Its been a while, and the whole vacation thing is taking its toll on me. Nasanay na ata
akong mag trabaho at parang hinahanap hanap ng katawan ko yung pag pasok sa opisina,
charing! Hirap ng walang ginagawa sa bahay, sulitin ko na lang dahil malamang next year
pa uli maulit yung ganito.Ilang oras na lang din at ibababa na yung mga 2008 na kalendaryo
para isabit yung 2009 naman, ambilis talaga ng panahon. Naisipan ko na ring baguhin yung
itsura ng multiply site ko, wala lang, para maiba lang, parang me kulang lang sa design,
di ko alam kung ano, dapat siguro di ko na pinatakpan sa bata yung...Ang ganda lang nung
phrase... quote ba yun? Parang bagay sa new year, "Growing old is inevitable, growing up
is optional", salamat Michelle para sa email na pinagkuhanan ko ng quote. Gaya ng dati
naguluhan nanaman ako sa CSS na yan, isang oras din ang ginugol ko para mabago ang
itsura ng site, mahirap talaga pag walang gaanong alam sa intarnets.Yung quote? wala
namang anything special about dun, hindi ko sya nilagay dahil me ibig sabihin sya sa
buhay ko, hindi naman yan parang love song na ilalagay ko dahil na tats ako sa lyrics,
dapat nga ilalagay ko lang "If you're happy and you know it , clap your hands!" pero mas
maganda na yang quote na yan, hindi ko nga mapaliwanag yung quote pero magandang
pakinggan di ba? Para akong edukadong tao.
Pasensya na nga pala sa mga kaibigan kong nag-aabang ng blog, lalo na yung nasa ibang
bansa, (kilala nyo na kung sino kayo) alam ko isa sa pampalipas oras nyo dyan yung
pagbabasa ng blog ko, pasensya na dahil medyo naging busy ako nitong holiday season.
Bakit kaya pagsinasabi nyo sa akin na pampalipas oras nyo yung blog ko, feeling ko
para akong sex slave nung panahon ng hapon? Eniweys pasensya na uli. Aktwali wala nga
akong maisulat ngayon dahil napuno ata ng alcohol yung utak ko. Pwede nyo na siguro
akong tawaging alcoholic dahil mula 23 hanggang 27 eh puro inuman ang pinuntahan ko,
ngayon-ngayon lang ako nagfu-flush-out ng alcohol sa katawan...ang mabisa daw na
pag flush-out ng alcohol sa katawan eh prutas, kaya madalas akong uminom ng redwine
ngayon... ubas naman yun right?
O sya balik na lang uli ako pag meron na uli akong mai-popost, baka next year na yon,
salamat nga pala sa mga nagpadala ng mga regalo, na-appreciate ko lahat yun, natutuwa
nga ako at ngayon eh meron na kong 12 na towels, 5 mugs, 3 pen na may laser pointer,
2 cd organizer, at 2 picture frames... ansaya di ba? Sana maging original naman kayo sa
pagreregalo next year... joke lang, salamat pa rin sa regalo, sabi nga eh "it's the thought
that counts" sana lang pwedeng i-convert sa cash yang "thought" na yan.
Happy New Year sa inyong lahat and keep those fingers intact!
Happy New Year sir Rick! Awesome! Rock&roll!!! :)
ReplyDeleteHappy New Year din Shen!
ReplyDeletehappy new year kuya rick! have a fun, all-fingers-complete new year ahead! :D
ReplyDeleteSir kasama na ba ako dito?
ReplyDeleteNakapanibago nga sir eh wala kang sinulat mga ilang linggo din hehehe
pero eto na nga at nagbalik ka:D
Happy New Year po sa inyo
Happy New Year Gracey! Yep all fingers complete so far... all nine of them...
ReplyDelete: P
haha oo kahit sino na yan, madami rin kasi akong katrophan dyan sa Dubai, almost 50% ng classmates ko nung college nandyan... pipilitin muling makabalik next year... Happy New Year!
ReplyDeletehafi nu yr papi
ReplyDeleteHuwoy! Happy New Year din fafi!
ReplyDeletethats wahat im talking about hee hee sh*t happens..happy new year po :}
ReplyDeletehaha same shit different day! Happy New Year! : )
ReplyDeleteforrest! pinagisipan ko po talaga kung sang movie ko siya nakita't narinig woohoo :}
ReplyDeletehaha congrats!
ReplyDelete