Skip to main content

Mukhang nasunog ata yung niluto nila.


Magkakaroon daw ng isang 'pagdadalamhati' ang mga nakaraang National Artist Awardee gaya nina BenCab, Bien Lumbera, Rio Alma atbp. dahil sa mga diumanoy nilutong parangal na ginawad partikular ke Carlo J. na tumatanggap ngayon ng kabi-kabilang batikos. Medyo hindi daw katanggap-tanggap yung pagbibigay ke Carlo J ng parangal lalo na eh me iba pa nga raw na MAS karapatdapat.


Ano ba yung parangal sa kanya? Ginawaran lang naman sya ng National Artist Award para sa Visual Arts (dahil nagdodrowing daw sya ng mga komiks komiks mga  ganun) at Literature (dahil nagawa sya ng screenplay at scripts mga ganun). Kung iisipin mo eh National Artist Award yan, pinakamataas na pagpaparangal na maibibigay sa isang tao dahil sa malaking contribution nya sa sining at kultura ng isang bansa. Speaking of contribution, nagiisip ako ng mga naiambag ni Carlo J. na maaaring naging basehan ng mga pumili sa kanya para sa parangal...


Kaya daw National Artist for Visual Arts eh dahil sa Komiks na mga dinrowing nya, gaya ng 'Panday' at 'Pieta' na icons na talaga sa Pinoy komiks history, pero totoo kaya yung balita na isang Steve Gan ang nagdrowing nung mga yun at hindi sya? Gaya na rin sa 'Bakekang' na dinrowing naman ni Mar Santana ayon din sa balitang nasagap ko. Hindi ko rin alam pero kung totoo nga eh paano mo naman paparangalan ng National Artist for Visual Arts yung isang tao na hindi naman pala gumawa nung mga sinasabi nilang obra nya?


Kaya daw National Artist for Literature eh kasi nga naman nagsusulat sya ng mga script ng mga pelikulang ginagawa nya di ba? Baka naman me punto sila dun, isipin mo na lang yung mga pelikulang ginawa nya na pwedeng ipanlaban sa Cannes Film Festival at maituturing na yaman ng pelikulang Pilipino gaya ng... uhm... "Kuratong Baleleng (Wilson Sorronda Story)", "Vizconde Massacre: God Help Us", "Vizconde Massacre 2 - God Have Mercy on Us (oo nagkaroon ng part 2 to fyi)", "The Marita Gonzaga Rape-Slay: In God We Trust","Lipa Massacre: God Save the Babies", "Dugo ng Panday (The Blacksmith's Legacy <-- totoong subtitle nya to pramis!)" ilan pa lang yan sa mga pelikulang ginawa nya na talaga namang maipagmamalaki nya. Kung tutuusin nga dapat me award din sya sa Film and Broadcast Art dahil sa mga pelikulang yan, saka isipin mo na lang yung mga ginawa nya sa TV ngayon gaya ng "Totoy Bato", "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang" lalo na yung "Gagambino" mantakin mo naman yung mga palabas na yun! Mga life changing movies and TV series.


Bigla tuloy akong nagkaroon ng writer's block sa mga pinagsasabi ko. Ewan ko pero siguro ke Carlo J mas maiging isoli na lang nya yung award, kahiyaan na lang, baka ma-save pa nya yung dignidad nya, pero mukhang malabo nyang gawin yun, nakalimutan nyo bang sya si Carlo J. Caparas.


Kung wala daw kayong ginagawa sa Biyernes, kesa  maghimutok kayo eh sama na lang daw kayo dito:



The country’s artists, led by six prominent National Artists are inviting their supporters to join them in a protest rally on Friday, August 7, 2 to 6 p.m. at the Cultural Center of the Philippines (CCP) Ramp. The rally will express their indignation over this year’s Malacanang-appointed selections for National Artist. Their invite reads:

Iniimbitahan kayo ng mga National Artists na sina Ben Cabrera, Bien Lumbera, Rio Alma, F. Sionil Jose, Arturo Luz, Salvador Bernal na makilahok sa isang luksang bayan para sa pagpanaw ng makabuluhang National Artist Awards. Pakiusap, panluksang pananamit.”



Basta ako manonood na lang ng telenobela.


Comments

  1. nyay.. hayy.. grabe.. anung nangyayari sa ikot ng mundo???

    ReplyDelete
  2. Madami ngang nag-react dyan kay Carlo J. at sa pagiging national artist niya. Para kasing mas marami pang artist na deseving kesa sa kanya. Biruin mo ang taas ng tingin ko dun sa mga ginawaran ng award na yun, parang wala pa kasi si Carlo J. sa level nina Bencab and company.

