Skip to main content

Pre tapos na yung music, paki baligtad


Bago mag-palit ng taon, naisipan kong linisin yung cabinet ko para naman fresh ang start ng new year. Di ko pa kasi naaayos yun simula nung lumipat kami sa sarili naming bahay nung 2007. Parang nakakapagtaka kung paano dumami ang mga gamit ko sa dati namang maluwag na cabinet, andami kasing mga abubot na hindi naman dapat tinatabi pa pero nandun. Mga labels ng damit na binili ko last year, mga load cards na gamit na, at kung
anu-ano pa… lalo na yung mga ceramic figurines na souvenir sa mga binyagang napuntahan ko, matagal ko na kasing gustong itapon yun kaya lang ayaw ni wifey, pero ngayon desidido na kong itapon silang lahat, nagulat pa si wifey nung makitang bitbit ko pababa yung mga figurines, umapela pa nga at ilagay na lang daw sa ibang lugar, kaya nauwi pa kami sa diskusyon…
 
Wifey: Ilagay mo na lang sa ibang lugar yan.
Me: Mag aacumulate lang ng alikabok yan, ang hirap pa namang linisin.
Wifey: Sayang naman, hindi pa naman basag yang mga figurines na yan.
Me: (intentionally drops the figurines on the floor) oops, now they are…
Wifey: (displays the “if looks could kill” look)
Me: (displays the “I’m outta here” look)
 
Sa loob ng halos 2 taon andami kong naipong basura sa cabinet na itatapon, pero yung iba naman pwede pang i-recycle pero itatapon ko pa rin dahil tinatamad akong mag-recycle. Alam ko namang pag tinapon ko yung mga yun eh me magbubungkal nun, isa yan sa mga perks ng pagiging third world country, bahala na lang kung sinu man ang makakuha nun, sya na lang mag recycle, gawin nyang sabon or something.
 
Konting bawas pa ng kalat eh nakita ko na yung isa sa pinaka mahalagang bagay na naitago ko since college… my precious tapes… oo yung cassette tape… okay ulitin natin, this time pag binasa nyo yung part na may line na “my precious…” isipin nyo kayo si Gollum na nagsasalita… game… “My precious cassette tapes!”
 
Isa sa magandang bahagi ng college ko eh yung music na kinalakihan ko, at lahat ng naipon kong cassettes, sila yung nagrerepresent sa music na yun. Nakakatuwa kung paano nagsisilbing parang bookmark ng buhay yung music, yung tipong pag may narinig kang kanta babalikan mo yung isang partikular na eksena ng buhay mo. Halimbawa, nasa bus ka tapos narinig mo yung “Butchikik” ni Yoyoy Villame tapos bigla kang mapapangiti dahil naalala mo yung first kiss nyo nung gelpren mo, ang sweet di ba? Ako nga pag naririnig ko yung kantang “It Might Be You” lagi akong natatawa, theme song kasi yun nung isa kong tropa at nung asawa nya, nung kinasal sila habang lumalakad si bride sa aisle yun ang tinutugtog na may lyrics na “somethings telling me it might be you all of my life… maybe its you… maybe its you”, ampucha sa lahat naman ng ikakasal sila ang hindi pa sigurado sa isa’t isa, ‘maybe its you’ pa lang hehe.
 
Going back sa tapes, lahat kasi ng tapes eh naipon ko while in college, after graduation kasi CD na ang uso. Yung sobra sa allowance ko yun yung iniipon ko para makabili. Di ko na matandaan kung ilan na lahat ng tapes ko, basta natatandaan ko yung cabinet dati sa kwarto ko, back when sponsored pa ng mga magulang ko yung pamumuhay ko, dalawang division ang sakop ng mga cassette tapes na naipon. 95% siguro ng cassettes eh binili ko mga 3% niregalo tapos yung remaining 2% hiniram ko ng walang pahintulot. Natatandaan nyo pa ba yung side A/side B ng tape? Na kapag natapos na yung tugtog sa side A babaligtarin para mapatugtog yung songs sa side B, tapos kung may gusto kang pakinggang kanta kaso nasa-kalagitnaan ng tape kailangan mo pang i-forward para marinig, kung mamalasin ka lalagpasan mo pa yung kanta kaya ire-rewind mo uli, hassle yun pero nandun yung fun sa pagpapatugtog ng cassette tape, no choice ka naman kasi.
 
