Mga ilang linggo na rin ang nakakalipas nung namatay si "Fender" o mas kilala sa tawag na "Beware", yung aso namin, pero nung sunday ko lang sya na-miss. Inatake uli kasi ng impulsive buying syndrome si wifey kaya napabili ng electric grill, napilitan tuloy akong mag chicken bbq nung linggo para naman ma-justify yung pag bili nya ng electric grill, at matapos nga ang kainan maraming buto ng manok ang natira, kung buhay si Fender malamang sa kanya nakatoka ang mga buto, oo hindi sosyal yung alaga namin, ayos na ang buto-buto, kahi t left overs lang oks na sa kanya at hindi namin sya pinapakain ng dogfood kahit kelan, ang paborito lang nya eh yung Eggnog biscuit. Maganda naman ang lahi nya kahit ganun, sya ay isang Canis lupis familiaris or domestic dog, asong bahay lang. Fender yung pinangalan namin sa kanya, sunod sa tatak ng gitara ni sister nung nagaadik adik nag-babanda pa sya. Sixteen years old na sya nung namatay, kaya para sa mga aso, she lived a ful...