Skip to main content

Tama na

Sa buhay natin dadating yung araw na sasabihin mong, ‘Tama na.’ Yun yung oras na wala ka nang maisagot sa isang usapan, bigla kang mananahimik dahil alam mong wala nang patutunguhan pa kung makikipag-talo ka pa, hindi ka galit pero mas pipiliin mong manahimik. Iisipin mong mas maigi pa ang itikom ang bibig dahil wala ka ring maisasgot na kahit ano, end of story, finish, the end.

Hindi naman karuwagan ang pananahimik di ba? Ano ba ang pinupunto ko? Laging sinasabi ni erpats ‘kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang’, hanggang ngayon sinusunod ko yun, at madalas kong magamit sa mga ganitong pagkakataon…

 

Eksena sa opisina

Ate jes: Nanganak na pala si Jennelyn Mercado!

Ako: Talaga? Ano anak?

Ate jes: cesarean!

Ako: --

 

Eksena sa jeep

Mama: (pasakay sa jeep) Pare Zapote ba to?

Ako: Oo (sabay tango)

Mama: (pagka-upo sa jeep) Zapote?

Ako: --

 

Eksena sa bahay

Ako: Nay naiwan mo yung celfone mo sa  terrace, may missed call ka.

Nanay: Ay, o ano daw sabi?

Ako: --

 


Eksena sa fastfood chain

Sales crew: Will that be all sir?

Ako: Yes thank you.

Sales crew: How about some sundae sir?

Ako: No thaks, that’s all.

Sales crew: How about some fries sir?

Ako: --

 


Eksena sa HS reunion

Ako: Uy ilan na anak mo?

Girl Classmate: 2 na anak ko.

Ako: Ah talaga, sino ba napangasawa mo?

Girl Classmate: Walang ama, gusto ko lang magka-anak.

Boy Classmate: Anak lang pala gusto mo sana tinext mo na lang ako.

Ako: --

 


Eksena sa inuman

Kumpare: Dude, ilang bakla ang bumubuo ng vadingger Z?

Ako: --

 

Siguro naman nakuha nyo na yung pinupunto ko? End of story, finish, the end.

 

 

 

O.T.

Di ako mapakali, hindi ko alam kung bakit, parang aym so eksayted en I jas kent hayd et!

 

Yak.

Comments

  1. hahaha, natawa ako sa lahat nam naka-list...

    i sometimes encounter the same with food chains ;)

    ReplyDelete
  2. hahahhhahah sana nagluto ka nalang ng nido soup para sabaw ahahaha

    ReplyDelete
  3. haha speechless ba... uy congrats nga pala sa wedding op di century...

    ReplyDelete
  4. ganyan din ako dati nung nagwowork ako sa greenwich and mcdo. ;) kelangan mangulit..magsuggest.. at kung anu ano pa.. heheh

    may mga suki ako before.. bumibili na lang tas di kukunin sasabihin para sakin n lang.. hahah

    ReplyDelete
  5. whoaaa, isa ba si manong mo sa mga yun? hehe

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...