merienda, naramdaman ko yung pagkalam ng sikmura, masakit sa tyan, yun yung tinatawag nilang parang nilalamon ng malaking bituka yung maliit na bituka mo.
Paano nga naman maiintindihan ni GMA yung ganung klaseng scenariong pinagdadaanan ng mga nagugutom kung nasa isang eksklusibo syang restaurant sa New York at kumakain ng mga mamahaling pagkain, na umiinom sya ng mamahaling alak kasama ang mga alipores nya, isang hapunang umabot ng halos P1 million. Mas masahol pa sa 'gluttony' yung ginawa nila, dapat ata isama ang pagiging 'insensitive' sa seven deadly sin bilang pang walo, so bale magiging 'eight deadly sin' na. It is a sin alright, na habang nagpapakabusog sila e ni hindi manlang nila naisip yung mga taong dapat sana eh pinagsisilbihan nila. Me mas masahol pa bang word aside from insensitive? Feeling ko mabait pang word yun para sa kanila. Sa isang milyong hapunan malamang at imposibleng kumalam ang sikmura nila. Mahirap matunaw ang lamb chops. Kelan nga ba huling kumalam ang sikmura nila? At alangan naman daw pakainin ang Presidente sa isang hotdog stand? Eh buti nga sila makakakain ng hotdog kung saka sakali, samantalang dito kung humane lang kumain ng dog baka naubos na ang aso sa Pilipinas sa dami ng nagugutom.
Oo nakikisimpatya sila pero kahit kailan hangga't hindi nila nararanasan yung mamuhay sa isang araw na walang laman ang tyan, hinding hindi nila maiintindihan at mauunawaan yung pinagdadaanan ng halos 50% o mahigit pa na nagugutom sa bansa. Subukan nyo lang sanang magutom paminsan-minsan para kahit paano makaranas kayo ng hyperacidity.
Nakakalungkot minsan pag naiisip ko kung paano nakakatulog yung ibang tao na kumakalam yung sikmura, dahil ako di ko kaya yun. Pero ang mas lalong nakakalungkot eh kung paano nakakatulog ang isang opisyal ng bayan habang alam nila na libu-libo ang mga tao sa ilalim ng kanilang panunungkulan ang natutulog na gutom. Kelan kaya sila magigising? Parang mas maigi nga sana kung hindi na sila magigising, sabi nga ni de Quiros pinakamahirap gisingin yung taong nagtutulugtulugan, sa tingin ko naman mas lalong mahirap gisingin yung mga nagtutulugtulugan na wala pang pakiramdam, kapal-muks kumbaga.
sorry for the word, but it sucks talaga
ReplyDelete..naalala ko yung isang gabi na ang init ng ulo ko dahil gutom ako kaya di ako makatulog. isang gabi lang yun. samantalang yung mga bata dito sa kanto ng dorm ko, pag wala nang makain, matutulog na lang para di maramdaman yung gutom.
ReplyDeleteNakakainis lalo, dalawang beses pa nila nagawang magpakasasa. Anlaking SIPSIP nung g*gong nagsponsor kuno. Sana try nila minsang kumain ng sangmilyong buraot sa baclaran. b-(
Ang mga MAKAKAPAL ANG MUKHA- kailan man ay di kayang makaramdam ng "sympathy" lalung-lalo na ng "empathy"
ReplyDeletesucks big time!
ReplyDeleteminsan rugby lang katapat ng gutom... pero di ko pa nasusubukan yun hehe
ReplyDeletepa-kapalan nga sila ser eh hehe
ReplyDeletegigil!
ReplyDeleteeasy lang... ampuso mo : P
ReplyDeleteAt saan galing yung perang nilustay nila?sa kaban ng bayan galing yun sa bulsa ng mga taong nagugutom..di man lang sila nahiya..masakit yun sa lahat ng pilipino (maliban sa mga alipores at tuta ng pangulo at sa kanya mismo)..
ReplyDeletesarap siguro maging pangulo ng pilipinas kahit madameng batikos atleast masarap ang kinakain kapalan lang ng muka..nakakagigil
two words... "PORK BARREL"
ReplyDelete