Skip to main content

If she was a booger, would i blow my nose?


BABALA: Ang susunod na entry ay naglalaman ng mga bagay bagay na may kinalaman sa pag-ibig.

Love is lovelier the second time around


Nitong mga nagdaang araw napansin ko na di ko mapigilang tingnan si wifey, ume-effort sya ngayong magpa-beautify ng sarili, madalas din nya akong mapangiti, minsan pa napapatawa pa nya ko ng malakas, yung labas ngala-ngala, yun yung nagustuhan ko sa kanya nung una, kaya nya akong patawanin, parang college days bigla, in love na ata ako uli... ang cheesey ng post na to pero totoo.

Di naman ako perpektong asawa, at hindi rin kami perpektong couple, we had our fair share of hearthaches ika nga, at kadalasan sa akin yung pagkukulang...

(dito papasok yung 'Hard Habit to Break' ng Chicago as background music)

parang Joe D'Mango lang...

"I guess I thought you'd be here forever
Another illusion I chose to create
You dont know what ya got until its gone
And I found out just a little too late
Bobochichang chiriri kong koy la
A buchikik"


Pasensya na tumatalon yung kanta, pirated eh...

Oo madalas sa akin yung pagkakamali, kung meron man kaming di pagkakaunawaan sa ngayon ako ang dapat sisihin. Madalas pa hindi ko inaamin yung pagkakamali ko at kung anu anong dahilan ang lagi kong ibinibigay, hindi naman ako ma pride na tao, madahilan lang. Pasensya na tao lang... pinaka-sikat na palusot na alam ko.

Kung iisipin mo napaka babaw na dahilan nun, sino ba nakaisip na gawing dahilan yung pagiging mortal natin? Naisip ko kasi, lahat naman tayo binigyan ng pribilehiyo ng Diyos para pumili ng tama o mali, yung pagpapasya, yun yung sukatan ng katatagan ng bawat tao, dahil kung tutuusin pwede naman nya tayong gawing mababait lahat, na puro tama lang ang pipiliin, pero di nya yun ginawa dahil gusto nyang tayo mismo ang pumili at magpasya sa bawat bagay na kahaharapin natin 'freedom to choose' ika nga, at ang bawat maling pagpapasya ay hindi dapat natin isisi sa pagiging tao lang natin kundi sa mali nating pagpapasya at hindi pagpili ng tama, isipin natin lagi na hindi tayo nilikha ng Diyos na mahina. Ang pagsisi natin sa pagiging tao lamang natin sa bawat pagkakamali ay isang kawalan ng pagpapahalaga sa sarili. Hindi ko na kailangang umatend ng seminars o retreats at hindi na rin ako kailangang sumailalim sa counseling  para mapagtanto ang mga bagay na to, pinanood ko lang yung 'One More Chance' nila John Loyd at Bea.

At ngayon nga na alam ko na at kaya ko nang tanggapin ang mga pagkakamali ko, utang ko ke wifey ang paghingi ng sorry, dapat nga noon ko pa sinabi... "labs... sorry sa mga pagkukulang ko. Pasensya na... tao lang."

toooiiiiinks

Alam ko naman kahit paano karas pa rin nya ko hanggang ngayon, minsan nga nahuhuli ko pa sya na napapalingon sa akin pagnaka-japorms ako, nagsi-sikand look baga. Yun pag sikand look nya kasi sa akin kapareho nung pag sikand look nya kay John Lloyd pag nakikita nya to sa TV. Hindi ko naman sinasabi na kamukha ko si John Lloyd, pero kung ipipilit nyo eh wala na kong magagawa dun.

Alam ko sa pagtanggap ko sa mga pagkakamali ko malaki ang posibilidad na muli kaming bumalik sa dati naming nakagawian, totoo yun, 'love is lovelier the sikand time around' sequel kumbaga. Excited na ko, alam kong darating uli kami sa eksenang magpapalitan kami ng mga katagang matagal-tagal na ring naging absent sa araw-araw naming pamumuhay, pero this time hindi na pa-tweetums, mas mula sa puso, mas seryoso at mas matured...

"labs... 1-4-3-4-4-5-2-5-4-2-3... tsaka... I.T.A.L.Y. I Trust And Love You..."

If she was a booger, would i blow my nose?

If she was a booger, i would pick her, then eat her... ganung ka-gross, pero yung love ganun talaga, minsan mapapa-eeeeeeeewwwwwwww ka pero at the end of the day eh masarap pa rin.

(dito papasok yung 'Colour My World' na background music... mahilig ako sa music ng Chicago walang pakialamanan.)


Comments

  1. Waaahhhh...reminds me of the lemonheads song sir..."Being around"...

    "If i was a booger, would you blow your nose? I'm trying to find a reason for just being around..."

    As always...napangiti at natuwa nanaman ako habang binabasa ang blog na itoh....galing po sir rick! rock&roll!!! ;)

    ReplyDelete
  2. haha dun ko nga nakuha yun! peborit line ko dun

    If I was the carpet would ya wipe your feet,
    In time to save me from mud off the street?
    If you like me, if you love me,
    Why dont you get down on your knees
    And scrub me?
    Im a little grubby
    From being around

    salamat uli shen!

    ReplyDelete
  3. awww...hay love! sarap mainlove.... ang pinakahihntay ko sa nyong dalawa ni mama novs. Lapit na...kaexcite naman! :) Hay, all the efforts will be paid off na. Tuloy tuloy lang kuya. Goodluck! You & your family will be always in my prayers.

    ReplyDelete
  4. totoo ang kasabihan 'pag may tyaga may nilaga!' salamat ng marami sa support yatot! : P

    ReplyDelete
  5. :) i'm sure uneven yung heartbeat mo nung sinusulat mo ito.. hay pag-ibig.. <3

    ReplyDelete
  6. haha pano mu nalaman? is that base on experience? : D

    ReplyDelete
  7. hahahahah! *nag-ba-blush*

    aminin mo, ganun yung effect ni wifey mo! <3

    ReplyDelete
  8. pag-ibig..oh pag-ibig dakila ka pag-ibig..:D
    Sarap ng umpisa ng umaga ko dito..post mo lang talaga sir ang nagpapatawa sakin dito kahit sobrang homesick..salamat ng madami

    ReplyDelete
  9. yep ganun nga hehe, you sound like you've been there done that wahehehehe : D

    ReplyDelete
  10. haha ganun ba yun... yaan mo sisikapin kong makapag post ng regular hehe

    ReplyDelete
  11. wow.. late ko na to nabasa.. natats ako dito.. can relate ahah! sa sobrang tats eh lumabo ang paningin ko..sabay punas ng mata :)

    ang sarap mainluv.. na may hurt in between but in the end.. luv pa rin ang mas matimbang. ei.. i learned something from your post.. sabihin n lang natin na parang ako si wifey mo..

    haayyzz ang buhay mag-asawa nga naman.. at dahil mahal na mahal ni wife si hubby.. tatanggapin ang sorry.. kakapit sa pag-ibig..at sabay nyo ulit haharapin ang buhay.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.