
Ask and ye shall be answered lah...
Ano ang number 1 new years' resolution mo?
Na magkaroon na ako ng facebook account, pero since hindi ko naman nasusunod yung mga resolutions ko eh goodluck na lang sa akin.
If you can change one thing on yourself what would it be?
I'm too much with myself, i won't change anything else.
naniniwala ka ba sa soulmate... have you met your soulmate... ano ang iyong view tungkol dito...
Naniniwala ako sa kontekstong merong tao na ideally suited ang pagkatao sa pagkatao ng isa pa, kung soulmate ang tawag dun, then naniniwala ako sa soulmate.
Nahanap ko na ba ang soulmate ko? Sa pagkakaalam ko hindi hinahanap ang soulmate kusa syang dumadating, naniniwala din ako na hindi kailangang naka link romantically yung pagiging soulmate, example si wifey kadalasang salungat yung mga hilig namin, kakaunting bagay lang yung napagaayunan namin at maraming bagay kaming hindi napagkakasunduan so malamang out na sya sa picture ng pagiging soulmate ko, pero i find comfort sa differences namin and it works for us, kaya naging kami, kaya kami nag-sama and we don't give a flying shit about soulmate-soulmate na yan. Kung meron man akong soulmate eh mahahanap ko yan sa mga kaibigan kong mahihilig este may hilig sa akin... i mean pareho kami ng mga gusto at interes sa buhay buhay.
Mushy kasi masyado ang mga pinoy, kadalasang nililink natin lahat sa pag-ibig. Pero sa tingin ko ang soulmate hindi kailangan laging romantically inclined, hindi kailangang babae at lalake lagi, ang soulmate para sa akin eh yung taong komportable kang makisalamuha dahil tugma yung mga hilig nyo at paniniwala sa mga bagay bagay, maaring mga kaibigan mo o kaya maari ring ka-relasyon, minsan pareho. Mas naniniwala ako sa destiny kesa sa soulmate.
do we know each other? you look familiar...
i can't even see you now how would i know?
may asawa ka na ba?
meron na.
tunay mo bang pangalan yan?
(Marcial Bonifacio?) hinde.
Sino kausap mo sa profile pic mo?
kung sasabihin ko sa yo kung sino, hindi mo rin naman kilala so wag na lang...
What's the weirdest thing you've ever eaten?
maggots! the edible ones...
Questions? formspring me lah...
kinilig naman ako sa answer on that soulmate item.. :)
ReplyDeletenahanap mo na ba ang soulmate mo? hehe
ReplyDeletemost likely, heheh
ReplyDeleteyeahbah!
ReplyDeletekinilig ka din ba? hahah
ReplyDeletemedyo hihihi
ReplyDeletehahaha!
ReplyDeleteagree ako sa ideya n'yo ng "soulmate" ^___^
ReplyDeleteparang classmate lang naman yun di ba, ginawa lang 'soul' para malalim pakinggan...
ReplyDelete"kadalasang salungat yung mga hilig namin, kakaunting bagay lang yung napagaayunan namin at maraming bagay kaming hindi napagkakasunduan" =>>
ReplyDeletebalanse ng mundo...
oo parang polarity ng magnets...
ReplyDelete''''
ReplyDeleteseryoso ang sagot ha....naisip ko tuloy bigla kung bakit ko nga ba yun naitanong..siguro dahil nagkasalubong na kami ni soulmate.. kaso hindi ako ang soulmate nya... hanggang ngaun kasi iniisip ko kung paano nangyaring sobrang feeling ko sobrang swak kami pero magkahiwalay kami ng landas...
ReplyDeleteah ikaw pala ang nagtanong nun hehe
ReplyDeleteme mga bagay talaga na hindi para sa iyo, malay mo meron pang mas magandang dadating... o baka dumating na di mo lang napansin ;p