    ReplyDelete
  3. sa pagkakaintindi ko..... may kulang kasi sa kanya...na hindi mauunawaan ng ilan o lalo na ng wala sa mundo ng art.... una ialng pyesa nahahati ang sining...bukod sa tanyag na komersyalismo... at traditional artist... na minsan ang pagkakaunawa ay nagkakapareho at nagkakaiba sa iisang bansag... gaya ng tradisyunal..pwedeng komersyalismo pwede ring serious artist...at may pilosopo na bakit lahat namn ay seryoso...kitam...sarap kutusan ....

    parehong layunin na makapagbigay saya at magpamulat sa bawat tao na hindi pa nakaka alam ng tunay na kahulagan ng sining...kahit nanay at tatay ko hindi alam... ang alam lang nila ay...MASAYA AKO SA GINGAWA KO....katunayan nga e may ibninenta silang artwork ko...yung isa sa mga unang unang artwork ko....at ng malaman ko e...sa halagang 500pesos...sabi INAY BAKIT?...bakit nyo ibinenta...parang alak yan kako na habang tumatagal ay lalaong sumasarap....hehehehe..... sagot ng tatay ko sa akin e... bulok na namn yung painting at puro amag na... buti nga daw at may nagkagusto pa.... ang sambit nmn ni inay e... ibinibigay ko na nga lang e..e nagpumilit na mag abot ng pera e...sabi ko cge na po.....okna po yun...basta wag nyo na lng pong ibenta o ipamigay...ksi ilan naubos na ksi yung tiya ko pagnapunta sa bahay namin e parang naghahakot ng painting ko na parang ukay ukay.......

    balik tayo sa issue;

    basta ako nauunawaan ko ang dahilan ng pagprotestang ito.... mahirap ipaliwanag sa iba ...pero tayo nauunawaan natin ...baka ksi akala ng judge e...wala nang pakialamang iba sa nagyayare....baka akal nila e focus na ang isip ng tao sa crisis.....nagkakamali sila..... sensya na carlo...

    not because of monopoly of artist pride ...para sa dignidad ng tunay na spiritu ng sining...hindi lamang yan sa dami ng nagawa o pumalakpak..... nsa kultura parin tayo hindi lamang industriyahan..


    MABUHAY PINOY ARTISTS!...


    darwin japat guevarra y'luna

    ReplyDelete
  4. hayy naku. sibuyas, bawang, paminta..

    ReplyDelete
  5. patay na ang national artist awards.namasaker!

    ReplyDelete
  6. sana sayo n lang po bngay ang award na yan—dami pa matutuwa!at bakit parang naubusn na cla ng kandidato? o d kaya bka lamang lang sha ng isang baldeng paligo!tsk..tsk..bad ko no? natatawa ko kasi ngaun ko lang nalaman to (as if may magagawa ako para pigilan ang awarding..nyehehe..) sana nag-base na lang cla dun s gawang may kabuluhan at hindi mshadong commercialized—teka mga art critic b tlg ang pumili o fan lang ni CJC? madali bang i-monopolized ang lahat? hindi naman dating gnun db, ano kayang nangyari?

    ReplyDelete
  7. sana sayo n lang po bngay ang award na yan—dami pa cguro matutuwa..at bakit tila naubusan na sila ng kandidato? o d kaya mas lamang lang sha ng isang baldeng paligo sa iba kaya gnon!tsk..tsk..bad ko no? natatawa ko kasi ngaun ko lang nalaman 'to (as if may magagawa ako para pigilan ang awarding..nyehehe..) sana nag-base na lang cla dun s gawang may kabuluhan at hindi mshadong commercialized—teka mga art critic b tlg ang pumili o fan lang ni CJC? madali bang i-monopolized ang lahat? hindi naman dating gnun db, ano kayang nangyari? isa lang ang nararamdaman ko—asar! >__

    ReplyDelete
  8. saka questionable pa yung mga pinagmamalaki nya... pati yung paraan ng pagpili sa kanya, hindi naman sya kasama sa 7 names na sinubmit sa Malacañang pero himala na nakasama sya...

    ReplyDelete
  9. Dapat ata sa kanya National Artists for Sports? Kasi nanalo sya dahil sa PALAKASAN hehe

    ReplyDelete
  10. hindi na nga sya credible ngayon...

    ReplyDelete
  11. oo sinabi na nya sa isang interbyu, over his dead body daw hehe

    ReplyDelete
  12. eh me nasagap kasi akong balita na isang very influential person ang nag endorse sa name nya, even Cecile Guidote Alvarez na nanalo as National Artist for Theater eh questionable dahil sya ang chairman ng NCCA, to think na ang NCCA together with CCP ang nagbibigay ng ganung award...

    Shit happens...

    ReplyDelete
  13. sayang nga lang at walang ganung category hehe

    ReplyDelete
  14. ahahahahaha,panalo sa pagkalife changing ang mga naiambag nya sa sining at pelikula. cguro mas ibboto ko pa mga teacher natin sa tup na maging national artist kesa sa kanya (o well bias ako)

    ReplyDelete
  15. onga si der doc nalang para walang away hahaha:)

    ReplyDelete
  16. yung nasa aa kagabi, yun ang qualified maging national artist! ;)

    ReplyDelete
  17. tara maglikom na tayo ng 1million signature para ke sir doc!

    ReplyDelete
  18. cge cge pirma lang naman e di naman pera hehe:)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...