Skip to main content

Growing old is inevitable, growing up is optional.


Its been a while, and the whole vacation thing is taking its
toll on me. Nasanay na ata
akong mag trabaho at parang hinahanap hanap
ng katawan ko yung pag pasok sa opisina,
charing! Hirap ng walang ginagawa
sa bahay, sulitin ko na lang dahil malamang next year
pa uli maulit yung
ganito.Ilang oras na lang din at ibababa na yung mga 2008 na kalendaryo
para
isabit yung 2009 naman, ambilis talaga ng panahon. Naisipan ko na ring baguhin yung
itsura ng multiply site ko, wala lang, para maiba lang, parang me kulang lang sa design,
di ko alam kung ano, dapat siguro di ko na pinatakpan sa
bata yung...Ang ganda lang nung
phrase... quote ba yun? Parang bagay sa new year,
"Growing old is inevitable, growing up
is optional", salamat Michelle para sa
email na pinagkuhanan ko ng quote. Gaya ng dati
naguluhan nanaman ako sa CSS na
yan, isang oras din ang ginugol ko para mabago ang
itsura ng site, mahirap talaga pag walang gaanong alam sa
intarnets.Yung quote? wala
namang anything special about dun, hindi ko sya
nilagay dahil me ibig sabihin sya sa
buhay ko, hindi naman yan parang love song na
ilalagay ko dahil na tats ako sa lyrics,
dapat nga ilalagay ko lang "If
you're happy and you know it , clap your hands!" pero mas
maganda na yang quote na
yan, hindi ko nga mapaliwanag yung quote pero magandang
pakinggan di ba? Para akong
edukadong tao.

Pasensya na nga pala sa mga kaibigan kong nag-aabang ng blog, lalo na yung nasa ibang
bansa, (kilala nyo na kung sino kayo)
alam ko isa sa pampalipas oras nyo dyan yung
pagbabasa ng blog ko, pasensya na
dahil medyo naging busy ako nitong holiday season.
Bakit kaya pagsinasabi nyo sa
akin na pampalipas oras nyo yung blog ko, feeling ko
para akong sex slave nung
panahon ng hapon? Eniweys pasensya na uli. Aktwali wala nga
akong
maisulat ngayon dahil napuno ata ng alcohol yung utak ko. Pwede nyo na siguro
akong
tawaging alcoholic dahil mula 23 hanggang 27 eh puro inuman ang pinuntahan ko,
ngayon-ngayon lang ako nagfu-flush-out ng alcohol sa katawan...ang mabisa daw na
pag flush-out ng alcohol sa katawan eh prutas, kaya madalas akong uminom ng redwine
ngayon... ubas naman yun right?


O sya balik na lang uli ako pag meron na uli akong mai-popost, baka next year na yon,
salamat nga pala sa mga nagpadala ng
mga regalo, na-appreciate ko lahat yun, natutuwa
nga ako at ngayon eh meron
na kong 12 na towels, 5 mugs, 3 pen na may laser pointer,
2 cd organizer, at 2
picture frames... ansaya di ba? Sana maging original naman kayo sa
pagreregalo next year... joke lang, salamat pa rin sa regalo,
sabi nga eh "it's the thought
that counts" sana lang pwedeng i-convert sa
cash yang "thought" na yan.


Happy New Year sa inyong lahat and keep those fingers intact!

Comments

  1. Happy New Year sir Rick! Awesome! Rock&roll!!! :)

    ReplyDelete
  2. happy new year kuya rick! have a fun, all-fingers-complete new year ahead! :D

    ReplyDelete
  3. Sir kasama na ba ako dito?
    Nakapanibago nga sir eh wala kang sinulat mga ilang linggo din hehehe
    pero eto na nga at nagbalik ka:D
    Happy New Year po sa inyo

    ReplyDelete
  4. Happy New Year Gracey! Yep all fingers complete so far... all nine of them...
    : P

    ReplyDelete
  5. haha oo kahit sino na yan, madami rin kasi akong katrophan dyan sa Dubai, almost 50% ng classmates ko nung college nandyan... pipilitin muling makabalik next year... Happy New Year!

    ReplyDelete
  6. thats wahat im talking about hee hee sh*t happens..happy new year po :}

    ReplyDelete
  7. haha same shit different day! Happy New Year! : )

    ReplyDelete
  8. forrest! pinagisipan ko po talaga kung sang movie ko siya nakita't narinig woohoo :}

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...