Skip to main content

Nega



Four in a row! Kagabi uli nangyari nanaman. Meron kasing poste ng ilaw sa may kanto papunta sa amin, bihira kong makitang sindi yun, busted lagi, kung sindi man sya pag dumadaan ako namamatay bigla, oo walang biro, mamatay man yung aso ng kapitbahay namin, eh syempre at first I was afraid, i was petrified, kept thinking i could never live hmmm... nung una hindi ko masyadong pinansin, naisip ko baka kasi coinsi coencede coincedi nagkataon lang yun na pagdaan ko biglang namatay yung ilaw, pero after nangyari ng apat na beses, at kagabi nga yung pang apat eh parang di na coinsi coencede coincedi nagkataon ang nangyari. Gusto ko nang maniwala na me negative chi ako sa katawan gaya nung napapanood ko sa mga  fung shui experts. Meron siguro akong invicible negative force na nakakaapekto sa mga bagay bagay, pero syempre haka-haka ko lang yun.


Pero pano ko papaliwanag ang mga ito...


Pag sinusuot ko yung light brown kong jeans, 80% ang chances na uulan kaya bihira ko syang isuot, sinusuot ko lang sya pag gusto kong umulan...


***


Yung bahay namin malapit sa airport, so pag may la-landing na eroplano, dinig namin yung ingay ng engine nito na sobrang ingay talaga, although immune na kami sa ganung sound, nagtataka lang ako dahil kapag nagpapatugtog ako ng cd sa bahay tapos peborit track ko na yung nagp-play pag dating sa chorus yung tipong mapapakanta na ako, saka naman meron biglang mag lalanding na eroplano kaya hindi ko na maririnig yung chorus, madalas mangyari yun...


***


Ganito naman ang eksena pag nag-aabang ako ng bus, pag-pauwi mahirap akong makasakay ng MIA na bus dahil napupuno na sya from ayala, pero pag magsusundo ako ke wifey sa Sucat madaming MIA na bus ang dumadaan na maluluwag at walang gaanong pasahero, pero yung Sucat na bus naman ang punuan at mahirap sumakay, kung uuwi naman ako its the other way around, mahirap sumakay ng MIA maluwag naman ang Sucat...


***


Hindi lang naman ako ang nakakapansin, pati mga friendly friends ko, like before sa Metrobank competition, sabay kami lagi ng kaibigan kong magsubmit ng painting at lagi pa kaming magkatabi sa submission, pero three straight years hindi pumasok yung entry nya kahit na semifinalist lang, ako lang lagi, so nung ikaapat na sali namin mukhang nakahalata ata kaya di na sya sumabay sa akin sa submission, ayun nag finalist sya...


***


Pag me lakad kami ng tropa hindi na sila naniniwala sa akin pag sinabi kong me alam akong short-cut sa pupuntahan namin, dahil makailang beses na kaming naligaw dahil nagmamarunong ako sa mga short-cut short-cut, wala daw akong sense of direction... parang tanga lang...


And the list could go on and on, tinatamad na lang akong banggitin lahat. Me finorward pa nga sa akin yung isang concerned friend ko para daw mabawas bawasan ang negative forces sa katawan ko. Eto yun...


Practical Instructions to a Positive Body and Mind


In order to turn the mind and body toward the positive, inner work and training are required. Attitude and thoughts do not change overnight.


The power of thoughts is a mighty power that is always shaping our life. This shaping is usually done subconsciously, but it is possible to make the process a conscious one. Even if the idea seems strange give it a try, as you have nothing to lose, but only to gain. Ignore what others might say or think about you, if they discover that you are changing the way you think.


Always visualize only favorable and beneficial situations. Use positive words in your inner dialogues or when talking with others. Smile a little more, as this helps to think positively blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah... hohummm... blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah


Wala akong time para sa mga ganito, ni hindi ko nga mapakain yung mga gold fish sa bahay magbasa pa ng mga ganito, i'll just live by what House M.D. once said... "Life sucks. Your life sucks more than most. It's not as bad as some, which is depressing all by itself."


I'm sure hindi naman habang buhay ganito ako, magbabago rin yan sabay ng pag-ikot ng mundo, na-survive ko na ang thirty years of life, whats another thirty? I got all my life to live, i got all my love to give, i will survive and i will survive yeah, yeah!


Is that you Gloria Gaynor?




Comments

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.