Magkakaroon daw ng isang 'pagdadalamhati' ang mga nakaraang National Artist Awardee gaya nina BenCab, Bien Lumbera, Rio Alma atbp. dahil sa mga diumanoy nilutong parangal na ginawad partikular ke Carlo J. na tumatanggap ngayon ng kabi-kabilang batikos. Medyo hindi daw katanggap-tanggap yung pagbibigay ke Carlo J ng parangal lalo na eh me iba pa nga raw na MAS karapatdapat.
Ano ba yung parangal sa kanya? Ginawaran lang naman sya ng National Artist Award para sa Visual Arts (dahil nagdodrowing daw sya ng mga komiks komiks mga ganun) at Literature (dahil nagawa sya ng screenplay at scripts mga ganun). Kung iisipin mo eh National Artist Award yan, pinakamataas na pagpaparangal na maibibigay sa isang tao dahil sa malaking contribution nya sa sining at kultura ng isang bansa. Speaking of contribution, nagiisip ako ng mga naiambag ni Carlo J. na maaaring naging basehan ng mga pumili sa kanya para sa parangal...
Kaya daw National Artist for Visual Arts eh dahil sa Komiks na mga dinrowing nya, gaya ng 'Panday' at 'Pieta' na icons na talaga sa Pinoy komiks history, pero totoo kaya yung balita na isang Steve Gan ang nagdrowing nung mga yun at hindi sya? Gaya na rin sa 'Bakekang' na dinrowing naman ni Mar Santana ayon din sa balitang nasagap ko. Hindi ko rin alam pero kung totoo nga eh paano mo naman paparangalan ng National Artist for Visual Arts yung isang tao na hindi naman pala gumawa nung mga sinasabi nilang obra nya?
Kaya daw National Artist for Literature eh kasi nga naman nagsusulat sya ng mga script ng mga pelikulang ginagawa nya di ba? Baka naman me punto sila dun, isipin mo na lang yung mga pelikulang ginawa nya na pwedeng ipanlaban sa Cannes Film Festival at maituturing na yaman ng pelikulang Pilipino gaya ng... uhm... "Kuratong Baleleng (Wilson Sorronda Story)", "Vizconde Massacre: God Help Us", "Vizconde Massacre 2 - God Have Mercy on Us (oo nagkaroon ng part 2 to fyi)", "The Marita Gonzaga Rape-Slay: In God We Trust","Lipa Massacre: God Save the Babies", "Dugo ng Panday (The Blacksmith's Legacy <-- totoong subtitle nya to pramis!)" ilan pa lang yan sa mga pelikulang ginawa nya na talaga namang maipagmamalaki nya. Kung tutuusin nga dapat me award din sya sa Film and Broadcast Art dahil sa mga pelikulang yan, saka isipin mo na lang yung mga ginawa nya sa TV ngayon gaya ng "Totoy Bato", "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang" lalo na yung "Gagambino" mantakin mo naman yung mga palabas na yun! Mga life changing movies and TV series.
Bigla tuloy akong nagkaroon ng writer's block sa mga pinagsasabi ko. Ewan ko pero siguro ke Carlo J mas maiging isoli na lang nya yung award, kahiyaan na lang, baka ma-save pa nya yung dignidad nya, pero mukhang malabo nyang gawin yun, nakalimutan nyo bang sya si Carlo J. Caparas.
Kung wala daw kayong ginagawa sa Biyernes, kesa maghimutok kayo eh sama na lang daw kayo dito:
The country’s artists, led by six prominent National Artists are inviting their supporters to join them in a protest rally on Friday, August 7, 2 to 6 p.m. at the Cultural Center of the Philippines (CCP) Ramp. The rally will express their indignation over this year’s Malacanang-appointed selections for National Artist. Their invite reads:
“Iniimbitahan kayo ng mga National Artists na sina Ben Cabrera, Bien Lumbera, Rio Alma, F. Sionil Jose, Arturo Luz, Salvador Bernal na makilahok sa isang luksang bayan para sa pagpanaw ng makabuluhang National Artist Awards. Pakiusap, panluksang pananamit.”
Basta ako manonood na lang ng telenobela.
nyay.. hayy.. grabe.. anung nangyayari sa ikot ng mundo???
ReplyDeleteMadami ngang nag-react dyan kay Carlo J. at sa pagiging national artist niya. Para kasing mas marami pang artist na deseving kesa sa kanya. Biruin mo ang taas ng tingin ko dun sa mga ginawaran ng award na yun, parang wala pa kasi si Carlo J. sa level nina Bencab and company.
ReplyDeletesa pagkakaintindi ko..... may kulang kasi sa kanya...na hindi mauunawaan ng ilan o lalo na ng wala sa mundo ng art.... una ialng pyesa nahahati ang sining...bukod sa tanyag na komersyalismo... at traditional artist... na minsan ang pagkakaunawa ay nagkakapareho at nagkakaiba sa iisang bansag... gaya ng tradisyunal..pwedeng komersyalismo pwede ring serious artist...at may pilosopo na bakit lahat namn ay seryoso...kitam...sarap kutusan ....
