Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2009

Jesus > ctrl + S

Sa isang catholic TV show tuwing lingo ng umaga, meron silang segment kung saan maaring magtanong ang mga viewers ng kahit na ano patungkol sa ‘faith’ and ‘religion’ naabutan ko yung isang tanong tungkol sa pagsisimba tuwing linggo, naging interesante para sa kin dahil isa ako sa mga madalas umabsent tuwing lingo, nasabi ko na sa inyo dati na hindi pang El Shaddai yung personality ko. Kasalanan ba daw na maituturing yung hindi pagsisimba tuwing lingo? Ang sagot ng host na isang bishop eh isang nakakalungkot na ‘Oo’ kasalanan ang hindi pagsimba tuwing lingo, ayon sa doktrina ng simbahan. Aaminin ko ngayon ko lang nalaman yun. Hindi naman ako palasimbang tao, pero madalas akong magpasalamat ke Bro sa araw-araw, kahit sa mga simpleng bagay na nangyayari sa buhay ko. Mas naniniwala kasi ako na mas mabuti pa yung magkaroon ka ng personal na relasyon sa Diyos o kung sino mang superior being yung sinasamba mo kesa sa ilimita mo ang sarili mong pananampalataya sa pag sisimba tuwing lingg...

Lipat Bahay

Oo nga pala lilipat na kami ng bagong haybol, malayo sa mga maderparkers na La Fuerzang to. Sabihin na lang natin na masyado silang greedy parang si Mr Crabs na medyo mas matindi pa konti, ah hindi konti, garapal sa pagka greedy. Paano ka ba naman hindi mababadtrip sa mga asskissers na to, simple lang naman ang math di ba? 3 unit = 3 parking spaces, hindi mo na kailangang maging einstein para ma figure out yang ganyang ka simpleng bagay, kahit anak kong 4 years old mauunawaan yan. Eh bakit nila gagawing 2 parking space para sa 3 unit? Di naman lahat ng kliyente namin kayang mag park ng gaya nung nasa larawan... Ilan lang yan sa mga dahilan kung bat kami lilipat, maraming pang ibang dahilan na pumuno sa salop namin kaya wala kaming magagawa kundi kalusin, pero yung parking space na pinagdamot ng kinamsyet na La Fuerzang yan ang main reason, saka mabaho ang hininga nila pag kausap namin, oo nagsasambit na talaga ako ng mga badwords na tyak na ikadudurog ng puso ng nanay ko kung madid...

Paano mo masasampal sa mukha yung mga tao sa gobyerno?

Kung meron mang sampal na dapat lumapat sa pisngi ng mga politikong atat na atat mahalal at nagtatago sa rasong 'marami silang matutulungan kung nasa tamang lugar sila at nanunugkulan... ' read: GOVERNMENT OFFICIAL, yung sampal na yon eh nasa katauhan ata ni Efren PeƱaflorida. Walang tulong mula sa gobyerno, walang sapat na pondo, walang sapat na manpower, ni hindi sila kumikita sa ginagawa nila, ang tanging sapat lang at naguumapaw eh yung kagustuhang tumulong sa kapwa sa abot ng kanyang makakaya 'Will Power' kumbaga.  'Will Power' at 'Wheel Power', dahil bukod sa sinseridad sa pagtulong, gamit din nila Efren kasama ang Dynamic Teen Company ang Kariton para lumibot sa iba't ibang lugar upang tulungan ang mga bata sa mga mahihirap na lugar para magkaroon naman sila ng kahit na kapirasong edukasyon, yung kariton ang kanilang instant classroom.  Sila yung naghihirap na makapagturo sa mga batang nangangailangan ng edukasyon ng walang inaasahang k...

Ang mga tunay na pangyayari sa likod ng kahindik-hindik na krimen

Nagiinuman sina Leo kagabi, meron syang kasamang apat pa na lalaki, masaya silang nagkukwentuhan tungkol sa kung anu-ano, yung usapan tungkol sa pulitika, nauuwi sa basketball tapos sa boxing, tapos sa mga artista, maya-maya tungkol sa mga buhay-buhay nila, kanya kanyang payabangan, kanya kanyang buhatan ng bangko, lahat magaling. Ilang oras pa ang kwentuhan at nauwi naman sa sayawan, kung paano nauwi doon yung usapan ng mga maton, sila lang ang nakakaalam. "Leo alam mo ba yung bagong sayaw na pinatutugtog ngayon? (hik)" tanong ng kasamahan. "Alin? (hik) yung laging sinasayaw ng mga bata?" sagot naman ni Leo. "Oo yung nga! (hik)" sabat naman ng isang kainuman. "Yun lang pala eh (hik), syempre halos lahat naman ng tao alam ang 'Macarena!" sagot uli ni Leo habang tatawa-tawa. "Gago! (hik) anong Macarena? Eh napaka-luma na nun eh! (hik)" sabat uli ng isang kainuman. "Ah matagal na ba yun? (hik) Di ba kelan lang nauso yun? (h...

Salamat Ondoy!

Sa titulo pa lang parang dadami ang mangangaway sa akin gaya nung ke Jacque Bermejo, napaisip tuloy ako kung itutuloy ko ba o hindi, since kulang kulang naman yung isip ko eh tinuloy ko na rin. Pero ano ba talaga ang dapat ipagpasalamat ke Ondoy? Mga nasalantang kabahayan? Mga namatay na mahal sa buhay? Mga nawalan ng tirahan? Mga nasirang kabuhayan? Lahat yan negative, ni hindi papasok sa isip mong bigyan ng pasasalamat ni katiting, sobrang pahirap at sakit sa kalooban lang ang maisasagot ng bawat taong nakaranas ng lupit ni Ondoy, pero lahat ba yan ginusto ni Ondoy? Si Ondoy! Si Ondoy na walang malay! Kasalanan ba nya na lumakas yung ulan na binagsak nya gayung resulta lang naman yun ng natural na ikot ng kalikasan, yung pag-init ng mundo, global warming sabi ng mga eksperto, hindi ba natin naisip yon? Umiinit ang mundo kaya natural na lumakas ang evaporation process, mas mainit mas maraming tubig ang nage-evaporate at natural naman na yung tubig na naipon sa mga ulap eh baba...