Mula nung magkamuwang ako hanggang nung nakaraang biyernes eh sa pagkakaalam ko dalawang beses pa lang ako nananakawan ng gamit. Yung una nung 4th year college kami, ninakaw yung backpack ko mula sa classroom habang nagpapractice kami ng graduation rites. Pangalawa nung nagtatrabaho na ko, nadukot naman yung celfone ko sa bag habang nakikipagsiksikan ako sa bus. Sa mga ganung pagkakataon madali lang akong maka-move on at madali ring lumipas sa isip ko yung mga ganung pangyayari, iniisip ko na lang na sana naman eh nakatulong sa buhay nila yung mga ninakaw nila, sa hirap nga naman kasi ng buhay ngayon hindi maiiwasang makapagisip ang ibang tao ng masama gaya ng pagnanakaw at pag pasok sa pulitika, yeah i know, redundant yung huli kong nasabi.
Nabanggit ko nga na mula nung nagkamuwang ako hanggang nung nakaraang biyernes eh dalawang beses pa lang akong nananakawan ng gamit, dahil yung pangatlong beses eh nung sabado ng madaling araw lang, pinasok yung bahay namin ng mga magnanakaw. Hindi namin inaasahan yun dahil tahimik at payapa ang lugar namin kumpara sa ibang lugar sa las piñas, mas malaki pa nga ang chance ni april boy regino na sumikat uli kesa magkaroon ng nakawan sa amin, first time nga itong nangyari sa lugar namin sa pagkakatanda ko at malas naman na kami pa ang nadale.
Ala-una na ng madaling araw ng sabado na ako nakauwi galing sa o-beer-time, naabutan ko pang gising ang mga pinsan ko sa baba na nagiinuman din, normal naman yun tuwing biyernes, pag pasok sa bahay agad din akong nakatulog dahil na rin sa medyo nakainom ako at sa kaantukan, mga ilang oras pa lang yung tinutulog ko nang ginising na lang kami ng katulong namin ng malakas na katok bandang 4:30 na ng umaga, taranta ang itsura nya, bihira ko syang makitang ganung ka-hysterical, usually pag kumakanta lang sya sa videoke at sabi nga eh pinasok daw kami ng magnanakaw, pagbaba namin eh sabog at nagkalat nga ang gamit namin sa 2nd floor wala na ang ibang gamit, sinabihan ko lang si wifey na wag munang gumalaw ng kahit anong bagay para sa imbestigasyon. Sa first floor, bukas ang pinto at tanggal ang mga jalousie ng bintana na malamang ginawang pasukan ng mga magnanakaw.
Sa kabuuan, ang mga nakulimbat sa amin eh dalawang portable dvd player, play station, mp3 player saka yung speaker dock nya, headset, 4k cash at pati yung school bag ni taz eh hindi pinatawad, ngayon ko lang nalaman na meron palang mga magnanakaw na ganitong ka techie base na rin sa mga kinuha nya. Maswerte naman na mabigat yung tv namin kaya hindi na siguro pinag-abalahan pang kuhanin, bagamat mukhang sinubukan nilang tanggalin yung component eh mukhang nahirapan silang tanggalin ang mga wiring ng speakers kaya iniwan na rin, swerte din dahil naisipan ni wifey na iakyat yung laptop at digicam sa third floor nung gabing iyon, at yung mga celfone namin eh lagi naming bitbit kaya laking pasasalamat na rin at hindi napasama sa mga nakuha.
Mula kasi sa third floor kung saan nandoon ang mga kwarto namin eh hindi dinig ang ingay sa baba, kaya wala kaming ka-alam-alam na meron na palang tao sa 2nd floor ng mga oras na yun at kung gugustuhin nilang mag rave party eh magagawa nila ng hindi namin namamalayan dahil una, lasing ako, pangalawa tulog mantika ang katulong namin at si wifey. Sa inisyal na imbestigasyon lumalabas na dalawang tao ang gumawa ng pagnanakaw, base na rin sa mga fingerprints na nakuha sa jalousie ng bintana at mga footprints sa upuan sa second floor, nakakalungkot lang isipin na isang footprint at fingerprint ang nag-a-identify na isa sa mga magnanakaw eh isang bata na hindi hihigit sa 13 taong gulang kung pagbabasehan ang mga imprints na nakuha.
Ganun daw kasi ang modus ng mga magnanakaw, mag bubukas ng maliit na pasukan sa bintana na kasya ang isang bata at mula doon ay bubuksan ang pinto ng bahay, at duon na nila gagawin yung pakay nila na magnakaw. At yun nga ang malungkot dun, ginagamit pa nila ang mga walang muwang na bata sa kalokohan nila, naisip ko tuloy na baka wala nang kinabukasan yung batang iyon pag pinagpatuloy nila yung ginagawa nila, sana maisip nila yon, pero sabi nga nila mahirap mag isip pag walang laman ang sikmura.