Nung makita ko uli sila natandaan ko pa yung first tape na binili ko, Circus ng Eraserheads, sobrang luma na nya ngayon, naalala ko kinain ng player ko yung tape kaya may scotch tape na nagdudugtong dito. Next na nabili ko yung Definitely Maybe ng Oasis tapos Park Life ng Blur, mahilig ako sa Brit bands nun. Di ko na alam kung anong next na nabili ko basta ang last is yung Kid A ng Radiohead before graduation, regalo ko sa sarili ko. Yung mga local acts din, naisip ko nasaan na kaya sila ngayon, the likes ng Eratics, Polyester, The Jerks, The Wuds, Half Life Half Death, Identity Crisis, Binky Lampano, Violent Playground, yung peborit kong Ethnic Faces na nakapag release pa ng album nung 1995 na “Dekada”, san na kaya sila?
 
Na try ko pang patugtugin yung iba pero halata na inferior yung quality ng tape kesa sa mga cds na napapakinggan ko ngayon, pero oks lang dahil I’m after naman sa music, parang long lost brother ko yung mga tapes at tuwang tuwa akong nag-sound trip mag isa sa kwarto habang inaalala yung college days. Music soothes the savage beast ika nga, well I’m no beast but it soothes me just the same.
 
“At times I’m so grateful, im back again to you”
 
Ethnic Faces
Balik Bayan


Comments

  1. reading this entry i remembered my first ever tape [nagingiti ngiti pa po ako]. yung first album po nung spice girls LMAO

    ReplyDelete
  2. I see a radiohead "the bends" cassette tape. Classic! Haha.

    ReplyDelete
  3. Maybe its you..all of my life..:))
    nakakatawa to sir..di nga sila sigurado malamang sa malamang ngayon sure na sure na sila..:D
    Happy 2009 na rin sa kanila sir kun sino man yung tinutukoy mo..:D

    Sir madadagdagan na naman ng pahina ang buhay natin..mga ala-ala na yung mga nakasulat dito hehehe

    Nice entry for the start of 2009 sir..

    ReplyDelete
  4. GO tell me what you want, what you really really want... : ))

    ReplyDelete
  5. Radiohead's 'The Bends' album made me an instant Radiohead fan... classic indeed...

    ReplyDelete
  6. haha salamat tolits! Tolits pala tawag sa yo sabi ni sir ross...

    ReplyDelete
  7. ay opo Tolits with "T"..:D

    Naalala pa pala ako ni sir ross
    Intay namen uli cya dito hehehe

    ReplyDelete
  8. yep by April ata balik sya dyan... aus!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

Upakan

Di ko mapigil kundi maging sentimental pag naririnig ko yung mga kantang kinalakihan ko, hindi ko alam kung yung lyrics? o yung melody? or the singers themselves? Basta pagnaririnig ko yung Tough Hits ng Tito Vic and Joey halos maiyak ako sa kakatawa... Wala na tayong dapat pang patunayan pa dahil nakilala na yung talent nating mga Pilipino sa music internationally kaya sa tingin ko kailangan nang ibalik yung mga katulad ng Tough Hits. Tito Vic and Joey are plain genius at malamang maraming sasang-ayon dyan... kelan lang merong nag email sa akin ng ilang TVJ hits  at nagulat ako dahil kahit na ilang beses ko na napakinggan yung mga kanta nila eh parang ngayon ko lang napakinggan uli dahil sa sobrang tawa pa rin ako sa mga punchlines ng mga kanta nila... naalala ko sakay ako ng isang jeep tapos "Upakan" yung pinapatugtog, halos lahat ng sakay ng jeep maluha-luha sa kakatawa. Sa ngayon wala na atang katulad ng TVJ wala na atang susunod, Michael V is ok pero masyado sy...

Banal na Araw

Buti na lang na i-schedule yung outing ng barkada before friday and yung outing sa opis sa monday pa ehehe extended ang vacation... so whats with friday? Wala naman, eto kasi ang time ng procession sa bayan, the must see procession na inaabangan ng lahat ng taga-bayan. O nga pala yung lugar namin sa Las Piñas ang tawag eh 'Las Piñas bayan' eto kasi yung street na kung saan nakaharap ang St. Joseph Parish, home of the world renowned 'Bamboo Organ', oo dapat kasama talaga yan tag na yan pag babanggitin ang St. Joseph Parish... home of the world renowned Bamboo Organ... kita nyo na, automatic yun eh. So kung manggagaling kang Parañaque una yung San Jose street, dalawang simbahan ang tinutumbok ng street namin, sa unahan naroon ang Iglesia ni Cristo, pag nilakad mo pa hanggang dulo, bubungad sau ang St. Joseph Parish, home of the world renowned Bamboo Organ. So balik tayo sa procession, mula nung bata pa ko, mga couple of years ago, bukod sa 'Salubong' ng Easter...