Skip to main content

Survey: Noynoy for President?

Gusto nyo bang tumakbo si Noynoy bilang Pangulo ng bansa?

Oo, dahil gaya ni Ninoy at Cory kabutihan ang hangad nya para sa bansa.
 
 15

Hindi, dahil hindi pa sya handa
 
 7

Oo, dahil sya lang ang mabait sa lahat ng kandidato
 
 5

Hindi, dahil mas gusto ko yung ibang presidentiables
 
 2

Oo, dahil fan ako ni Kris
 
 2

Hindi, dahil ayokong makita yung receding hairline nya
 
 0

Oo, gusto ko sya walang pakialamanan!
 
 1

Hindi, dahil hindi ko alam ang pinaguusapan nyo
 
 0


My father died for democracy. My mother fought for democracy. They believed that if we make democracy work in our country, the government would be accountable to the people.

I believe as they did. My advocacy is centered in making the institutions of democratic governance work so that it takes root and serves the interests of the many as against those of the few and powerful.

In a working democracy, government would be able to provide the basic infrastructure so that basic services are available to everyone. In a working democracy there government exists to ensure the equitable distribution of opportunities and resources. Democracy will be the solid foundation on which economic progress would be based.

This is the path I chose to take. It is not easy considering the many challenges. But I am not afraid because I know you believe as I do in doing what is right for our country. I only ask for your vote.

- Noynoy


Napansin nyo ba yung yellow booth sa tabi ng simbahan ng Baclaran every wednesday? Para yun sa signature campaign ng Noynoy for President. Patuloy pa rin kasi ang pagkumbinsi ke Noynoy para tumakbong presidente, kahit hindi pa sya nagde-decide, yung pagiging bukas nya sa ganung senaryo eh sapat na para kabahan yung ibang kakandidato. Yung anak nga ni Chino Roces na si Edgardo eh ginaya na yung tatay nya at nangangalap na rin ng 1million signatures para makumbinsi si Nonoy na tumakbo bilang presidente, at yun yung nakikita nyo tuwing wednesday sa Baclaran.


Ako sa totoo lang gusto ko syang tumakbo bilang presidente. Kanino pa nga ba daw ipapasa ang 'torch of freedom' kundi sa anak ng former bearers (Ninoy and Cory loveteam), kung titingnan mo nga naman daw ang mga qualities ni Noynoy gaya daw ni Cory ni isang iskandalo walang kinasangkutan si Noynoy, at magdadalawa o magsasampung isip muna sya bago masangkot sa iskandalo dahil nga naman hindi nya hahayaang madumihan ang imahe ng kanyang mga magulang, at isa pa, walang syang asawa na maaaring humila sa kanya sa isang iskandalo. Kung preparasyon lang sa pamumuno eh nagsilbi na syang Congressman ng 3 termino at ngayon eh senador naman, mas maigi na yan kung ikukumpara mo sa ibang kakandidato.

Wala nang ibang panahon kundi ngayon na para tumakbo sya. Ang tanong lang kung handa ba talaga ang  mga tao na suportahan sya? Kayo ano sa tingin nyo?


Comments

  1. basta, kuya, napag-usapan na namin ni google ito, if tatakbo si noynoy whatever position, noynoy kami. sha na lan yata kasi ang matino..

    ReplyDelete
  2. ok na sana sya kaya lang bakit lagi syang nakanganga?

    ReplyDelete
  3. haha meron ata syang temporomandibular joint disorder hehe...

    ReplyDelete
  4. think more about it... i'm not for noynoy.. maybe not good for country

    ReplyDelete
  5. me different opinions naman tayo about it, nonoy is not the perfect candidate so to speak, but among the current presidential aspirants i personally believe that he stands out...

    ReplyDelete
  6. mas may chance siya pag vice muna. sa tingin ko lang naman.

    hmm.. kung buhay pa si roco ngayon, mananalo kaya siya bilang panggulo?

    ReplyDelete
  7. si roco? sa tingin ko hindi pa rin, magaling sya kaya lang konti lang naniniwala sa kanya, binoto ko sya dati...

    ReplyDelete
  8. Wala naman masama tumakbo. Pero just like the other presidentiables, Noynoy needs to convince us still. Mahirap umasa on pedigree alone. Tingnan natin, alam mo naman sa Pinas, laging 'abangan ang susunod na kabanata'. :)

    ReplyDelete
  9. ok naman si nonoy president dahil hindi talaga korakot, kaso kahit hindi korakot ang president maraming nasa goberno ang korakot na hangang ngayun nandyan pa (katolad halimbawa sa mga city hall) ok si nonoy kaso baka pag dating ng panahun sya maputokan.

