Skip to main content

Ikalawang Buwan (Not for the Faint of Heart!)

We all have our own scary stories to tell diba, I decided to post mine tutal Halloween naman eh, medyo tamang tama ang timing, para namang tanga kasi kung ipo-post ko to sa Christmas. Base ito sa isang bahagi ng buhay namin na kinatatakutan kong balikan, yung mala-pang Regal Shocker ang dating. Kung mahina ang puso nyo I suggest that you navigate away from this page, pero if you’re up for it then read the whole story from beginning to end. Again this is not for the faint of heart. Tingin ka muna sa likod mo bago basahin.

 

 

Ikalawang Buwan


Mayo 30 nun Sabado, tandang tanda ko, sampung taong gulang ako, bakasyon sa iskwela kaya may araw na ay nakahiga pa rin ako, napabalikwas lang ako ng sumigaw si aling Tinay sa katabi naming apartment, nandun sya sa kwarto ni ate Mercy na katapat lang ng kwarto ko. Hindi ko malaman kung bakit pero maingay na rin sa labas ang mga tao na nag-uusyoso. Sarado ang bintana ni ate Mercy kagabi pa pero bahagyang na-aaninag ko na dumami na ang tao sa kwarto nya. Tumakbo ako sa kwarto nila nanay para tanungin ang nangyari pero wala na sila, natanaw ko sila mula sa bintana na nakikiusyoso na rin sa labas habang papalapit ang ambulansya na mabagal ang takbo dahil sa dami na rin ng tao.

Eksaktong ikalawang buwan na naninirahan sila ate Mercy at aling Tinay sa apartment nila Ka Eusebia, ang masungit na matandang may ari ng apartment, natatandaan ko pa nung una silang dumating, maaliwalas ang mukha ni ate Mercy at nakipagkilala agad sa amin. Sa Makati sya nagtatrabaho at gabi-gabi ay inihahatid sya ng boyfriend nya mula sa trabaho. Sweet silang dalawa, laging magkahawak ng kamay pag nauwi. Sa loob ng isang buwan at mahigit hindi ko pa nakitang umuwi si ate Mercy ng mag-isa, lagi siyang hinahatid ng boyfriend nya, pwera nung  Miyerkules na yon, mag-isa lang syang umuwi, mabilis ang lakad at nakatakip sa bibig ang mga kamay habang nahikbi hikbi, hindi ko na pinansin yun at nagpatuloy ako sa paglalaro sa labas.

Pag akyat ko sa kwarto ko, na katapat lang ng kwarto ni ate Mercy, doon ko nakumpirma na umiiyak sya, hagulgol talaga at halatang masama ang loob sa kung ano man, matagal syang naiyak hanggang sa maka-tulugan ko na. Kinaumagahan, Huwebes, dinig ko pa rin ang iyak nya, may mga ilang saglit lang ng pag tigil pero tuloy tuloy pa rin ang pag iyak, mula umaga hanggang gabi. Tumahimik lang ang lahat nung Biyernes ng gabi, naisip ko ok na siguro si ate Mercy, pero sarado pa rin ang bintana nya nun, patay pa rin ang ilaw, matagal tagal ko ring tinitigan yung bintana hanggang makatulog na ko.

At yun na nga kinaumagahan ng Sabado, paglabas ko, sinasakay na sa ambulansya si ate Mercy, nakatakip ng puting tela, naglaslas pala ng pulso sabi ni nanay. Iniwan pala ng boyfriend na sumama sa ibang babae at sa sobrang sama ng loob ay nagpakamatay si ate Mercy. Hindi na namin nakausap si aling Tinay dahil nagmamadali na syang nagimpake at umalis na rin, eksakto ikalawang buwan mula nung dumating sila. Kinabukasan, Linggo isang truck ang dumating para hakutin na ang mga gamit nila, wala na kaming nabalitaan pa mula noon tungkol kay aling Tinay at kay ate Mercy. Hindi ko muna binuksan ang bintana ng kwarto ko dahil natatakot din ako sa kung ano ang makita ko sa kwarto ni ate Mercy.

