Skip to main content

It's not about you Carlo...

Carlo J


Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya.

Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? (Carlo J at ANC),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng Malacañang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na proseso ng pag-pili eh hindi sya magiging National Artist. So it’s really not about you Carlo J, not that I give a shit about it (dahil pramis, I don’t)… it’s not about you…

So eto nakaisip lang ako ng mga suggestion para ke Carlo J. na sana mabasa nya (which i doubt) at sana ay kapulutan nya ng aral…

1. Gumawa ng Facebook account. (wala lang, uso kasi ngayon yun  di ba?)

2. Ipa-massacre lahat ng bumabatikos sa kanya, at gawan ng pelikula simply entitled “The Massacre: OMG!”

3. Tumakbo as President of the Republic of the Philippines (uso rin kasi ngayon yun).
(Dito nya malalaman kung madami nga ang nasuporta sa kanya gaya ng pinagyayabang nya.)

4. Papalitan ang pangalan ng tinanggap nyang award, instead na National Artist for Visual Arts and Film dapat “Malacanang Artist for Visual Arts and Film.”

5. Gumawa ng komiks na magju-justify sa pagkapanalo nya ng National Artist Award na may pamagat na “Ako ang National Artist, Mamatay Kayong Lahat sa Inggit!”

6. Gawing movie ang komiks na ginawa, featuring himself and PGMA as leading lady with special participation of Ms. Cecile Guidote-Alvarez at lagyan ng sub-title ang pamagat gaya ng  “Ako ang National Artist, Mamatay kayong Lahat sa Inggit: God Bless You All.”

7. Gawan ng Part 2 ang movie after a month.

8. Gawing sitcom ang pagiging National Artist awardee nya at ipalit sa kanyang “Ang Pangarap Kong Jackpot” sa NBN Channel 4.

9. Gumawa uli ng isa pang kontrobersya para me pagusapan uli maliban sa bagong Darna fantaserye.

10. Don’t act as if you really deserve the award!


Last na to, hindi ko na sya uli pagaaksayahan ng time, pramis.



Comments

  1. hahaha... actually natawa ako when he even mentioned F. Sionil Jose na as if nasa kalingkingan sya nung tao. I agree I don't think explaining himself would make us feel he is deserving...

    thank you po for sharing! :)

    ReplyDelete
  2. uulitin ko yung sinabi ko sa facebook....he doesn't have hiya...walang hiya...nakakahiya...

    ReplyDelete
  3. oooh solid! napanuod ko nga sya kanina sa gma7, super defend nga, nakakaawa nga sya kasi parang walang point na ung natanggap nyang award. kung ako un, sa isip ko nalang eh, "sana di nyo nalang ako inawardan!"

    ReplyDelete
  4. “Ako ang National Artist, Mamatay Kayong Lahat sa Inggit!”, tae natawa ko dito ah.

    ReplyDelete
  5. Mata daw sa mata,deserving naman daw sya...sige hubarin na nya yung shades nya para makita ng lahat na deserving sya...hehe!
    napanalunan nya ang pangarap niyang jackpot!...sa panahon ng kanyang cabalen na si oya!

    ReplyDelete
  6. promise kuya rick! 8 lan yata yung mga supporters niya na may hawak na plakards, hahah

    ReplyDelete
  7. kuya rick.. speaking of Fb.. gawa k na rin.. chige na.. :)

    ReplyDelete
  8. not that he really doesn't deserve it, well atleast not at this time, mas marrami lang talagang mas deserving sa kanya, far way too deserving than him...

    ReplyDelete
  9. dapat nga hindi na lang nya tinanggap yung award...

    ReplyDelete
  10. naiintriga nga ako sa mata nya kasi mula't sapul hindi ko pa sya nakikita ng walang shades saka cap...

    ReplyDelete
  11. baka mga representatives lang yun ng iba't ibang groups na supporter nya hehe...

    ReplyDelete
  12. inggit lang daw kasi yung mga bumabatikos sa kanya... meron pa syang comment na "Dadating din naman ang time nyo na maging national artist intayin nyo lang"... tigas ng mukha eh...

    ReplyDelete
  13. hindi po sya karapatdapat i-clap clap...nyahahaha

    ReplyDelete
  14. ahhh may "groups" din? hahah, ang mean natin!

    ReplyDelete
  15. Eli! nice meeting you last night! : )

    ReplyDelete
  16. haha wala gawa-gawa ko lang yun... eh sya naman kasi hehe

    ReplyDelete
  17. hahah, hindi si carlo j. caparas yung sinu-support nila, fans ni randy santiago yun!

    ReplyDelete
  18. attention:mga aspiring filmmakers
    panoorin nyo yung chavit singson story.gawa ng isang national artist.
    a must see movie!!!!
    bwahahahahahaharharhahrharhar!flat ang mundo!

    ReplyDelete
  19. sino ba ang original na Mr. Shades sa kanilang dalawa?

    ReplyDelete
  20. yes po papa rick...ayan naki papa na rin ako kasi napansin ko dami call sayo papa. anak mo ba sila? since 2006 pa po yun pesbuk account ko. nung konti pa lang mga adik na pinoy noon sa fb. ok din naman kasi nandun karamihan ng friends ko. tsaka dun ako nag po-poker. hehe...

    ReplyDelete
  21. inborn yata yung kay Tito Randy..

    ReplyDelete
  22. haha pagka-panganak me shades na? : P

    ReplyDelete
  23. hehe ayos po sir nice meeting you too..hindi po ko nkapgpa-authogrph senyo,sayang!:)

    ReplyDelete
  24. woohoo MAHIKA ang mga lahat po ng nyare. Awooooo

    ReplyDelete
  25. kuya ric cno po bang carlo sinasabi nyo???

    si "carlo sat beside me today.. he's so cute sabi nya i'm pretty kaya lang i'm fat.."
    sya ba yung tintutukoy mo na Carlo??

    hehhe peace.. ang corny ko.. c carlo kasi eh! :)

    ReplyDelete
  26. kung ako sa kanya, babalik ko na lang yun. kaya lang di ako siya e. MABUTI NA LANG! *phew*

    ReplyDelete
  27. nyahaha antagal na nyang commercial na yan ah! ba't tanda mo pa rin?

    ReplyDelete
  28. hahah bata pa ko nyan... pero naalala ko c carlo. :)

    ReplyDelete
  29. gusto kasi ni Gma,igawa din sya ng komiks tulad ng Panday,kaya sya pinili,ang Title ng komiks nya,"ang Pandak"

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...