    ReplyDelete
  10. agree ako sayo.. :) tgnan mo lang nung naupo si cory as president.. kaya nga sya pumayag na pamunuan yung mga Pilipino dahil pinilit lang sya e. inacceptnya un ng buong puso dahil sa tnatawag nating "God's call". pero ano ginawa ng iba nating kababayan?? nagrally nnaman. tpos andami pang kudeta.. dba? sabihin na nating it's our "freedom". because we live in a democratic country.. pero dapat isipin nating muna na UTANG natin sa kanila ung kalayaang tinatamasa natin..
    mlaki mgagawa ni noynoy pra sa Pilipinas kung mawawala ung mga kurakot.. kung lahat ng mauupo.. hndi gahaman tulad ng nkaupo ngaun.. sana katulad ni ninoy at cory na mlaki ang takot sa Diyos.. :D

    ReplyDelete
  11. agree ako sayo.. :) tgnan mo lang nung naupo si cory as president.. kaya nga sya pumayag na pamunuan yung mga Pilipino dahil pinilit lang sya e. dba? tinanggap nya un ng buong puso dahil sa tnatawag nating "God's call". pero ano ginawa ng iba nating kababayan?? nagrally nnaman. tpos andami pang kudeta.. dba? sabihin na nating it's our "freedom". because we live in a democratic country.. pero dapat isipin nating muna na UTANG natin sa kanila ung kalayaang tinatamasa natin. ang mahirap sating mga pilipino,di marunong makuntento. gusto laging nkakalamang sa kapwa pilipino. RIGHT??
    mlaki mgagawa ni noynoy pra sa Pilipinas kung mawawala ung mga kurakot.. kung lahat ng mauupo.. hndi gahaman tulad ng nkaupo ngaun.. sana yung katulad ni ninoy at cory na handang ioffer yung sariling kaligayahan para sa kapwa.. at mlaki ang takot sa Diyos.. :D

    ReplyDelete
  12. iba na ang panahon ngayon kaysa panahon ni Cory, di porque mukhang sincero, di kurakot, inocente na parang tupa, ok na maging presidente.... tsaka marami jan manggagamit lang lalo na mga oligarkiya... di lahat maganda nung panahon ni Cory, kanya nga maraming kudeta at kontra dahil marami din di kuntento sa kinalabasan ng bagong demokrasya nuon eh.. with the new oligarchy nuon at, new cronies, di pa rin tumakbo ng husto ang bagong sistema at ang demokrasya... and as long as RP is very much subservient to the US , malabo ang pag-babago sa Pinas, tsaka kapag walang magandang nuclear enargy program..bakit mahirap magkaroon ng nuke program kapag Aquino ang mamumuno? your guess is as good as mine... I think the leader we need must have not only the character of sincerity, honesty, but also experience (esp. in the executive field/in the "implementation" area),and political will (almost a dictator type of a leader, benevolent dictator that is)... and most of all , he must have the mandate of the people, not just us self-righteous middle-classes but the masses as well... hayaan natin humupa muna ang Cory emotions, tapos isip din muna... ma-emosyonal kasi ang Pinoy...

    ReplyDelete
  13. really not good,. i'll campaign to not vote for him

    ReplyDelete
  14. beware the "righteous man".... beware din dun sa nagsasabi na "katropa, yun pala hindi"....beware sa nagsasabi "anghel siya"...yun pala demonyo!

    ReplyDelete
  15. everybody is entitled to elect his/her own candidate, that is why we have this thing called "election"...

    ReplyDelete
  16. i don't want noynoy be forced by the media just like what they did to cory. mabuti silang pamilya pero wag sana dungisan kung nabigo man ang matataas n mga expectations ng mga tao dahil not-very-good ang performance nila AT less experienced pa rin si noynoy. anu ba un? lahat ng nasa isang pamilya sunod sunod na nasa politika? kaya ang panget ng sistema natin e. hindi rin porket role model ang pamilya ay sila na ang the best option for candidacy on election.

    think about it. kaya cguro hanggang ngayon nag-iisip pa rin si noynoy dahil para yun sa kapakanan ng imahe ng kanyang pamilya pati ang sarili nya.

    noynoy's standing for president is not really a good idea. masyadong kabigla bigla pag nangyari yun. syempre madami ding critiques ang magsasabi jan na ginamit lang ni noynoy ang pangalan ng mga magulang nya para maging presidente cya. and i don't think noynoy is a selfish person.

    ReplyDelete
  17. amen! mag-isip tayo... disaster yan pag naging presidente si Noynoy... and look at how the bussnessmen pushed for that survey wherein Noynoy became top 1... hmmmm? yan na... may mga vested interests yata...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...