
Ang weird ng feeling pag nakakakuha ka ng lumang picture ng sarili mo sa mga lumang gamit, babalikan mo agad yung panahon kung kailan kinuhanan yung picture na yun tapos matatawa ka tapos masasabi mong ‘aba ampogi ko pala dati!’
Kuha yan ni wifey, third year college kami, pero di pa kami mag-on ng mga panahong yan, me crush pa lang sya sa akin kaya medyo pakipot pa ako ng konti. Di ko nga alam na kinuhanan pala nya ako ng picture, istolen shot yan kumbaga, nalaman ko lang nung pina-develop na namin yung mga film, oo wala pang digital slr nun, merong digital pero yung camera settings and interface lang pero basically film pa rin sya, wag nyo nang itanong kung anong year yan para wala tayong samaan ng loob. Gamit pa ni wifey yung Nikon F10 na slr nya na sa ngayon eh matino pa rin at malimit kong gamitin tuwing mahal na araw pero hindi para ipanghampas sa sarili ko na parang nagpepenitensya kundi para magphoto-photo ganun, gaya ng nauuso ngayon sa mga kabataan… y’know those photoblog shiznitzzz…
Natatandaan ko katanghaliang tapat nagaabang kami ng taxi nyan sa may Sampaloc area para makauwi, madami kasi kaming dalang gamit dahil galing kami sa Ilocos, lakbay diwa para sa photography class namin under Sir ‘Monsi’ (Simon). Masaya yung experience namin na yun, andami naming natutunang kalokohan lessons about photography na nalimutan ko na sa ngayon, pero isa yun sa mga experience namin nung college na di ko malilimutan, kita nyo naman naalala ko pa hanggang ngayon.
Suot ko pa yung peborit kong polo na actually eh gasboy uniform ng Penzoil na uwi sa akin ng tito ko nung nagbalikbayan sya, yun kasi ang uso nun, mga uniform ng blue collar workers na pinauso ng ilang alternative bands gaya ng Pixies, the Breeders saka ni Billy Corgan naaalala nyo pa ba sila? Tapos nakasukbit sa likod ko yung coleman kong backpack na tinutukoy kong ninakaw dun sa isang entry ko. Ninakaw nung mga construction workers yan sa school nung 4th year college na kami at ang masaklap pa eh kasama ang thesis write-up ko at ilang importanteng gamit gaya ng susi sa kwarto ko, mga libro, cassette tapes at uhm… thoothbrush, kaya hanggang ngayon pinapanalangin ko na sana makarma ng todo-todo yung nag nakaw nun at habang buhay syang dapuan ng malas, hindi naman dahil sa ninakaw nya pati yung thoothbrush ko pero ikaw ba naman mag ulit ng thesis write-up na dapat ipapasa mo na lang ewan ko lang kung di ka manumpa ng todo-todo.
Akalain mong sa isang picture lang eh andami ko nang nabalikang moments, yan ata talaga ang silbi ng mga pictures, parang music sya na binu-bookmark yung isang bahagi ng buhay mo. Nakakatuwa talaga dahil parang kailan lang yan pag naiisip ko, ang bilis talaga ng panahon as the cliché goes… yan rin yung mga panahong nangangarap pa ko tungkol sa kinabukasan, sa future, punung-puno pa ako ng optimism sa buhay pero obvious sa picture na kulang na kulang ako sa nutrisyon… anorexic pa ko ng mga panahong yan, kung tama ako eh sa mga panahong ito ang tamang termino dyan eh Kumi-kim Chiu.
Hehehe!!!
ReplyDeleteMacho gwapito Kuya Rick.
haha kuya rick mukha kang super studious
ReplyDeletehaha gupit binata eh : ))
ReplyDeletenerdy nga haha...
ReplyDelete