Gusto ko man mainis sa nangyari eh wala naman akong magagawa, masasayang lang yung emosyon ko kung maghihimutok pa ako, ang mahalaga walang nangyari sa aming masama, inisip ko na lang na sana kung sino man yung nagnakaw nun eh sana napagamot nila yung anak nilang may sakit, o kaya napag aral nila yung anak nila, naibili sana nila ng pagkain at ibang pangangailangan nila, sana dala lang talaga ng pangangailangan kaya nila nagawa yun at hindi para lang ipambili ng droga. Hiniling na lang namin sa mga kinauukulan na dalasan ang pag ronda at hindi isang beses lang sa isang gabi, at maging visible pa sana sila sa lahat ng pagkakataon, sumangayon naman sila at gagawin naman daw nila ang kanilang makakaya para maiwasan na ang ganitong pangyayari, pero parang me bahagi ng utak ko na ayaw maniwala sa kanila, i dunno, maybe its the orange vest that emphasize their bulging beer-bellies.
Madali naman naming makakalimutan yung mga ganitong bagay, pero sa ngayon eh nagigising pa rin kami ni wifey sa madaling araw para i-check ang bahay, paranoid kumbaga, yung katulong nga namin halos ayaw na ring matulog para mabantayan lang ang bahay, kulang na lang uminom ng 10 bote ng Cobra energy drink para lang gising buong gabi, pero sabi nga ni nanay kumalma lang daw kami, ayusin na lang ang mga dapat ayusin para sa aming kaligtasan, madali nga namang mapalitan ang mga materyal na bagay, nagpapasalamat din kami kay Bro at ligtas kaming pamilya, malungkot man yung nangyari kahapon, alam naming hindi naman doon natatapos lahat, nilalagay namin sa aming isipan na laging may bukas pa... at yan ay pagkatapos ng TV Patrol World.
atsaka baka yung bata yung kumuha ng bag ni ms. Taz ?
ReplyDeletesa kagustuhang magkaron ng gamit sa school
think positive baga XD
haaay~ sorry to hear that po ..
yun lang talaga ang pwedeng gawin sa mga ganitong pangyayari, think positive...
ReplyDeletesalamat waypi!
ganitong ganito ang nangyari sa amin ni google sa dati naming apartment. :(
ReplyDeleteim sorry to hear that kuya rick. nevertheless, thank God you're all safe!
ganitong ganito ang nangyari sa amin ni google sa dati naming apartment. :(
ReplyDeleteim sorry to hear that kuya rick. nevertheless, thank God you're all safe!
pucha hassle papi.. ingats nlng lagi bili kang shotgun hehe
ReplyDeleteawww...
ReplyDeletebuti n lng din at walang nagising rick... bka my nasaktan pa senyo..
ngkaganyan din kami s baguio... 17 kami.. 3 lng natirhan ng celphone.. wallet,digicam.. kinuha lahat.. haaayy...
rickitik...ibig sabihin palitan ninyo na ng mga latest model ang mga gadgets na nawala. Mahirap palitan kapag nandiyan lang. At least may reason talagang bumili uli....magastos nga lang.
ReplyDeletefeeling ko nga this happens everyday... iba ibang lugar lang : (
ReplyDeletehaha oo papi saka aso...
ReplyDeleteganun... sila sir ross din sa zambales nanakawan ng mga dslr nung workshop nila tsk tsk... ito ang mahirap sa third world country
ReplyDeletenaku po ms didith napakasakit nito sa bulsa haha
ReplyDeletehala !!!!
ReplyDeleteayos ung ending...hmmm...mas mahalaga pa rin ang buhay ng tao sa kahit ano pa mang bagay sa mundo. . .at nagpapasalamat naman po ako dahil talagang pagnanakaw lang ang pakay nila. . .gabaan sila
ReplyDeletetalagang mas mahalaga ang buhay ng tao kaysa anu pa man sa mundo... nagkagipitan lang siguro kaya nila nagawa... : )
ReplyDeletekung nababasa mo ito sana magreply po kau may mga tanong ako,,,
ReplyDelete1)may nakita ka bang ng ibang tao yung papasok kau sa bahay nyo?
2)ilang taon na nagtratrabaho yung katalung nyo sa inyo nung mga panahun na yun?
3)mga ilang oras kayong natulog nun, ano sa palagay nyo?
4)nung natutulog ka, yung mga kasama mo sa bahay tulog na ba or gising pa? kung gising pa nasaan sila nung mga oras na yun?
pasensya na po madaming akong tanung dahil nahihinayan ako sa bata na yung magnanakaw dahil pina-anak ba sa sya para magnakaw at magging masamang tao? ganyan na ba ang kahipan yun sa bansa natin? sana naman magtrabo sila at mag-ipon ng pera para malaman nila kung gaano natin pinaghirapan kunin yun