Skip to main content

Ang mga tunay na pangyayari sa likod ng kahindik-hindik na krimen


Nagiinuman sina Leo kagabi, meron syang kasamang apat pa na lalaki, masaya silang nagkukwentuhan tungkol sa kung anu-ano, yung usapan tungkol sa pulitika, nauuwi sa basketball tapos sa boxing, tapos sa mga artista, maya-maya tungkol sa mga buhay-buhay nila, kanya kanyang payabangan, kanya kanyang buhatan ng bangko, lahat magaling. Ilang oras pa ang kwentuhan at nauwi naman sa sayawan, kung paano nauwi doon yung usapan ng mga maton, sila lang ang nakakaalam.

"Leo alam mo ba yung bagong sayaw na pinatutugtog ngayon? (hik)" tanong ng kasamahan.
"Alin? (hik) yung laging sinasayaw ng mga bata?" sagot naman ni Leo.

"Oo yung nga! (hik)" sabat naman ng isang kainuman.
"Yun lang pala eh (hik), syempre halos lahat naman ng tao alam ang 'Macarena!" sagot uli ni Leo habang tatawa-tawa.
"Gago! (hik) anong Macarena? Eh napaka-luma na nun eh! (hik)" sabat uli ng isang kainuman.

"Ah matagal na ba yun? (hik) Di ba kelan lang nauso yun? (hik)" sabi ni Leo.
"Ang gago mo talaga kahit kelan! (hik)" halatang galit na yung isang kasama ni Leo.

"Hindi mo ba alam yung 'Nobody, Nobody'?" tanong uli ng isang kasamahan.
"Anong Nobody Nobody?... (hik) wala akong pakialam! Hindi ko alam yan!" galit na rin na sagot ni Leo.

"Ano ka ba! (hik) Ka-lalake mong tao hindi mo alam ang Nobody!?" bulalas ng isa sabay tayo. Medyo susuray-suray na ang lalake sa kalasingan pero ayaw paawat.

"Pare tama na lashing ka na! (hik)" sabi ni Leo.

Masama ang tingin kay Leo ng lalaki. Lumapit ang lalaki kay Leo sabay taas ng hintuturo, nakaturo sa kisame, tiningnan ni Leo ang kisame nang biglang nagulat sya sa ginawa ng lalaking nakatayo... naka muestra pa rin ang hintuturo at paulit-ulit itong kinakaway sa ere habang salitan naman ang pagindak ng paa, dito na nagsimulang umawit ang mga lalaki maliban kay Leo... "I want nobody, nobody but chu..." sabay turo ng dalawang hintuturo kay Leo, tapos palakpak, turo uli kay Leo at palakpak saka inulit mula simula ang ginawa, habang inulit rin ng tatlo ang pagkanta... "I want nobody, nobody but chu..."

"T*@#na ka 'Nobody Nobody lang hindi mo pa alam, (hik) bobo ka! Pwe!" halos pasigaw na sabi ng lalaki kay Leo, habang naka-pose ang lalaki na parang naka-squat tulad sa ending ng 'Nobody Nobody' na video.

"EH SA HINDI KO ALAM ANG NOBODY, NOBODY! MGA GAGO PALA KAYO EH!" sigaw ng galit na galit na si Leo.

Yun na ang huling salita na narinig at puro kalampagan na lang at ingay ng mga nababasag na bote ang narinig sa kalagitnaan ng gabi, maya maya pa'y tumahimik na ang lahat.

Kinabukasan...





Photobucket


Comments

  1. Nakakamatay pala yang sayaw na yan kesa sa kantahin yung "my way". :-(

    ReplyDelete
  2. ito ba talaga ung story??
    naloka naman ako!!

    ReplyDelete
  3. gawa gawa ko lang yung story hehe pero yung news totoo... parang tanga lang eh... at oo 'Nobody' is the new 'My Way'...

    ReplyDelete
  4. Woo sana umagree nalang po siya sa macarena hahahahahahaha. Natawa nga po ko nung nabalitaan ko. Pero dapat maawa pero sila'y mga tanga hehe

    ReplyDelete
  5. o nga, para 'Nobody' lang pumatay na sila... di bale sana kung 'Achy Breaky Heart'...

    ReplyDelete
  6. omg! lintik na balita to oh...

    d ba sa barberya lang galing toh? hehe

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

We Filipinos Are Mild Drinkers

Stumble upon this short story by National Artist for Literature Alejandro Roces (it's pretty long but trust me its a short story) on a book titled 'Panorama of World Literature for Filipinos',  i find this story amusing and funny at times. We may call the humor of Alejandro Roces as humor of exaggeration, the funny situations are laugh-provoking because they are... well... exaggerated hehe sometimes satirical. He wrote 'We Filipinos...' as a student of Arizona University and was first published in The Arizona Quarterly, i think it won him an award in literature from that university. So if you have a minute to spare read on. Happy reading!   We Filipinos are Mild Drinkers by Alejandro R. Roces WE Filipinos are mild drinkers. We drink for only three good reasons. We drink when we are very happy. We drink when we are very sad. And we drink for any other reason. When the Americans recaptured the Philippines, they built an air base a few miles from our barrio. Yanke...

It's not about you Carlo...

Antindi ng hype ke Carlo J sa pagiging National Artist nya, kung tutuusin naman eh hindi naman nya kasalanan talaga ng lubusan kung sya man ang mabigyan ng ganung parangal, ang me sala eh yung mga tao dun sa Malacanang particular yung petite na girl dun. Sila naman nag-singit sa kanya, sila naman ang gumawa ng bagong kategorya para s-swak sa kanya at sila naman nag parangal sa kanya so hindi naman siguro kasalanan ni Carlo J kung ano mang parangal ang tinanggap nya. Payo ko lang ke Carlo J, wag na nya masyadong i-defend yung sarili nya dahil nagmumukha syang… how would you say that?… pathetic?… tama nagmumukha syang pathetic, napanood nyo ba yung sa ANC? ( Carlo J at ANC ),dahil ang issue naman talaga eh hindi tungkol sa kanya (well partly tungkol sa kanya) pero ang talagang issue and ang questionable eh yung process na hinokus-pokus ng MalacaƱang, yung pagbale-wala sa original selection na ginawa ng CCP and NCCA committee, na kung hindi dahil sa minandyik na prose...

My Futile Attempt to Photography

Gutter droppings from makopa tree. Taken nung holy week, my auntie handed me 4 rolls of film, 24 exposure each 200asa, sayang naman, so i decided to unearth my rusty este trusty manual SLR, and click my boredom away. Most photos are taken from our neighbors house. Scanned sa office's Epson 4490 (the best!). The color is achieved by extending the selection bounderies of the scanner outside the negative margins, adjusted sa photoshop levels and sharpness and whooolaaaa, here's the result. You may call it art if you want to, i'm thinking otherwise hmmmmm.