ReplyDeleteparehong layunin na makapagbigay saya at magpamulat sa bawat tao na hindi pa nakaka alam ng tunay na kahulagan ng sining...kahit nanay at tatay ko hindi alam... ang alam lang nila ay...MASAYA AKO SA GINGAWA KO....katunayan nga e may ibninenta silang artwork ko...yung isa sa mga unang unang artwork ko....at ng malaman ko e...sa halagang 500pesos...sabi INAY BAKIT?...bakit nyo ibinenta...parang alak yan kako na habang tumatagal ay lalaong sumasarap....hehehehe..... sagot ng tatay ko sa akin e... bulok na namn yung painting at puro amag na... buti nga daw at may nagkagusto pa.... ang sambit nmn ni inay e... ibinibigay ko na nga lang e..e nagpumilit na mag abot ng pera e...sabi ko cge na po.....okna po yun...basta wag nyo na lng pong ibenta o ipamigay...ksi ilan naubos na ksi yung tiya ko pagnapunta sa bahay namin e parang naghahakot ng painting ko na parang ukay ukay.......
balik tayo sa issue;
basta ako nauunawaan ko ang dahilan ng pagprotestang ito.... mahirap ipaliwanag sa iba ...pero tayo nauunawaan natin ...baka ksi akala ng judge e...wala nang pakialamang iba sa nagyayare....baka akal nila e focus na ang isip ng tao sa crisis.....nagkakamali sila..... sensya na carlo...
not because of monopoly of artist pride ...para sa dignidad ng tunay na spiritu ng sining...hindi lamang yan sa dami ng nagawa o pumalakpak..... nsa kultura parin tayo hindi lamang industriyahan..
MABUHAY PINOY ARTISTS!...
darwin japat guevarra y'luna
:(
ReplyDeletehayy naku. sibuyas, bawang, paminta..
ReplyDeletepatay na ang national artist awards.namasaker!
ReplyDeletehindi niya ibabalik tyak yun.haha
ReplyDeletesana sayo n lang po bngay ang award na yan—dami pa matutuwa!at bakit parang naubusn na cla ng kandidato? o d kaya bka lamang lang sha ng isang baldeng paligo!tsk..tsk..bad ko no? natatawa ko kasi ngaun ko lang nalaman to (as if may magagawa ako para pigilan ang awarding..nyehehe..) sana nag-base na lang cla dun s gawang may kabuluhan at hindi mshadong commercialized—teka mga art critic b tlg ang pumili o fan lang ni CJC? madali bang i-monopolized ang lahat? hindi naman dating gnun db, ano kayang nangyari?
ReplyDeletesana sayo n lang po bngay ang award na yan—dami pa cguro matutuwa..at bakit tila naubusan na sila ng kandidato? o d kaya mas lamang lang sha ng isang baldeng paligo sa iba kaya gnon!tsk..tsk..bad ko no? natatawa ko kasi ngaun ko lang nalaman 'to (as if may magagawa ako para pigilan ang awarding..nyehehe..) sana nag-base na lang cla dun s gawang may kabuluhan at hindi mshadong commercialized—teka mga art critic b tlg ang pumili o fan lang ni CJC? madali bang i-monopolized ang lahat? hindi naman dating gnun db, ano kayang nangyari? isa lang ang nararamdaman ko—asar! >__
ReplyDeletepabalik ata! hehe
ReplyDeletesaka questionable pa yung mga pinagmamalaki nya... pati yung paraan ng pagpili sa kanya, hindi naman sya kasama sa 7 names na sinubmit sa Malacañang pero himala na nakasama sya...
ReplyDeleteDapat ata sa kanya National Artists for Sports? Kasi nanalo sya dahil sa PALAKASAN hehe
ReplyDeletepang-gisa na!
ReplyDeletehindi na nga sya credible ngayon...
ReplyDeleteoo sinabi na nya sa isang interbyu, over his dead body daw hehe
ReplyDeleteeh me nasagap kasi akong balita na isang very influential person ang nag endorse sa name nya, even Cecile Guidote Alvarez na nanalo as National Artist for Theater eh questionable dahil sya ang chairman ng NCCA, to think na ang NCCA together with CCP ang nagbibigay ng ganung award...
ReplyDeleteShit happens...
haha ! palakasan .. XD
ReplyDeletesayang nga lang at walang ganung category hehe
ReplyDeleteahahahahaha,panalo sa pagkalife changing ang mga naiambag nya sa sining at pelikula. cguro mas ibboto ko pa mga teacher natin sa tup na maging national artist kesa sa kanya (o well bias ako)
ReplyDeleteSi sir Doc na lang!!!
ReplyDeleteSir Doc—ayus! ^__^
ReplyDeleteSir Doc 'The Legend'!
ReplyDeleteonga si der doc nalang para walang away hahaha:)
ReplyDeleteyung nasa aa kagabi, yun ang qualified maging national artist! ;)
ReplyDeletetara maglikom na tayo ng 1million signature para ke sir doc!
ReplyDeleteah yun nga! si sir doc! : ))
ReplyDeletecge cge pirma lang naman e di naman pera hehe:)
ReplyDelete