Ang ganda ng pangalawang araw namin sa trabaho, ganadong ganado ako at napakaaga kong dumating sa opis pero pag dating ko ang say-saya, brown out pala, nagkaroon na ng kuryente bandang 11:30 pero pagdating ng 4pm brown-out uli, shet walang nagbago, ironic pa dahil nakatanggap pa ko ng text na "Dude musta? whats new?" mula sa tropang coño-coñohan, reply naman ako "anong whats new?", reply uli sya "anong bago?" tinagalog lang nya, nagmukha pa kong di marunong umintindi ng ingles, "wala! tawag ka na lang dito sa opis brown out kasi para maaliw naman ako" sagot ko naman.
"Hello? o anong bago sau ngayong new year" bungad agad nya pag katawag, "me sipon ako ngayon, last year kasi wala eh." pabirong sagot ko, tawa lang sya. Napaisip tuloy ako, pag new year ba kailangan me bago? Pre-requisite ba yun kapag nagpapalit ng taon? Ni hindi nga ako gumawa ng new years resolution ko dahil yung limang resolution ko last year isa lang ang nasunod ko, sumasablay pa paminsan minsan... i know... di nyo na kailangang sabihin... sucks to be me.
Kung bago't bago rin lang ang paguusapan eh wala naman talaga akong binago, aside sa mga materyal na bagay na binili ko nung pasko, ah me bago lang akong motto na napulot ko mula dun sa kainuman ko over the holidays, "mas masarap magpahinga kapag pagod!" magandang motto di ba? Very positive ang dating.
Kung yung start ng working day for 2009 ang pagbabasehan eh wala naman talagang gaanong pinag-bago, the usual day, the usual playlist sa player, the usual breakfast, trapik pa rin, nagyoyosi pa rin yung driver ng jeep na sinasakyan ko, bad trip! yung radyo sa bus yun pa rin yung station 'the no. 1 radio station in the Philippines pa rin daw sila gaya ng kine-claim ng lahat ng FM radio sa bansa, yung nagtitinda ng mani sa mantrade ganun pa rin ang sinisigaw, bagong luto daw kahit alam naman ng lahat na iniinit lang nila yun, yung nagtitinda ng ulam sa canteen sa likod ng opisina 'iskenless' pa rin ang bigkas sa skinless longganisa, mukha pa rin ni Bayani ang makikita mo sa edsa at marami pang same thing piping in and around the metro... and don't get me started on politics please lang.
Kahit bumaba ang inflation nung December, tayo pa rin daw ang most corrupt country sa asia, ang galing, cheers to that! Syempre itatanggi yan ng mga taong nagtatrabaho sa gobyerno, its a case of "don't bite the hand that feeds you" thing. Sori ayokong maging cynical pero gobyerno natin pinaguusapan natin kaya can't help it. There are changes nga pero for the worse ata, and the crying part eh the worst is yet to come. Imagine nyo na lang yung 2010 election, tapos habang iniimagine nyo, i-hum nyo yung background music ng JAWS parang... deee dum... deee dum... de dum de dum de dum... good luck sa future nating lahat, ewan ko ba kung pano napunta sa government tong usapan, tama na to, sinasayang ko lang oras nyo at oras ko.
Ayokong magpaka-negative pero me mga bagay na negative talaga ang dating sa akin, you can call me pessimistic all you want... i can live with that.
And don't get me started on madam auring predictions.

uy..nipost ang pic ng HD niya. wehehe
ReplyDeletehappy new year! =)
ReplyDeletehaha buhay pa ba si madam au? haha
ReplyDeleteHD? hahahahahahahaha
ReplyDeleteWelcome back and happy new year din! : D
ReplyDeleteoo buhay na buhay at me asim pa hehehe
ReplyDeleteganyan pala may tipo mu sir?! weheheh.. hhmm..lufet!
ReplyDeletebwahaha! uyyyy! crushh..
ReplyDeletedoes she still fortune-tell?
i lab d pic fafa rick haha cheers to the corrupt Pilipinas! ahahha
ReplyDeleteThis blog entry is just awesome! panalo! I had fun reading it sir rick! rock&roll!!! ;)
ReplyDeletekuya rikrik!!! sarap basahin ng nobela mo..eheh...moving ika nga...kamustamos?? kitakits na lang...apir!
ReplyDeletehaha oo yung tipong antigo yung dating hahaha... nasusuka na ko hweeee XP
ReplyDeleteoo nanghuhula pa sya at ang latest na hula nya eh si Vice President Noli ang next president... is that good or bad?
ReplyDeletepang fhm cover papi! hekhek
ReplyDeleteshen shen! salamat rock&rolling\m/
ReplyDeletegelibee! musta na, oks na oks naman ako, alam ko mis mo na taho in the morning! : D
ReplyDeletehaha no comment, hayy naku philippine politics *scratch-head*
ReplyDeletehay xempre..love of ur life talaga...soulmate! wehehehehe..para bago me bago, sana magkita na kau ni madam...hahahah...:))
ReplyDelete