Makaraan ang isang linggo, may nangupahang mag asawa sa apartment, hindi sila pala labas kaya hindi namin sila nakilala, hindi rin sila nag tagal dun at makaraan ng ikalawang buwan ay bigla na lang silang umalis. Hindi namin inisipan ng kung anuman ang pangyayaring iyon hanggang sa may mangupahan uling dalawang magkapatid, at gaya ng inaasahan ko, pag sapit ng ikalawang buwan ay dali dali silang umaalis ng walang paliwanag. Ganun din ang nangyari sa pamilyang sumunod sa  kanila at sa iba pa. Pag dating ng ikalawang buwan ay bigla na lang silang umaalis. Dito na naghinala ang mga tao sa amin.

Matagal tagal ding nabakante ang apartment bago natirhan uli ng isang pamilya. Normal naman ang mga unang araw at nakilala rin ni nanay si aling Rose, ang bagong lipat, pero alam ng lahat at inaabangan pa rin namin ang ikalawang buwan nilang paninirahan sa apartment. At pag sapit ng ikalawang buwan, gaya ng inaasahan ng lahat, kinaumagahan ay dali-dali silang nag-impake at naghanda para maka-alis. Dito na nag lakas loob si nanay na tanungin ang nangyari. Hinila agad si nanay ni aling Rose na habol ang hininga at pabulong na nagkwento… hindi ko malimutan ang mga binitiwan nyang salita…

“Yang apartment na yan…” pawisan si aling Rose at palunok lunok ng laway habang nagsasalita. “Yang apartment na yan…” palinga-linga rin sya sa paligid at halatang balisa.

“Yang apartment na yan… akala ko mura lang ang upa, aba bigla ba namang nagtaas ng doble kesa sa unang bigayan! Ang walang hiyang matandang Eusebia na yan nung una eh P5,000 lang ang usapan namin kada buwan aba eh nung ikalawang buwan eh ginawang P10,000 na, sino ba ang makakatagal dyan kung ganyan ang pamamalakad nya! Kaya hindi na ko magtataka kung lahat pala ng umupa dyan eh hanggang dalawang buwan lang ang tinatagal, dahil sa pagtaas ng renta sa ikalawang buwan. At kung hindi ka sasangayon eh papaalilsin ka basta basta at kung hindi ay papa baranggay ka pa. Kaya kami nga nagmamadali na pagiimpake kaya kanina pa ko hinihingal. Wala talagang tatagal dyan sa apartment na yan.” Wika ni aling Rose.

At iyon ang kwento ng ikalawang buwan sa apartment ni Ka Eusbia, nabalisa ba kayo? Iwas-iwasan nyo kasi ang pag-inom ng kape.

 

PS

Habang sinusulat ko itong blog na ito ay nakaamoy ako ng kandila sa kwarto ko, ito ay matapos magkantahan ng ‘happy birthday’ ang mga bata sa kapitbahay, kinikilabutan ako, di ko ito mapaliwanag.



Comments

  1. :)) sir ang galing nito...
    ang ganda ng ending, ang ganda ng flow ng istorya expect ko na kun anu yung ending pero mali pala ako..:D
    ang galing!!!

    ReplyDelete
  2. salamat men, rick na lang wag na sir... wala lang magawa minsan kaya kung anu-ano pumapasok sa isip hehe...

    ReplyDelete
  3. mga ganitong takbo ng istorya gusto ko eh hehehe
    meron "twist" ika nga nila

    ReplyDelete
  4. medyo twisted kasi utak ko, buti sayo berde lang wahehehe

    ReplyDelete
  5. hahah...=) yun pala yun.. galing naman nun!

    ReplyDelete
  6. hahahah! akala ko naman, mayron mumu!

    ReplyDelete
  7. haha na-over hyped lang ng halloween : ))

    ReplyDelete
  8. hindi sabaw... red horse wahehehe...

    ReplyDelete
  9. haha wala naman, pero yung suicide thingy totoo yun... goosebumps : ))

    ReplyDelete
  10. hoy ricko suave...bakit naman twisted utak mo? I was about to text you kung totoo ba itong blog na ito...talaga naman oo...

    ReplyDelete
  11. haha yung suicide nga totoo yun pero yung twist sa story, gawa gawa lang ng twisted kong utak hehe...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.